Chapter 6: Night Hug

18.2K 929 305
                                    

CHAPTER SIX

SOUTHERN's POV

Haup Beast, the legendary soldiers of Sigma Dynasty. Sila ang grupo ng mga kalalakihan na malalakas, magigiting at maliliksi. Marami na silang Gang War na nalampasan at masasabi kong pambihira ang mga lakas nila. They were unbeatable.

Ngayong kaharap namin sila ay bigla akong nakaramdam ng pangamba. I might be the Rank number one of the organization but I'm not that skilled just like them. Marunong lang akong bumasag nang bungo pero hindi ako malakas. Hindi ako katulad nila. Walang-wala ang kaalaman ko sa pakikipaglaban kumpara sakanila.

In short, Isa lamang akong ordinaryong gangster kapag sila ang kaharap ko.

Hindi ko sila kayang labanan.

"B--baka pwede natin itong pag-usapan?" Atarah stuttered nervously.

"Katulad ng sinabi ko, hindi porket iisang organization lang tayo ay basta-basta na lang kayo tumatapak sa teritoryo namin. Alam niyo ang patakaran" mariing sabi ng Leader nila.

Kilala ko ito. Si Piso. Leader ng mga Haup Beast. Minsan ko na siyang nakaharap sa isang labanan pero hindi natuloy ang paglalaban namin noon. Some fortuitous event happened. Mabuti na lang hindi ito natuloy dahil nagkataong dinatnan ako ng dalaw noon. Hindi pa naman ako pwedeng gumalaw-galaw kapag unang araw ko.

"Pasensya na, hindi na ito mauulit" Vape said in a low voice.

I looked at my friends and saw how dread they are. Kita sa mga mata nila ang pagsisisi kung bakit pa kami napadpad dito. They might be a Gangsters but they still a human. Mukha lang silang matatapang pero matatakutin sila sa mga taong alam nilang hindi nila kayang labanan.

"Hindi na talaga ito mauulit pa dahil hindi na kayo makakalabas ng buhay rito!" Ngumisi sila. Ngising nakakaloko.

My friends gulped. Mas lalo silang nakaramdam ng takot.

I narrowed my eyes to their Leader, Piso. Tumingin din ito sa akin at kita ko ang kakaibang ngisi niya.

"Kumusta, Milagrosa? Pasensya na kung hindi kaagad kita nakilala. Sa dami na kasi ng mga nakasalamuha ko ay nakakalimutan ko na ang iba" he said mischievously.

"Katulad ka parin ng dati. Mukha ka paring imburnal, Piso" walang emotion kong sabi.

Nagtawanan ang mga kasama niya, sumantalang nagdilim naman ang paningin niya sa akin.

"TAHIMIK!" Kaagad nanahimik ang mga ito. "Katulad ka rin ng dati, Milagrosa. Mapagbiro ka pa rin."

"Malakas ang sense of humor ko."

"Mukha nga," Then, he slowly wags his head, his mischievous smile is on his face. Hindi iyon nawawala at nakakairita na. "Pero mukhang ito na ang huling pagbibiro mo."

I just want a good fight tonight to divert my thoughts from the Crane Brothers. Kanina pa sila nasa isip ko at gusto ko na silang mawala doon, kahit panandalian lang. Kahit ngayon lang. Kaya hindi ako nakakaramdam nang pagsisi na sumama kay Atarah dito. I want a good fight and she really knows where I can find it. Ninth Street is the best for that.

Tinaas ni Piso ang kanang kamay at sumenyas sa mga kasama. "SUGURIN SILA!"

I clenched my jaw. Bumilis ang tibok ng dibdib ko. Alanganin ako dahil marami sila, lima lang kami. Mga beterano pa sila sa pakikipaglaban. Damn, are we trapped here?

This is the good fight you were looking, South, so deal with it..

Sumugod ang limang lalaki sa amin. I stepped my right foot backward, ready for their attack. Mula sa gilid ng mata ko ay kita ko na naghanda rin ang mga kaibigan ko. Wala silang choice, so am I. Wala kaming magagawa kundi lumaban, at least, we died fighting for our lives.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon