MC's Perfect First Kiss

1.1K 39 25
                                    

//

Sa mga nainis kay MC dahil ayaw niyang pagbigyan si Encar kay Javi noong una, ang chapter na ito ang ginawa para i-redeem ang character niya. Pagpahingahin muna natin si Encar at ilagay ang spotlight kay MC. 

Para kay ChelciiJhes sa walang sawang pagbasa at pag-vote sa mga stories ko. :D

//

May bagong lipat sa school namin. Sobrang cute niya. Para siyang artista ng isang Korean series. Pumunta kami ni Encar sa room ni Kuya JM dahil magkaklase sila. Alam ko na noon pa lang na aksidenteng natumba si Encar sa tapat niya ay nagkagusto na siya dito. 

Nainis ako noon kasi naisip ko palagi na lang si Encar ang nagugustuhan ng mga gusto ko. Parang noong nasa 6th grade kami. May crush ako na crush din niya. Akala niya, sa akin yun may gusto pero ang totoo, pinilit ko talagang ako ang ligawan ng mokong na yun noong malaman ko na pinagpupustahan nila ng mga kaibigan niya kung mapapasagot niya si Encar. Tapos bigla ko siyang binasted at tinakot ko na wag na siyang lalapit sa amin ni Encar kahit kailan. Ayun natakot siguro ng bongga, sumama sa family niya sa Amerika. 

Umasa ako na posibleng magustuhan din ako ni Javi kaya lang, sa araw-araw na nagkakasama kami, lagi akong nasasaktan kapag nakikita kong palihim siyang kumukuha ng pictures ni Encar. Tapos ginawa pa niyang screensaver. 

Kahit ganon, nanatili lang ako sa tabi ni Javi. Lihim na humahanga. Natatawa nga ako sa sarili ko kasi para ang masokista, nag-eenjoy na sinasaktan ang sarili. Lahat iniiyakan. 

Iniyakan ko nung nakuhang lead role sa play si Encar. Kasi magiging ka-partner niya si Javi tapos may kissing scene pa. Gusto ko ngang batukan si kuya kasi ganun ang nilagay niya sa story.

Iniyakan ko yung fake wedding nila. Buti na lang hindi natuloy yung kiss nila ni Encar.

Iniyakan ko rin noong nakita kong hinalikan sa pisngi ni Javi si Encar noong nasa Baguio kami. Hindi kami nakasama ni Kuya sa kanilang dalawa dahil may meeting kami. Naghintay ako sa labas ng townhouse namin nun. Nakita kong may paparating na taxi kaya nagtago ako sa gilid. Napaiyak ako noong biglang hinalikan ni Javi si Encar sa pisngi. Tapos patalon-talon pa siya pabalik sa townhouse. Nalungkot ako para kay kuya kasi nakita ko ang lungkot niya habang nakasilip siya mula sa 2nd floor. Alam ko naman na may gusto siya kay Encar simula pa noong mga bata kami. Nakita ko yung box sa loob ng kwarto niya. 

Nung Senior's night, partner pa sila ng costume. Pinilit ako ni Javi noon na sabihin kung ano ang costume ni Encar para makapagpagawa siya ng partner. 

Nakita ko nung sa wakas, inamin na rin ni Javi yung feelings niya para kay Encar. Umiyak ako nun sa likod ng stage. Nakita ko si kuya na nakikipag-flirt sa muse ng section 3 pero alam ko na selos na selos din siya. Noon ko na tinanggap na wala na talaga akong pag-asang mapansin ni Javi. Kaya noong bibilangin na yung mga roses, binawasan ko ng 3 roses yung nasa kamay ko para si Encar at si Javi ang maging King and Queen of the Night. 

Kinabukasan, sinabi sa akin ni Encar na sila na nga ni Javi. Buti na lang napigil ko ang sarili ko na umiyak sa harap niya. Pag nagkataon, siguradong makikipaghiwalay agad si Encar kay Javi kapag nalaman niya na nasasaktan ako kaya kahit gaano kahirap, nagkukunwari akong masaya. 

Ok na sana ang lahat hanggang malaman nila Encar at Javi na magkapatid pala sila. Hindi ko talaga alam ang nangyari. Kay Javi ko lang nalaman.

Na-discharge agad si Javi sa ospital. Kinabukasan, nakita ko siya sa labas ng kwarto ni Encar. Nilapitan ko siya. 

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba papasok?" pinihit ko ang door knob pero pinigilan niya ako. Nakita kong umiiyak siya. Hinatak ko siya papunta sa parking lot. "Anong nangyari Javi?"

The Making of a Perfect First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon