The Perfect, But Not the First Kiss

1.2K 37 29
                                    

//

Ito na ang Finale.

Para kay pamelasevilla na halos hindi na ata natutulog sa kakabasa ng story ko. Salamat.

// 

Nakahiga ako sa kama ko at nakatingin lang sa kisame. Hindi ako makapaniwala na ang first kiss ko, sa lips ay si MC. Sa tagal-tagal ko ng pagde-daydream kung ano ang magiging tagpo ng first kiss ko, hindi ko inakala na sa ganito lang mauuwi. 

Tinakpan ko ng unan ang aking mukha at sumigaw ako ng buong lakas. Ginulo-gulo ko ang buhok ko na para ba akong nababaliw. 

Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at binasa ang message na galing kay JM. 

Gusto ko nang matulog kaya itigil mo na ang pagmumukmok mo diyan at magpalit na tayo ng kwarto. 

Hindi pa umuuwi sila papa galing Davao kaya magpapalit pa rin kami ng kwarto ni JM. Agad akong tumayo. "Nakakainis! Paano naman ako haharap nito kay MC?" Naglakad ako papunta sa pinto. Nagulat ako nang makita sa JM sa labas ng kwarto ko. 

"Hindi ko alam na babae pala ang gusto mo" bungad niya sa akin. Ramdam ko na tila umakyat ang dugo sa ulo ko at agad na nag-init ang pisngi ko. Pagsasarhan ko sana siya ng pinto ngunit mabilis siyang pumasok sa kwarto ko. 

"Pwede ba JM. Naging kampante ka na naman sa pang-aasar sa akin ha." buwelta ko sa kanya. 

"Kaya naman pala andami nating mga kisses dati na hindi matuloy-tuloy, kasi iba ang type mo." Tila hindi niya narinig ang sinabi ko. Tinapunan niya ako ng mapang-asar na tingin at umupo siya sa kama. 

Kinuha ko ang unan ko at ipinalo iyon ka kanya. "Wala ka talagang magawang matino! Nakakainis ka!" Pinalo ko ulit siya ng unan. 

Pilit niyang inaagaw sa akin ang unan pero patuloy pa rin ang paghampas ko sa kanya. Habang nakataas ang aking mga kamay ay bigla niya akong sinunggaban sa dalawang braso ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Kapag tinamaan pa ako ng unan mo, hahalikan na kita."

Para akong naparalisa. Hindi ako makakilos. Nabitawan ko ang unan at nahulog ito sa sahig. Bigla naman siyang tumawa. 

"Sabi ko na nga ba iba ang tipo mo e. Ayaw mo talagang halikan kita no." Humiga siya sa kama ko. Tumingin sa kisame. Biglang nagbago ang ekpresyon ng kanyang mukha. "Nabasa mo na ba yung sulat ko?"

Humiga na din ako sa kama at tumingala sa kisame. Simula noong naospital kami ay mas naging close na kami ni JM at mas kumportable sa isa't isa. "Oo, nabasa ko na." Iniiwasan kong tumingin sa kanya. 

Nagbuntong-hininga siya. "Ganun mo ba talaga ka-ayaw sa akin na hindi mo na ako pinansin pagkatapos mong mabasa ang sulat ko?"

Sumulyap ako sa kanya. Napansin ko na parang nangingilid ang kanyang luha. Tumingin ulit ako sa kisame bago sumagot. "E di ba, nagpapaalam ka na sa sulat mo? Naisip mong talo ka na kay Javi kaya gumawa ka ng sulat na hindi mo naman ibinigay. Tapos noong ibinigay mo naman, huli na ang lahat. Parang naging irrelevant na siya. Ano pa bang masasabi ko dun?" 

"Nagpaalam ako kasi akala ko wala na tayong pag-asa pero ngayong hindi naman pala kayo pwede ni Javi..." Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla akong sumingit. 

"Dahil hindi na kami pwede ni Javi, bumabalik ka dahil tingin mo may pag-asa ka, ganun?" nakataas ang kilay kong tinanong ko sa kanya. "E ang hangin mo naman pala!"

Tumagilid siya ng pagkakahiga upang humarap sa akin. "Wala ba akong pag-asa sayo?" walang takot niyang tinanong. 

Napalunok ako. Hindi ko inaasahan na magiging ganito siya ka-straight forward. "Ewan" maiksing kong sagot. 

The Making of a Perfect First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon