Drama Kiss

1.2K 44 19
                                    

Paggising ko ay wala na si MC sa kwarto. Bumaba ako at pumunta sa kusina. Nandun si Javi at MC. Nagpe-prepare sila ng breakfast. Well, si Javi lang ang nagpe-prepare dahil hindi marunong magluto si MC. Nanonood lang ito habang nagluluto si Javi.

"Good morning Encar!" nakangiting bati ni Javi sa akin.

"Whoa! Hindi ka ba nakatulog? Nangingitim yung gilid ng mata mo." sabi ni MC.

"Isang oras lang ako nakatulog. Namahay kasi ako" sagot ko sa kanila sabay upo sa harap ng dining table.

"O! Namahay ka rin?" tanong ni MC.

Biglang lumapit si JM sa likod ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Kasalanan ni Encar lahat. Hindi niya ako pinatulog."

Tumingin sina MC at Javi sa akin. Ginalaw ko ang balikat ko para alisin ang kamay ni JM. Lumingon ako sa kanya at tumingin ng masama.

"Joke lang. Sumakit yung dibdib ko kagabi. Parang may nakahawak. Pero ok na ko ngayon." kumindat siya sa akin. "Ano niluto mo Javi?

"Bacon at sunny side up eggs lang. Hindi ko na na-toast yung bread ha."

"Ok lang yun. Gutom na rin ako" umupo si JM sa tabi ko habang si Javi naman ay umupo sa kabilang tabi.

"Pasensya ka na kung hindi ka nakatulog" nag-aalalang sabi sa akin ni Javi.

"Ok lang yun. HIndi kasi ako sanay matulog sa ibang bahay"

"Talaga? E bakit sa bahay namin nakakatulog ka naman" pang-aasar ni JM.

Umirap ako kay JM. Nilagyan ni Javi ng bacon at egg ang plato ko. Nilagyan din niya ng juice ang baso ko na agad ko namang ininom. "Kumain ka ng marami."

Nagtaka ako dahil pinagsisilbihan ako ni Javi. Alam na kaya niya na natuklasan ko na ang sikreto nila ni JM kaya nagpapakabait siya sa akin?

Kumuha ng bread si JM at nilagay yun sa plato ko. "Magpakabusog ka para ma-practice yang bibig mo."

Naalala ko ang sinabi ni JM sa akin kagabi. Napaubo ako. Nabulunan ako ng iniinom kong juice. Agad na tumayo si Javi para ikuha ako ng tissue. "Ok ka lang?" tanong niya habang pinupunasan ang pisngi ko.

Tumango lang ako at kinuha ko ang tissue mula sa kamay niya. "Thank you" sabi ko kay Javi sabay pinandilatan ko si JM.

"Malapit na ang foundation week di ba? Baka isa ka sa mapiling cast sa play na sinusulat ko. Alam mo na. Mapapagod ka sa kasasalita." ngumiti si JM sa akin.

"Oo nga pala! Yung story mo ang napili na gamitin para sa play ng 12th grade. Sabi nila maganda daw yung story ng 11th grade. Tapos mo na ba yung sayo Kuya?" excited na tanong ni MC.

"Tapos na. Ni-review na ni Mrs. Aguilar. Ok na daw pumili ng mga cast."

"Wow! Hindi ko alam na sumusulat ka rin ng script. Mukhang magiging masaya ang school year na 'to para sa akin ha." sabi ni Javi.

Matagal pa silang nag-usap tungkol sa play. Wala ang isip ko sa pinag-uusapan nila dahil naalala ko na naman ang huling sinabi ni JM kagabi. Bakit ba bumibilis ang tibok ng puso ko habang naiisip yun?

Nagpatawag ng meeting sa auditorium para sa mga officers ng 12th grade. Nandun si JM at Javi na President at Vice President ng section 2. Si MC at ako na President at Vice President ng section 1 at ang iba pang officers ng section 3. Napagkasunduan na magkakaroon ng audition para sa casting ng play. Ang presidents at VPs ng 3 sections ang pipili ng casts.

Love story ang theme ng play. Isang mayamang babae na nain-love sa isang mahirap na lalaki. Tragic ang ending dahil may sakit ang babae at mamamatay ito. May scene sa script kung saan hahalikan ng lalaki ang babae bago ito mamatay.

The Making of a Perfect First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon