CHAPTER FORTY SIX
NOAH CRANE's POV
"WAAAAAAAAAAAHHHHHHH!"
Napabangon ako sa malakas na sigaw na iyon. Tumingin ako sa paligid at nakita si Isaiah na nakaupo sa sahig. Umiiyak ito kaya mabilis kong nilapitan.
"Kaps, okay ka lang?"
Umangat ang tingin niya sa akin. Nanikip ang dibdib ko nang makita ang luhaan niyang mukha. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang mga daliri ko.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Napansin ko ang ilang benda sa katawan niya dulot ng sunog sa bahay namin. Muling kumirot ang dibdib ko nang maalala ang nangyari. Nalulungkot ako. Habang pinapanood ko ang pagtupok ng apoy sa bahay kung saan kami lumaki ay parang nasusunog din ang isang bahagi ng pagkatao ko.
"K-kasi nakagat ko ang daliri ko. Masakit, Kaps!" Pinakita niya sa akin ang daliri niyang namumula.
Ngumiti ako bago ginulo ang buhok niya. "Sa susunod, 'wag mo ng kagatin ha? Masasaktan ka lang."
Tumango siya. "Noah, saan na tayo titira ngayon? Nasunog na ang bahay natin." Kitang kita ang lungkot sa mga mata niya. Katulad ko alam kong nasasaktan din ito.
Yumuko ako. Hindi ko kayang sagutin ang sagot niya dahil maging ako ay hindi ko rin alam.
"Alam ko kung saan tayo titira." Pumasok si Peter, kasama si Josiah. May mga benda rin sila sa katawan. Mabuti nalang nakalabas kami kaagad sa bahay ng mangyari ang insidente. Malaki rin ang pasasalamat ko kay Genesis dahil nailabas niya kaming lahat.
"Saan, Kaps?" tanong ko. Napatingin ako sa mga karton na bitbit nila.
"Sa Quiapo. Nakakita kami ng magandang spot doon, sa tapat ng Jollibee, Kaps! Ang swerte natin, 'di ba? Araw-araw nating malalanghap si Jollibee! Nakita ko na rin ang mga magiging kapitbahay natin, okay naman sila, pwera nalang doon sa mga batang kalye na akala mo pagmamay-ari ang Quiapo kung umasta" simangot ni Josiah.
"Oo nga! Kainis sila. Pero naglagay na kami ng kariton doon, pwede na tayong matulog doon paglabas natin dito" ngiti naman ni Peter.
Tumango ako, medyo nakahinga ng maluwag. At least may matutulugan na kami pero kakayanin ba naming tumira sa kalsada? Hays, mukhang kailangan na naming masanay ngayon.
"Ibig sabihin ay magiging batang kalye na rin tayo? Kakain na tayo ng tira-tirang pagkain? Kakain na rin tayo ng...basura?" Kita ang paglunok ni Isaiah.
Tumango si Peter sa kapatid namin. "Oo, Kaps. Isipin mo nalang na luto ni Timog ang kakainin natin, tutal ay wala namang pinagkaiba 'yon" pagkumbinsi niya.
"Masarap naman ang luto ni Timog e" angal ko sa sinabi ni Peter. "Nasaan pala si Timog?" tanong ko.
Natigilan sila bigla. Ngumuso si Josiah samantalang napaiwas naman ng tingin si Peter.
"Iyon nga ang problema, Kaps."
"Bakit?"
"Nawawala si Timog."
Pumasok si Dada sa kwarto kasama si Daddy President. Pareho silang hindi maipinta ang mukha. Itsura palang nila ay alam ko ng may malaking problema.
"Mga Junakis, magligpit na kayo pagkatapos ay uuwi na tayo" anunsyo ni Dada.
"Naayos na namin ang pwesto natin sa tapat ng Jollibee, Dada" si Peter.
Tumikhim si Daddy President kaya bumaling kami sakanya. "My rest house is available. Wala na kayong po-problemahin. All you have to do is to take a rest" aniya.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.2 ✓
Humor[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.