Siblings' Affair

1K 34 16
                                    

//

Para kay Pretty Lonely Princess, the one who wrote the stories that tickle one's wild imagination and The Broken-Hearted Girl.

//

Nakalabas na ako ng ospital makalipas ang tatlong araw. Ipinaliwanag ni papa sa akin ang lahat sa akin. Madali iyong naintindihan ng aking utak ngunit hindi ng aking puso. Nagkulong ako sa kwarto. Ayaw ko munang makipag-usap sa kahit kanino.

Ginising ako ng isang malakas na katok sa pinto at pagtawag ni papa sa aking pangalan. Pinabababa niya ako sa sala. 

Pagdating ko doon ay nagulat ako na naroon si Javi at ang kanyang mommy at may dalawang maleta sa gilid ng sofa. Napatingin ako kay papa. 

"Encar, nasunog ang bahay nila Javi. Wala silang naisalbang mga gamit kundi ilang mga damit lang. Dito muna tutuloy si Javi habang naghahanap ng malilipatan ang mommy niya" paliwanag ni papa. 

Hindi na ako nagsalita. Bumalik ako sa kwarto ko at kumuha ng damit mula sa closet at ilang mga personal na gamit. Sinundan ako ni papa. 

"Anong ginagawa mo Encar?" tanong niya.

"Doon po muna ako matutulog kina MC. Dito niyo na po patulugin si Javi hanggang maayos ninyo yung stock room para gawing kwarto niya." Matapos ilagay ang mga gamit ay lumabas na ako ng kwarto. Tuluy-tuloy ako palabas ng pinto. Kita ko kung paano ako sinundan ng tingin ni Javi at ng mommy niya. 

Mabuti na lang at maunawain ang pamilya ni MC. Nang malaman nila ang nangyari ay hindi sila nag-atubili na tulungan ako. 

~~~

Mabilis na inayos ni papa ang stock room kinabukasan kaya nakabalik din agad ako sa kwarto ko kinagabihan.

Isang marahang katok sa pinto gumising sa akin. Alas-otso na ng gabi. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa aking nakita. Sa labas ng pinto ay nakatayo si Javi. 

Pumasok siya sa aking kwarto at bigla niya akong niyakap. 

"I missed you" sinambit niya sa pagitan ng kanyang malalalim na paghinga. Lalong humigpit ang kanyang yakap at naramdaman ko ang kayang labi sa aking buhok papunta sa aking pisngi papalapit sa aking mga labi. Bigla ko siyang itinulak kaya napaatras siya at nabunggo sa pinto. 

"Ano bang ginagawa mo?" gulat na tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at inabot ako ngunit mabilis akong nakaatras. Tumayo ang balahibo ko nang tawagin niya ako. "Baby." 

"Javi!" hindi ko napigilan ang mapasigaw. "Naririnig mo ba ang sarili mo?!"

Umupo siya sa gilid ng kama at inilagay ang dalawa niyang kamay sa kanyang ulo. Humihikbi siya. "Hindi ko kaya. Pinilit ko naman talaga pero hindi ko kaya! Hindi ko kayang hindi ka mahalin"

Umagos na naman ang luha sa mga pisngi ko. Parang dinudurog ang puso ko habang tinitignan ko si Javi. Bakit ba kami nagkaganito? Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan. "Nahihirapan din ako. Pero kailangan nating kayanin. Kasi hindi na tayo pwede." Kinaya ko iyong sabihin kahit na gustong-gusto ko na siyang yakapin. Kailangan kong maging matatag para hindi maging mahirap sa kanya ang lahat. 

Pinahid niya ang luha sa pisngi ko. "Kaya mo bang kalimutan ako?"

Tumango lang ako. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata.

"Sigurado kang kaya mo akong kalimutan?" Hinawakan niya ang braso ko. Halos bumaon ang mga daliri niya sa braso ko sa higpit ng kanyang pagkakahawak. Dumilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. 

The Making of a Perfect First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon