Chapter 4: Endearment

27.4K 1K 901
                                    

CHAPTER FOUR

SOUTHERN BENEDICTO

Ligtas na ang mga kaibigan ko. Mabuti hindi gano'ng karami ang nakain nila dahil kung nagkataon ay ikakamatay na nila iyon.

My food is too dangerous to eat, iyon ang sabi ng doctor. He also advised me to stop cooking. Peste siya, anong karapatan niyang payuhan ako? Gusto niya lang ata na matikman ang Tinola ko, eh.

"H'wag mo nang ambisyunan ang pagluluto, ipaubaya mo nalang ito sa mga normal na tao."

I tsked.

"Mas makamandag pa ang luto mo kesa sa venom ng ahas."

Grabe naman.

"Kung magsalita ka akala mo naman marunong kang mag-luto!" asik ko, nasaktan sa mga komento niya. Hindi naman ako ganoong kalalang magluto. Nakulangan lang sa Magic Sarap. "The last time you hold a pan, I had to call the Fire Department and 911!"

Akala niya ata nakalimutan ko na ang nangyari last year lang. Wala ang mga magulang ni Atarah, ang mga katulong nila ay nakabakasyon. Ayaw niyang kumain ng take-outs kaya nagpasya siyang magluto ng nilagang itlog. Tatlong minuto palang siyang nasa kusina ay nag-aapoy na ang kalahating bahay nila. Mabuti napadaan ako sakanila kundi maging siya ay tostado rin. Ang mga magulang niyang nasa abroad ay kinailangang umuwi kaagad at sinuko ang anak sa presinto para hindi na makapinsala muli.

"That was last year, I improved. Natuto akong magluto sa Korea!" pagmamalaki niya. Napakayabang din ng ngisi nito.

"Talaga? Sige nga anong alam mong lutuin?" Hamon ko, nakangisi. Mas malala pa nga ito kesa sa akin, eh. At least sa akin nalalason lang, sakanya sumusunog.

"Mainit na tubig!" Taas noo siyang ngumiti.

"Hindi ko kayang lutuin 'yan," sarkastikong sabi ko.

"Siyempre, hindi ka naman talaga marunong, eh."

Tss. Ibang klase talaga ang babaeng 'to. Matututo rin akong magpakulo ng tubig.

"You're impossible." Inirapan ko ito at tinungga na lang ang beer na nasa lata.

Nasa Hospital parking lot kaming dalawa. Kasalukuyang nag-iinuman habang magkatabing nakaupo sa gutter, sa gilid ng sasakyang dala namin sa pagpunta rito. Pareho naming ayaw sa amoy ng gamot sa loob ng Hospital, nakakasuffocate, nakakasuka. Sumama sa amin ang mga Crane, sa pag-aalala nila sa mga kaibigan ko ay nagdala rin sila ng Albolaryo in case hindi mapagaling ng Doctor ang mga kaibigan ko. Nagprisinta silang magbantay sakanila kaya hinayaan ko na, sana lang pagbabantay ang ginagawa nila dahil bago ako lumabas, nakita ko si Peter na tinusukan ng IV ang abs saka nakiratay sa tabi ni Rucc.

Hays. Kahit ata sa mental ko dalhin ang magkakapatid na iyon ay hindi titino.

"Kumusta na 'yung bruha mong stepmother? Balita ko comatose parin ito hanggang ngayon," pagsasalita ni Atarah makalipas ng ilang segundo. Alam na niya lahat ng nangyari. Hindi pa lumalapag ang eroplanong sinakyan niya ay nasabi na ni Rucc at Coby ang lahat.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon