CHAPTER THREE
SOUTHERN BENEDICTO
"What do you mean?"
Pinatay ko ang apoy sa kalan ng niluluto ko at nilipat sa kabilang tenga ang cellphone.
"He's missing, South."
"What?"
"Tito Jackal is missing."
Sinilip ko ang mga Crane na nasa sala, abala sila sa pag-gawa ng mga assignment nila. Mabuti na lang dahil ayokong marinig nila ang pinaguusapan namin ni North.
"Imposibleng mangyari 'yon nasa Hawaii siya 'di ba?"
Mabibigat ang hininga nito sa kabilang linya, halatang problemado. Hindi siya mukhang nagbibiro kaya nangamba ako.
"Yes. He was supposed to land today in NAIA. May inutusan si Daddy na sumundo sakanya sa airport pero walang Tito Jackal ang dumating. Iniisip ko na baka gusto niyang i-surprise ang mga anak kaya hindi siya tumawag pero sabi ng source ko, wala pang Tito Jackal na umaapak sa Pilipinas ngayon. He's still in the other country."
"Iyon naman pala. Baka nagbabakasyon pa."
"South, he had already checked out of the hotel three days ago. According sa source ko, wala na ito sa Hawaii."
Muli akong sumulyap sa mga Crane. Nang makitang abala parin sila ay mariin kung pinikit ang mga mata ko. Malalim akong huminga at nang magmulat ako ay halos mapatalon ako sa gulat nang makita na nasa harapan ko na si Genesis.
Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa cellphone na nakadikit pa rin sa tenga ko.
"I'll call you later." Pinatay ko ang tawag at binulsa ang cellphone. Tumalikod ako kay Genesis at muling hinarap ang niluluto.
"Who's that?" tanong niya.
"North." Muli kung binuksan ang apoy sa kalan, kinuha ang sandok at hinalo-halo ang sibuyas at bawang na nasa kaldero.
"What did she say?" usisa niya.
"Wala naman. Nangamusta lang," I lied.
Kinuha ko ang paminta, laurel, tomato sauce at asin saka isahang binuhos ang mga ito sa niluluto ko. Kaagad kung hinalo gamit ang sandok.
"You just saw each other yesterday."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at mariing napapikit. Stupid, oo nga pala, nagkita kami kahapon ni North.
"Gano'n talaga kaming magkapatid, palaging nami-miss ang isa't isa," dahilan ko.
Langya, maniwala ka na!
"Okay."
Buti naman. Medyo nakahinga ako nang maluwag.
"What are you cooking?"
Naramdaman ko ito sa likuran ko, hinayaan ko lang siya. Dinungaw niya ang niluluto ko at mula sa gilid ng mata ay nakita ko itong nakangisi.
"Tinola," pagmamalaki ko at bahagya siyang nilingon.
Kinuha ko pa ang karne ng baboy at nilagay ito sa niluluto ko. Maging ang petsay, repolyo, patatas, kangkong, talbos ng kamote, at carrots. Experto ko silang nilagay sa nilulutuan ko at hinalo-halo. Napangisi ako ng makita ang namamanghang mga mata ni Genesis.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.2 ✓
Humor[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.