Closet Kiss

1.1K 40 14
                                    

Sa attic room kami dinala. Binuksan nila ang closet at inalis ang mga laman noon. Bago pumasok ay hinawakan ni JM nang mahigpit ang kamay ko. Nanlalamig ang mga kamay niya. Inabot ko ang comforter na nakalagay sa ibabaw ng kama at dinala ko iyon sa loob ng cabinet.

Nauna akong pumasok at sumunod naman siya. Magkatabi kaming umupo sa loob. Nang isarado nila ang pinto ay napakapit si JM sa braso ko. Naaaninag ko mula sa mga siwang ng aparador na itinali nila ng hawakan nito para hindi ito mabuksan.

"Ok ka lang? Nanlalamig ka" sabi ko kay JM nang marinig kong isinara ang pinto ng kwarto.

Hindi sumagot si JM pero dinig na dinig ko ang malakas at sunud-sunod niyang paghinga.

"Encar"

"O bakit?"

Humarap si JM sa akin. Dahan-dahan lumapit ang ulo niya sa akin. Humihinga pa rin siya ng malalim.

"J-JM? Anong gagawin mo?"

Hindi sumagot si JM pero naramdaman ko ang bigat ng katawan niya ng mapayakap siya sa akin. Naramdaman ko ang labi niya na dumampi sa leeg ko.

"JM akala ko pa kapatid ang tingin mo sa akin?! Wag mong gawin to!" Itinulak ko siya. Nauntog ang ulo niya sa gilid ng cabinet. Pinilit kong buksan ang pinto ng cabinet pero mahigpit ang pagkakatali nito. Lumingon ako kay JM. Hindi siya kumikilos pero naririnig ko pa rin ang paghinga niya.

"Encar" hinawakan niya ang braso ko.

"JM, wag mong gawin 'to please!" tinapik ko ang kamay niya.

"Hindi ako makahinga..." mahinang sabi ni JM.

"Ha?! Bakit? May sakit ka ba?" Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang noo niya. Wala siyang lagnat. "Anong nararamdaman mo?" tanong ko sa kanya.

"May claustrophobia ako" maiksing sagot niya.

Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. "Javi! MC! Tulong!" sumigaw ako. Walang dumating na saklolo. Dinig ko ang malakas na kantahan mula sa baba. Hindi nila ako maririnig kahit sumigaw ako. Anong gagawin ko?

Hinawakan ko ang kamay ni JM at pinisil iyon. "JM, tumingin ka sa akin" Hinawakan ko ang pisngi niya. "Dahan-dahan ka lang huminga. Nandito lang ako. Wag kang magpanic. Hindi kita iiwan."

"Nahihirapan akong huminga..."

Anong gagawin ko? Paano ko siya matutulungan? Naisip ko yung mga napapanood kong palabas kung saan hindi makahinga ang mga bidang babae pag nasa ilalim ng tubig. Humihinga ang bidang lalaki sa bibig ng babae para makahinga ito. Gagana kaya yun? Pero ibig sabihin parang hinalikan ko na rin siya? Ang first kiss ko... Bakit ko ba iniisip pa ang first kiss ko samantalang naghihirap na ang taong malapit sa akin? Bahala na!

Hinawakan ko sa magkabilang pisngi si JM. Handa na akong huminga sa bibig niya para tulungan siyang makahinga nang biglang bumigat ang katawan niya at mapasandal siya sa dibdib ko.

"JM ok ka lang? JM? JM?"

Hindi siya sumagot pero napansin ko na kalmado na ang paghinga niya. Bumagal na rin ang pagtibok ng puso niya. Hay. Nakatulog na ata siya. Para akong nabunutan ng tinik. Ibinalot ko ang comforter sa aming dalawa. Hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako.

Nagising ako ng biglang bumukas ang pinto ng cabinet. Sina Javi at MC ang nagbukas nito.

"Kuya?!" agad na nasabi ni MC. Hinatak niya ang comforter at inihagis yun sa sahig.

Nahiya ako ng mapansin na nakayakap pala ako kay JM at nakayakap din siya sa akin. Tumingin agad ako kay Javi na umiwas naman ng tingin sa akin. Inalis ko ang pagkakayakap ko kay JM.

The Making of a Perfect First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon