Apple Kiss

1.1K 40 14
                                    

Pagdating sa auditorium ay para kaming mga bata ni Javi na pinagagalitan ng isang nakatatanda sa amin. 

"Alam niyo naman na kailangan kayo pagkatapos ng play tapos nakuha niyo pang pumetiks at sumali sa marriage booth na yun!" sigaw ni JM. 

"Kuya, ano ka ba? Kahit naman nandun sila sa backstage, hindi rin naman sila makakatulong. Kita mo nga yung mga itsura nila" pagtatanggol ni MC.

"Alam mo ba yung ibig sabihin ng moral support MC?" singhal ni JM. 

"Tama si JM, MC. Dapat kahit may mga pilay kami, nandun kami sa play. Sorry bro. Ako ang may kasalanan." sabi ni Javi.

"Hindi kasalanan ni Javi. Ako talaga ang may kasalanan. Feeling ko kasi wala akong silbi dun kaya umalis ako. Sorry JM." sabi ko.

Tumingin sa akin si JM. Nagbago ang expression ng mukha niya. "Ok na ba yang braso mo?" 

"A ito? Ok na. Aalisin na bukas yung cast."

"Sasamahan kita pag inalis na yung cast ng braso mo."

"A hindi na. Sasabay na lang ako kay Javi. Aalisin na rin kasi bukas yung sa paa niya."

Nagbago na naman ang expression ng mukha niya. "Bahala na nga kayo!" biglang umalis si JM. 

"Anong problema nun?" nagtatakang tanong ni MC. 

Naalis na ang cast sa braso ko kaya pwede na akong pumorma ng bongga. Sasamahan sana ako ni Javi sa hospital pero may kailangan silang asikasuhin ng Mommy niya sa kanya kaya hindi kami nagkasabay. 

Maaga akong gumising para mag-ayos. Ito ang gusto ko pag foundation week. Hindi kailangang mag-uniform. Isinuot ko ang paborito kong blouse at ang super skinny jeans ko. Magpapaseksi ako ngayon. Nagpabango ako, nag-curl ng buhok at naglagay ng manipis na lipstick. Kinuha ko ang giveaway na singsing sa marriage booth at isinuot iyon.  Napangiti ako. "See you later, hubby" sabi ko sa sarili ko.

Wow! For the first time, mas matagal akong nagbihis kesa kay MC. Nauna nang pumunta sa school sina MC at JM. Nagmamadali akong pumara ng jeep. 

Pag-upo ko sa jeep ay nagulat ako nang makarinig ng napunit na bagay. Lumingon ako sa katabi ko. May hawak siyang isang piraso ng punit na papel. "Ang kapal ng mukha ng lalaking yun na sumulat pa sa akin! Kinaibigan ako yun pala yung boyfriend ko ang puntirya!" malakas na sabi ng babae. 

Napangiti ako. Buti na lang malinaw na ang lahat. Na babae ang gusto ni Javi. 

Pagdating sa school ay hinanap ko agad si MC. Paseksi akong naglakad para mapansin ang hubog ng katawan kong hapit na hapit dahil sa skinny jeans. Napapalingon sa akin ang mga nadadaanan ko. Ngayon niyo lang ako nakitang ganito kaganda at kaseksi no? Siguradong ganyan din ang magiging reaksyon ni Javi mamaya pag nakita niya ako. Hinawi ko ang buhok ko para madagdagan ang sexy effect. Maya-maya pa ay narinig ko na si MC na tinatawag ako.

"Encar!!!"

Lumingon ako sa kanya. Tumakbo siyang palapit sa akin. Kasunod niya sina Javi at JM. Ngumiti ako. Bigla niyang itinakip ang sling bag niya sa likod ko. "May butas sa likod yung pantalon mo" bulong niya sa akin. 

"Ha?!" kinapa ko ang likod ng pantalon ko. Nawarak pala iyon. Ito pala yung narinig ko kanina sa jeep! 

"Sayo ba yang pantalon na yan? Bakit ang sikip? Ang ganda pa ng lakad mo kanina. Pinakita mo na sa buong campus yung pink mong underwear" sabi ni JM. 

Hinubad ni Javi ang suot niyang jacket at inabot iyon sa akin. "Itali mo na lang 'to sa beywang mo para hindi makita yung sira" sabi ni Javi. 

Kinuha ko yung jacket at itinali yun sa beywang ko. "Salamat Javi. Nakakahiya naman."

