Agad kong inabot ang cellphone ni Javi si kanya.
"S-sorry, h-hindi ko s-sinasadyang m-makita" utal na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung ang pagkahuli niya sa akin na titinignan ang cellphone niya o ang malaman ko na ako ang nasa screensaver ng phone niya ang dahilan ng pagkautal ko.
Ngumiti siya. Kinuha niya ang cellphone at inilagay sa loob ng bulsa niya. "Dance?" tanong niya sa akin.
Kinuha ko ang rose na inaabot niya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa dance floor.
Inilagay niya ang kanang kamay ko sa balikat niya habang hawak naman niya ang kaliwa kong kamay. Inilagay niya sa likod ko ang isa niyang kamay at nag-umpisa na kaming sumayaw.
Si Javi ang unang bumasag ng katahimikan.
"So alam mo na pala na kung sino ang first love ko."
Lumunok ako. Nanunuyo ang lalamunan ko sa kaba. Hindi ako makapagsalita.
"Di ba tinanong mo ako kung taga-Jade Valley siya?" Huminto siya. Huminga ng malalim bago nagpatuloy. "Vice-President siya ng Section 1. Siya yung nasa screensaver ng phone ko."
Napahinto ako sa pagsayaw. Tiningala ko siya. Gusto kong magsalita pero walang gustong lumabas sa bibig ko.
"I like you Encar. Simula pa lang nung aksidente mong pinadugo yung bibig ko. Akala ko alam mo nang gusto kita dahil nag-confess na ako sayo nung nasa party tayo ng pinsan ko. Nung nakasuot ka ng Mickey Mouse na costume. Alam kong ikaw yun. Nung naging mag-partner tayo sa play, tuwang-tuwa ako. At yung fake na wedding natin, pinlano ko talaga yun. Hanggang ngayon, suot ko pa rin yung wedding ring natin. Parang ikaw, suot mo pa rin."
Napatingin ako sa daliri kong may singsing. Tama siya. Palagi kong sinusuot ang wedding ring namin ngunit ngayon, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil matagal kong pinangarap na ako sana ang gusto niya pero may bahagi sa puso ko na nalulungkot.
Ngumiti siya sa akin. "I want to be the man who makes you happy. Kung papayag ka." Tumingin siya sa akin. Naghihintay ng sagot.
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto ko siya pero nag-aalangan ako. Mula sa gilid ng mga mata ko ay may nahagip akong isang pigura na nakatuon ang mata sa amin. Si JM. Nakatayo siya sa madilim na parte sa gilid ng dance floor.
"You don't have to give me an answer now, Encar. I can wait and I will wait." Napatingin ako kay Javi nang magsalita siya pero agad ko ring ibinalik ang tingin ko kung nasaan si JM. Wala na siya dun. Inilinga ko ang mga mata ko pero hindi ko na siya nakita.
Natapos na ang kanta. Inihatid ako ni Javi sa upuan namin. Nag-announce ang host na huling kanta na kaya kailangan nang ipamigay ang mga natitirang roses.
Hinanap ko ang rose na may pangalan ko. Hindi ko ito makita. Tanda kong inihiwalay ko yun sa mga roses na natanggap ko dahil pinag-iisipan ko kung kanino iyon ibibigay. San ko kaya nailagay yun? Tinignan ko sa ilalim ng mesa pero hindi ko iyon makita.
Tumayo ako para hanapin ang nawawala kong rose. Naglakad-lakad ako. Napatingin ako sa gilid ng stage. Naroon si JM. May hawak siyang isang lata ng beer. Ano bang iniisip niya at lantaran siyang umiinom?
Lumakad ako palapit sa kanya para sitahin siya pero hindi ako lubusang nakalapit dahil nakita ko na may kausap pala siya. Hindi ko agad napansin dahil nakatayo ang kausap niya sa bandang likuran ng stage. Siya ang muse ng section 3. Lumapit si JM sa kanya at hinaplos ang kanyang pisngi.
Natigilan ako at biglang nanlamig ang buo kong katawan lalo na ng halikan siya si JM sa pisngi. Napako na ako sa kinatatayuan ako.
Bigla namang nagsalita ang host. Tinawag niya ang pangalan namin nina MC, JM, Javi pati na rin ang president ng Section 3 at ang muse nila, ang babaeng hinalikan ni JM. Pinaakyat kami sa stage. Kami pala ang may pinakamaraming roses.
Unang binilang ang mga roses naming mga babae. 7 ang sa muse, 12 kay MC at 14 sa akin. Hindi ako makapaniwala na mas marami akong nakuhang roses kay MC, ang crush ng bayan.
Sumunod naman na binilang ang sa mga lalake. 6 sa president ng section 3, 15 kay Javi at nang bibilangin na ang kay JM ay agad niyang nagsalita. "13 lang yung sa akin. Binilang ko na kanina,"
"13 roses para kay Jose Miguel Del Rosario. Ang ibig sabihin, ang King of the Night ay si Javier Marcus Dela Cruz at ang kanyang Queen ay si Juliana Encarnacion Marquez. Palakpakan natin ang lovely pair!"
Niyakap ako ni MC habang si JM naman ay bumaba na ng stage hawak ang kamay nung muse. Agad silang nawala sa paningin ko.
Isinuot sa amin ang mga korona at nagsayaw kami sa gitna ng dance floor.
Pagtapos ng party ay magkakasabay kaming umuwi nina MC at Javi. Hindi namin makita si JM. Tinawagan siya ni MC pero hindi siya sumasagot.
Hinatid muna namin si MC sa townhouse ng Yellow team. Pagtapos ay ako naman ang hinatid ni Javi sa townhouse namin.
"Salamat sa paghatid mo sa akiin" sabi ko sa kanya nang marating kami sa harap ng townhouse namin.
Ngumiti siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Encar, yung sinabi ko kanina, seryoso ako dun. I like you... A lot."
Napatingin ako sa kalsada sa likod ni Javi nang may isang anino ng lalaki na biglang sumulpot doon. Si JM, naglalakad palapit sa amin. NIlagpasan niya kami at dumerecho sa pintuan.
Nakita siya ni Javi kaya tinawag siya. "Bro, kanina ka pa hinahanap ni MC."
"Alam ko, itetext ko na lang siya." Malamig na sagot ni JM kay Javi sabay bukas ng pinto.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero bigla ko na lang hinalikan sa pisngi si Javi. "Pumapayag na ako" sabi ko sa kanya.
Nakita kong nagulat siya pero agad siyang napangiti. "Talaga?!" sigaw niya sabay yakap sa akin. "Sobrang saya ko!"
Biglang sumara ang pinto sa likod ko. Nagulat kaming pareho ni Javi pero nakabawi rin kami at niyakap akong muli ni Javi.
Napaisip ako. Tama lang siguro na bigyan ko ng pansin si Javi. Dahil gusto niya ako at gusto ko rin siya. Naging mabuti naman siya sa akin at mukhang seryoso naman siya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na ako kay Javi. Kitang-kita ko ang ningning sa mga mata niya. Hinintay niya akong makapasok bago siya umalis. Sinilip ko siya mula sa bintana. Napangiti ako nang makitang nagtatalon pa siya sa tuwa.
Ni-lock ko ang pinto at naglakad na ako papunta sa hagdan nag biglang may nagsalita mula sa sala. Madilim ang sala kaya hindi ko agad siya nakita na may tao doon pero alam ko na si JM yun.
"So kayo na?" tanong niya.
"Bakit ka uminom kanina?" ang una kong nasabi.
"Wag mong sagutin ang tanong ko ng isa pang tanong"
"Tinatanong kita kung bakit ka uminom kanina. Alam mo ba kung ano ang mangyayari sayo kapag nahuli ka ng mga teachers natin?"
"Wala akong pakialam. Yung tanong ko ang sagutin mo. Kayo na ba?" halata ang pagkairita sa boses niya.
"E ano naman sayo? Hindi naman kita pinakikialaman kung makipaghalikan ka sa muse ng section 3 di ba? So wag mo akong pakialaman. Hindi kita kapatid o tatay." Naiinis na rin ako.
"Sabagay. Hindi mo nga pala ako kaano-ano. Pero obvious naman na kayo na. Hindi mo naman siya hahalikan kung hindi mo siya gusto."
"So kayo na rin ni Ms. Muse dahil hindi ka naman manghahalik kung wala kang gusto sa kanya di ba? Masaya din ako para sa inyo." mapait na sabi ko.
"Tama ka. Hindi ako nanghahalik ng hindi ko gusto." Tumayo siya at lumapit sa akin. Napaurong ako at napasandal sa pinto. Itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa pinto at inilapit ang mukha niya sa akin.
Napahinga ako ng malalim. Sa sobrang lapit niya ay naamoy ko ang beer mula sa kanyang hininga.
"Thank you. Matagal ko na talagang gusto si Cathy, yung muse ng section 3. Kanina ko lang nasabi sa kanya." Tumalikod siya at naglakad. "Masaya din ako para sayo" pahabol niyang sabi habang umaakyat sa hagdan.
/////
Nakahanap din ako ng inspiration para ituloy ang story. Alam kong may mga JM+Encar supporters na malulungkot dahil dito. Sarreeeh... :)
BINABASA MO ANG
The Making of a Perfect First Kiss
Teen FictionEncar's heart started to race as she looked at Javi's sparkling eyes. If there is anyone she would like to give her first kiss to, it would be Javi. She could feel his breath as he moved closer. She closed her eyes, savoring the warmth of his touch...