Mag-isa akong nag lunch break sa school ngayon. Ayaw kong sumabay kay MC at hindi ko pa rin nalilimutan ang indirect kiss namin ni JM. Pinunasan ko ng panyo ang labi ko nang maalala iyon. Nakakainis naman! Bakit hindi na lang yung kayJavi yung nainuman ko?
Naglalakad ako papuntang cafeteria nang may biglang bumangga sa akin. Nahulog ang mga libro at iba pang gamit na dala ko. "Anak ng butete naman e! Bakit kasi hindi tumitingin sa dinadaa..." Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang makita kung sino ang bumangga sa akin.
"Sorry." Pinulot ni Javi ang mga libro ko.
"Naku ok lang yun." Umupo din ako para tulungan siya. "San ka pupunta? Bakit nagmamadali ka?"
"Ha? Ako?" Tumingin si Javi sa akin sabay abot ng mga libro ko. Bahagya kong nahawakan ang kanyang kamay. Kitang-kita kong nagblush siya at umiwas ng tingin sa akin. "Hinahanap ko kasi si JM. Maglalaro daw kami ng basketball mamaya bago umuwi." Sabi niya na umiiwas pa rin ng tingin.
Nahihiya ka ba kasi nahawakan ko yung kamay mo? Hindi ka pa makatingin ng derecho sa akin. Napangiti ako. Pinilit ko siyang tignan sa mukha. Nagba-blush pa rin siya. "Ok ka lang?" Hindi na ako nakatiis kaya tinanong ko siya.
"A. Kasi Encar, nakikita ko yung underwear mo." Hahihiyang sagot niya sabay yuko ng ulo.
Hindi ko napansin na nakabukaka pala ako. Bigla akong tumayo at inayos ang aking palda. Ako naman ang nag-blush.
"Nakita ko si JM kanina. Pumunta siya sa library. Una na ko. Late na ko sa klase." Nagmamadali akong lumakad palayo sa kanya.
"Late? Kakaumpisa pa lang ng lunch break ha." Napakamot sa ulong sabi ni Javi bago siya nagtungo sa library.
Nakakahiya talaga! Hindi ko namalayan na sa halip na pumunta sa classroom ay sa cafeteria ako nagpunta. Nasanay na ako na dito pumupunta kasama si MC. Pagpasok ko ay natanaw ko agad siya. Mag-isa siyang nakaupo sa isang mesa. May kirot akong naramdaman sa puso ko. Matagal ko na rin siyang hindi nakakausap simula ng dumating si Javi. Tumalikod ako para bumalik sa classroom ng tawagin ako ni MC. Lumapit ako at umupo sa tapat niya.
"Nag-lunch ka na ba?" Tanong ni MC.
"Hindi pa" Sagot ko.
"E bakit aalis ka na? Iniiwasan mo ba ako?"
"Hindi naman."
"Alam mo, miss na kita. Nalulungkot ako dahil hindi na tayo palagi nag-uusap simula nung dumating si Javi. Ayokong isipin na isang lalaki lang ang makakasira ng pagkakaibigan natin."
"Tama ka. Miss na rin kita MC. Bakit ba kasi tayo nagkakaganito? Hindi tayo dapat nag-aaway dahil sa isang lalaki. Natatandaan mo ba nung nasa 6th grade tayo? Pareho din tayo ng naging crush pero ikaw ang gusto niya. Hindi din tayo nagpansinan nun hanggang umalis siya sa school dahil nag-migrate ang family niya sa Amerika."
"Oo nga. Nagkaayos din tayo. Naaalala ko na sabi mo sa akin hindi mo na siya crush para lang magkabati tayo. Ang bait-bait mo sa akin Encar."
"Oo nga. Kasi sobrang mahalaga sa akin yung friendship natin."
"Hmm... Encar, sa tingin ko panahon na para magparaya."
Nagulat ako sa sinabi ni MC. "Talaga? Gagawin mo yun? Thank you best friend." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Ha? Hindi ba ikaw yung super understanding kong best friend? Wala ka bang balak magparaya ulit? Tutal mukha namang ako ang crush ni Javi."
"Hindi ba dapat turn mo na ang magparaya?"
"Bakit ko naman gagawin yun kung alam ko namang malaki ang chance ko na makuha siya?"
"Hindi na ako papayag na makuha mo ang dapat ay sa akin." Tumayo ako.
"Sayo? At kelan pa naging sayo si Javi?" Tumayo na rin si MC.
"Ipaglalaban ko siya kahit anong mangyari. Hindi na ako basta-basta susuko" Sabi ko.
"May the best woman win" Hamon ni MC.
Nag-isanaban kaming dalawa bago naghiwalay.
Pagkatapos ng klase ay naghanda na akong umuwi. Habang naglalakad ay narinig ko ang ilang members ng fans club ni Javi na kinikilig na nagkukwentuhan.
"Grabe parang may showdown ng kaguwapuhan sa basketball court. Dati, si JM lang solve na ako pero ngayon dalawa pa sila ni Javi!!!"
"Bilisan na natin kasi nag-umpisa na daw yung laban!"
Oo nga pala! Maglalaro pala ng sila ng basketball. Nagmamadali rin akong nagpunta sa court. Tama nga yung mga estudyanteng chismosa. Sumasabog sa kaguwapuhan. Cute din naman si JM pero mas lumakas ang appeal niya nang matabi kay Javi. Umupo ako sa isang gilid. Natanaw ko si MC na nakaupo sa kabilang gilid. Nalungkot ako pero desidido na akong hindi sumuko. Alam kong magkakabati din kami ni MC pagdating ng panahon.
Mainit ang laban. Dikit ang score ng team ni Javi laban sa team ni JM. Si Javi ang may hawak ng bola. Binabantayan siya ni JM. "Go Javi!" napasigaw ako. Tumingin si Javi sa akin at bahagyang ngumiti. Para akong nasabugan ng daan-daang heart bubbles.
Nagulat ako ng mapansin na tumatakbong papalapit si Javi sa akin. Sumisigaw at sumisenyas siya pero hindi ko mainitindihan dahil puro heart bubbles ang nasa paligid ko. Namalayan ko na lang na nakadagan na siya sa akin.
"Javi? Uhm... Pwede wag dito? Kasi madaming nakatingin sa atin tsaka hindi pa tapos ang game nyo..." Nahihiya kong sabi sa kanya.
Tumigin si Javi sa akin. Hinawakan niya ako sa dalawang braso. Tinignan ang ang buo kong katawan at pagkatapos ay hinakawan ang magkabila kong pisngi at tinignan ang buong mukha ko.
Hindi na baleng maraming tao. Sa mga movies nga nagki-kiss yung mga bida kahit sa gitna ng park o palengke. Pumikit ako at hinintay ang susunod na gagawin ni Javi.
"Ok ka lang ba? Hindi ba nabagok ang ulo mo? Sabi ko kasi tumabi ka hindi ka naman nakinig sa akin." Tanong ni Javi?
Dumilat ako. "Ha?"
"Hinahabol ko kasi yung bola kaso nawala ung balanse ko. Ok ka lang ba? Wala bang masakit sayo?"
"Masakit yung..." Napahawak ako sa labi ko.
"Masakit ang labi mo?" mabilis na tanong ni Javi. "Natamaan ko ba yan kanina?" Hinawakan ni Javi ang aking baba para iangat ang mukha ko. Tinignan niya itong maigi.
Sobrang guwapo mo talaga. Lapit ka pa ng konti. In-examine niya ang mukha ko. Sa kaliwa, tapos sa kanan.
"Javi!" May biglang sumigaw ng pangalan niya. Maya-maya pa ay may kung anong tumama sa mukha ko.
Nagising na lang ako na nakahiga sa loob ng clinic. Nakaupo sina Javi, JM at MC sa isang sulok at nag-uusap. Sabay-sabay silang tumayo nang makitang patayo na ako.
"Ok ka lang? Kamusta pakiramdam mo?" Tanong sa akin ni MC.
"Ok lang naman ako" sagot ko sa kanya. Masakit ang labi ko. Napalingon ako sa bintana kung saan kita ko ang reflection ko. "Aaaaa!" napasigaw ako ng makitang namamaga ang labi ko. Tinakpan ko ito ng panyo. "Anong nangyari?" Tanong ko sa tatlo habang nakatakip ang bibig ko.
"Natamaan ka ng bola. Nag-aagawan kasi ng bola yung dalawang players tapos tumalbog papunta sa inyo ni Javi." Paliwanag ni JM.
Grabe naman 'tong nangyari sa akin. Naudlot na nga yung sweet moments namin ni Javi, namaga pa ang labi ko. Daig ko pa si Angelina Jolie sa pagka-pouty ng lips.
"Ok ka na ba Encar? Ihahatid kita sa inyo ha? Kung ok lang sayo." Sabi ni Javi.
Nagbalik na naman ang mga heart bubbles. Ok lang kahit maga ang bibig ko. Ihahatid naman ako ng prince charming ko.
BINABASA MO ANG
The Making of a Perfect First Kiss
Teen FictionEncar's heart started to race as she looked at Javi's sparkling eyes. If there is anyone she would like to give her first kiss to, it would be Javi. She could feel his breath as he moved closer. She closed her eyes, savoring the warmth of his touch...