"Ok lang yun. Maganda ka pa rin naman. Bagay pala sayo yung jacket ko" pagbibiro ni Javi. 

"Tara na nga! Maglibot na tayo." sabi ni JM sabay lakad palayo. 

Andaming pakulo sa school. Yung mga nasa 7th grade, parlor games ang inihanda. Sumali kami sa apple eating contest. Ayaw ni JM na makapartner si MC kaya nagbunutan kami kung sinu-sino ang magiging magkapartner. 

"1 ang nabunot ko." sabi ni Javi.

"Sana 1 din ako. Ayoko partner si Kuya" sabi ni MC.

"Sabay-sabay tayong magbukas ng papel pagbilang ko ng tatlo" sabi ni JM.

Sana 1. Sana 1. Nananalangin na ako na sana 1 ang nabunot ko para partner kami ni Javi. 

"Isa, dalawa, tatlo!" 

Sabay-sabay naming binuklat ang mga piraso ng papel. 

"1!" napasigaw ako. 

"Ano ba naman yan! Ang malas ko naman!" nanghihinayang na sabi ni MC. 

Hindi na sumali ng game sina MC at JM. Nanood na lang sila sa amin. Magkaharap kami ni Javi kahilera ang iba pang mga kasali sa contest. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Paano kung hindi sinasadyang mahalikan ko si Javi? O paano kung sadyain ko pero kunwari hindi ko sinasadya? Lihim akong napangiti. 

Sumenyas ang game master. Pagsigaw niya ng "Go" ay nag-umpisa na kami. Urong-sulong kami ni Javi. Hindi alam kung paano kakagatin ang mansanas.

"Iipitin ko yung apple tapos ikaw na lang ang kumagat ok ba yun?" tanong ni Javi.

Tumango ako. Kinagat ni Javi ang isang side ng mansanas pero hindi niya iyon pinakawalan. Kinagat ko naman ang kabilang side. Halos 3/4 na lang ang natitira sa mansanas. Kinakabahan na ako dahil maliit na lang pagitan ng mga bibig namin ni Javi.

Isang kagat na lang at mananalo na kami. Nilapit ko ang bibig ko sa mansanas pero nag-alangan akong kagatin iyon dahil malaki ang chance na magdikit ang mga labi namin ni Javi. Bahala na! For the win! Kakagatin ko na ang mansanas nang biglang bumangga si MC sa akin. Napaatras ako. 

"Aray!!! Bakit mo ako tinulak?!" sigaw ni MC sabay lingon kay JM. 

"Ang gulo mo kasi e!" sagot ni JM.

"Magulo? Wala naman akong ginagawa ha" galit na sabi ni MC. Tumingin siya sa akin. "Sorry Encar. Nasaktan ka ba? Si Kuya kasi e."

"Ok lang ako" sagot ko sa kanya.

Biglang sumigaw ang game master ng "We have a winner!" Tuwang-tuwa ang magpartner na 10th graders.  

"Sayang. Muntik na kayong manalo! Kasalanan ni Kuya 'to e!" sabi ni MC. 

"Ok lang yun. Nag-enjoy naman kami e. Di ba Encar?" nakangiting tanong ni Javi. 

Ngumiti ako sa kanya sabay tinapunan ko ng inis na tingin si JM. 

Ipinatawag ang lahat ng 12th grade sa auditorium. Ia-announce na kasi kung saan gaganapin ang Senior's Retreat. Nakaugalian nang out of town iyon. Last year ay sa Tagaygay iyon ginanap. 

"Baguio!" sabay kaming napasigaw ni MC nang malaman na sa Baguio ang retreat ng batch namin. "Hindi pa ako nakarating ng Baguio" sabi ko. 

"Ako mga bata pa kami nung huli akong makarating dun" kuwento ni MC. 

"Sana magkakasama tayo sa grouping no?" sabi ni Javi. 

"Oo nga." sabi ni MC. 

Magkakaroon ng 3 groups: Red, Blue at Yellow. Magkakahalo ang mga estudyante mula sa 3 sections para magkakila-kilala sila. Nakapila kami para bumunot ng group na kabibilangan namin. 

Pagkakuha ng mga sobre laman ang kulay ng team namin ay napagkasunduan namin na sabay-sabay iyong buksan. 

MC - Yellow | Javi - Yellow | JM - Yellow

Encar - Red!!!

//////////

Kawawa naman si Encar, nahiwalay siya.

The Making of a Perfect First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon