Hinawakan ko ang ilang hibla ng buhok ko at inamoy iyon. Bakit niya aamuyin yung ulo ko? Hindi naman mabaho ang shampoo ko.
Dahan-dahang tumayo si JM. Agad akong lumapit sa kanya. "San ka pupunta?"
"Sa CR" maiksing sagot niya. Medyo napakapit siya sa akin kaya inalalayan ko siya hanggang sa CR. Ilang segundo siyang nakatigil bago tumingin sa akin.
"May kailangan ka?" tanong ko sa kanya.
"Iihi ako, tutulungan mo ba ako?" sarkastikong tanong niya.
Nag-init ang pisngi ko. Agad akong lumabas ng CR at naghintay sa labas ng pinto. Isinara iyon ni JM at pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas siya at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto ng kuwarto.
"Teka, san ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Bakit ba ang dami mong tanong?" pagbabalik niya ng tanong sa akin.
"Kasi ako ang tagapag-alaga mo ngayon."
"Nagugutom ako" sabi niya sabay hawak sa tiyan.
Mabilis akong lumapit sa kanya at kinapa ang kanyang noo. "Sinat na lang. Kaya mo na bang maglakad?" tanong ko sa kanya.
Kumislap ang mata nila at umakbay siya sa akin. "Medyo nahihilo pa ako." Isinandal niya ang ulo niya sa ulo ko.
"E di dito ka na lang. Ako na lang ang magluluto sa baba." Humakbang ako pabalik sa kama ngunit hinatak niya ako kaya mas humigpit ang pagkakakapit niya sa akin.
"Ayaw kong mag-stay dito sa kwarto. Parang lalo akong magkakasakit" sabi niya sabay hakbang.
Inakay ko si JM pababa ng hagdan at inalalayan siya para makaupo sa harap ng mesa. Naghanap ako ng pagkain. Walang laman ang ref kundi tubig, juice at isang piraso ng mansanas. Binuksan ko ang overhead cabinet at nakakita ako ng dalawang balot ng instant noodles.
"Ito lang ang meron tayo. Kung ayaw mo nito, bibili ako sa labas ng ibang maluluto" sabi ko kay JM.
"Ok na yan. Wala din naman akong ganang kumain. Kumakalam na lang talaga ang tiyan ko" sagot niya sa akin.
Kumuha ako ng isang basong tubig at isang tableta ng paracetamol sa medicine kit. Ibinigay ko iyon kay JM. "Uminom ka muna ng gamot. Ok naman daw yan inumin kahit walang laman ang tiyan. Kanina pa dapat kita pinainom kaso nakatulog din ako."
Kinuha ni JM ang tubig at gamot. Agad niya iyong ininom. Habang naghihintay akong kumulo ang tubig para sa noodles ay kinuha ko ang mansanas sa ref. "Babalatan ko ba o huhugasan ko na lang?" tanong ko kay JM.
"Pakibalatan please" sagot niya.
Hinugasan ko ang mansanas bago ko iyon binalatan. Halos patapos na ako sa pagbabalat ng biglang dumulas ang kutsilyo sa kamay ko at bahagyang nadali ang aking daliri.
"A!" napasigaw ako. Agad namang dumaloy ang dugo.
Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si JM. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil ang dumudugo kong daliri. "Patingin nga."
Hindi tumitigil sa pagdaloy ang dugo sa daliri ko. Napatigil ako ng biglang isubo ni JM ang daliri ko at sinipsip yun. Nang matauhan ako sa ginawa niya ang bigla ko siyang naitulak. "Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Pinapatigil ko ang dugo." Kinuha niya ang daliri ko at isinubo yun ulit.
Hinatak ko ang daliri ko. "Ako na lang ang gagawa." Agad kong isinubo ang aking daliri.
Nakita kong namula ang kanyang mga pisngi. Alam kong ganun din ako dahil naramdaman kong uminit ang akong mukha. Tumalikod ako sa kanya. Kinuha niya ang mansanas at agad na bumalik sa upuan niya.
BINABASA MO ANG
The Making of a Perfect First Kiss
Teen FictionEncar's heart started to race as she looked at Javi's sparkling eyes. If there is anyone she would like to give her first kiss to, it would be Javi. She could feel his breath as he moved closer. She closed her eyes, savoring the warmth of his touch...