A/N
Wala akong magawa kaya naisip ko na mag-add ng isa pang chapter para lang ibuko ang first kiss nila Encar at JM. Wag masyado mag-expect. Sabaw lang 'to pero pagtiyagaan niyo na. :)
—-
// JM //
Napatunganga ako nang makita si Encar. Naka-gown siya na kulay powder blue. May manipis na make-up at nakabagsak ang mahaba niyang buhok na bahagyang kinulot sa dulo.
Ngayon ang kasal ng papa niya at mama ni Javi. Dalawang buwan matapos nilang magkitang muli ay napagdesisyunan nilang magpakasal sa simbahan. Opisyal nang magiging magkapatid sina Encar at Javi.
"Pangit ba, Mine?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
Hindi ko maiwasang ang mangiti tuwing maisip kong napapayag niya ako sa term of endearment na ito. Parang napaka-possessive kasi. Pero hindi ko rin maikakaila na ang sweet din naman. Si Encar ang nakaisip nito. Sa dami ng pagpipilian, mula sa cupcake, sweetheart, honey, love, mahal, baby at kung anu-ano pa, ito lang ang nakatawag ng pansin ko.
"Ang ganda mo, Mine. Pakasal na rin tayo? Double wedding." Sagot ko sa kanya sabay ng marahang halik sa kanyang labi. Lumingon pa siya sa paligid bago niya ako hinampas sa balikat.
"Ano ka ba? Hilig mo mag-PDA!" saway niya sa akin.
"E ano naman. Buti nga hindi tulad nung kapatid mong hilaw na panay ang tambay sa mga lockers kasama yung kapatid kong higad." Natatawa kong sabi sa kanya.
Simula kasi ng aminin nina MC at Javi ang relasyon nila, hindi na sila mapaghiwalay. Andaming mga babae ang tinatawag siyang higad dahil napakaarte daw at panay ang lingkis kay Javi. Madalas silang napagkikitang naghahalikan sa lockers area. Hindi naman ako nababahala. Kilala ko ang kapatid ko. Kahit maarte yun, alam niya kung hanggang saan ang limitasyon niya. Si Javi ang inaalala ko. Naiinis ako tuwing maiisip ko na kung hindi siya naging magkapatid ni Encar ay baka silang dalawa ang napagkikita sa lockers.
"Tara na?" Yaya ko kay Encar. Magkahawak-kamay kaming lumabas ng bahay nila papunta sa van na inarkila nila mama.
Nagulat pa kami pareho nang buksan namin ang pinto ng van. Si MC, nakakandong kay Javi habang hawak nito ang magkabilang pisngi ng huli at pinaliliguan ito ng halik.
"Seryoso?!" Nakataas ang kilay na tanong ni Encar. Sabay na napatingin ang dalawa sa kanya at mabilis na umayos ng upo.
Sa likod nila kami umupo. Nagkatinginan kaming dalawa ni Encar ng humilig si MC sa balikat ni Javi na marahan namang humalik sa ulo niya. Ang tindi talaga sa PDA ng dalawang ito.
Tinapik ko ng bahagya ang balikat ko, senyas kay Encar na maari din siyang humilig dito. Ngumiti siya sa akin at ginaya ang ginawa ni MC. Ilang segundo ang lumipas at narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. Sigurado akong hinihintay niyang halikan ko siya sa ulo gaya ng ginawa ni Javi kay MC. Lihim akong napangiti.
Marahan kong hinawakan ang baba niya at inangat ang mukha niya para magtama ang aming nga mata. Tama ako. Nakasimangot siya pero hindi ko maiwasang ngumiti dahil kahit nakasimangot, maganda pa rin siya sa paningin ko.
Hinalikan ko siya sa labi na ikinagulat niya ngunit hindi naman niya ako pinigilan. Sa halip ay sinagot rin niya ang halik ko. Naputol lang ang moment namin ng tumikhim si Javi.
"Ehem.. Kailan ka pa natutong mag-PDA, Encar?" Mapang-asar na sabi ni Javi.
"Simula noong naging kayo ni MC!" masungit niyang sagot sa kapatid.
Nagtawanan kaming lahat.
Halos hindi namin namalayan ang takbo ng oras sa simbahan. Panay din kasi ang tingin ko kay Encar na parang anghel na bumaba sa lupa. Ganun din kabilis ang oras sa reception. Hindi ko alam pero kapag kasama ko si Encar, hindi ko namamalayan ang pagtakbo ng panahon.
BINABASA MO ANG
The Making of a Perfect First Kiss
Teen FictionEncar's heart started to race as she looked at Javi's sparkling eyes. If there is anyone she would like to give her first kiss to, it would be Javi. She could feel his breath as he moved closer. She closed her eyes, savoring the warmth of his touch...