Don't be Stubborn Kiss

1.1K 40 14
                                    

Sobrang lungkot ko nang malaman na magkakasama sa iisang grupo sina MC, JM at Javi. Pinilit kong makipagpalit sa ibang mga kakilala ko sa grupo nila pero walang gustong makipagpalit sa akin. Halos lahat ng babae sa Yellow team ay excited na sa retreat dahil kagrupo nila sina JM at Javi.

Mabuti na lang at kahit paano ay nagkasama-sama kami sa bus papuntang Baguio. Sa likod kami umupo dahil walang gustong mahiwalay ng upuan sa aming apat. Sa tabi ng bintana umupo si MC. Tatabi sana ako sa kanya pero pinaurong niya ako para mapagitnaan namin si Javi. Umupo naman si JM sa kabilang side ko.

Pagdating pa lang sa NLEX ay nakatulog na si MC. Maya-maya pa ang nakita kong nakasandal na ang ulo niya sa braso Javi. Grabe ka te! Tulog ka ba talaga ang style mo lang yan para maka-score ka kay Javi?

Tumingin sa akin si Javi. "Inaantok ka na rin? Sandal ka sa balikat ko kung gusto mong matulog" sabi ni Javi.

"Pwede kang sumandal sa akin. Baka mangawit si Javi kasi nakasandal na sa kanya si MC" pag-aalok ni JM.

"Hindi ako inaantok" sabi ko sa kanilang dalawa.

Wala pang limang minuto ay nakasandal na ako sa balikat ni Javi. Tulog na tulog. Nagising lang ako ng mag-stop over kami sa Pampanga.

"Pwede daw mag-washroom yung mga gusto" sabi sa akin ni Javi.

Nagising din si MC kaya niyaya ko siyang mag-washroom. Pagbalik namin sa bus ay naroon na sina JM at Javi. Nagpatuloy na naman kami sa pagbiyahe. Natulog ulit si MC. Or nagtulug-tulugan.

Naglabas ng Lays si Javi. "Gusto mo?" tanong niya.

"Encar, di ba favorite mo ang Doritos?" sabi ni JM sabay abot ng chips sa akin.

Nahihiya man ako ay pareho akong kumuha sa mga chips na inalok sa akin. "Salamat" maiksing sabi ko.

Maya-maya ang sabay din silang nag-abot ng inumin sa akin. Orange juice kay Javi at mineral water naman kay JM. "Hindi na, meron akong dalang inumin" sabi ko sa kanila sabay kuha ng lychee flavored drink na baon ko.

Inilabas ni JM ang phone niya at ikinabit ang headphones niya. Nag-browse sa phone niya at biglang inilagay ang headphones sa tenga ko. "Na-download ko na yung All I Ever Need ni Austin Mahone" sabi niya.

Pinakinggan ko ang kanta hanggang matapos. "Bluetooth mo sa akin yan mamaya ha" sinabi ko kay JM sabay balik ng headphones. Hindi ko namalayan na inilabas ni Javi ang iPod niya at nakikinig na rin siya ng music. Nakita niyang inalis ko na ang headphones sa tenga ko.

"Idol mo pala si Austin?"

"Gusto ko lang yung mga songs niya. Yung isang classmate kasi namin baliw na baliw dun kaya na-curious ako. Bakit meron ka ring songs niya?"

"A wala. Iba kasi ang mga gusto ko. Gusto mong pakinggan?" inabot niya sa akin ang isa sa mga earphones. Pinakinggan ko ang kanta.

"Sino yung artist?" tanong ko sa kanya.

"Banda yan. Franco ang pangalan"

"Magaling sila ha. Tunog foreign band"

Nakinig kami ng iba pang songs. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng itulak ako ni JM at nauntog ang ulo ko sa upuan.

"Aw!" hinawakan ko ang ulo habang pupungas-pungas.

"Nandito na tayo. Bumaba ka na!" binuhat ni JM ang bag niya sabay tumalikod.

Wala na si Javi sa tabi ko pero iniwan niya ang iPod niya sa upuan dahil nakakabit pa rin sa tenga ko ang isang ear bud. Wala na rin si MC. Hindi man lang nila ako ginising. Nagmamadali kong binuhat ang bag ko at sumunod kay JM.

The Making of a Perfect First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon