Chapter 34: Cuddles and I love you

17.1K 860 692
                                    

Happy Birthday to @SwallowlySavage!

CHAPTER THIRTY FOUR

_

SOUTHERN'S POV

I watch my little brother as he sleeps peacefully in my arms. His small and cute face are melting me. I had been encountered a lot of kids in my life but this one is different. Different from the other normal kids. Kung meron akong mga alagang isip-bata, meron naman akong kapatid na matanda kung mag-isip. Ang weird talaga ng mundo.

"I could see his future. Tiyak na maraming babae ang iiyak at luluhod sa harapan niya."

Bumaling ako kay Atarah. May mga bandage na ang katawan nito ngunit halata pa rin sa mukha na iniinda niya ang mga sugat. She looked at the little kid with envy and amusement on her eyes.

"Didn't know you can see future this time" I snorted making her roll her eyes.

"Seriously, South. Kung ako sa'yo babantayan ko nang mabuti ang kapatid ko. He'll turn out to be a heartbreaker, just like his siblings" she emphasized the last word.

Hinaplos ko ang buhok ni Gyro. His soft snors makes me smile. God, he's so beautiful. Walang duda na kapatid ko nga siya.

"Ganoon talaga. Hindi na namin kasalanan kung pinanganak kaming magaganda't gwapo" sabi ko na nagpaungol sakanya nang pagkadismaya.

"Tanginang kayabangan na 'yan" Umiling iling ito. "I'm afraid thay your little brother will become like you in the future."

I stare at my little brother. He looked so innocent, so fragile and handsome. Will he turn like me? Ang ngiti ko sa labi ay unti-unting nawala.

"He won't be like me. I'll make sure he'll live normally. Hindi ako makakapayag na maging halimaw siya at magkaroon ng magulong buhay katulad ko" mapait kong saad.

Ayokong maranasan ng mga kapatid ko ang mga nararanasan ko ngayon. I am living with bullets and knives around me. Nasa hukay ang isang paa ko at mahirap na itong iahon pa para makaligtas. Wala na akong takas. Hindi ko na hawak ang buhay ko. I'll die soon or later. Ang kaya ko nalang gawin sa ngayon para makaligtas ay ang takbuhan si Kamatayan. Even if he keeps on running after me, I still have to keep on running away from him.

"Mukhang mahirap 'yang gusto mo, South. Remember? Gyro is a Mafia Heir" she smirked, emphasizing the last two words.

I snorted. "Mafia Heir my ass." Muli kong hinaplos ang malambot na buhok ni Gyro.

Dalawang araw na simula nang mangyari ang gulo sa bahay ni Vape. Dalawang araw na ang nakalipas at kahit papaano ay payapa pa rin ang buhay namin. We are currently dwelling in one of Vape's house here in Tokyo. It's too risky living in the City of Japan but that's the only last option we had. Maraming tao rito kaya tiyak na magaatubili ang mga kalaban na sumugod sa amin. Panibagong bahay na naman ng mga Miyashiro. Mukhang masisira pa namin lahat ng bahay nila Vape bago kami mapatay ng mga kalaban.

Miyashiro has the most advance security kaya nagtataka kami ngayon kung papaano nakapasok ang mga kalaban sa Mansyon nila. The house will alarm us if there's an intruder. You cannot enter the house just like that, si kamatayan ang makakaharap mo kapag pinilit mong pumasok.

Kumirot ang ulo ko nang maalala na taga Sigma ang mga sumugod sa amin. Of course, they had a lot of knowledge when it comes in manipulating a security. Hindi mo pwedeng maliitin ang mga nasa organisasyon. They are wicked when they are desperate. They will hunt you down no matter what it takes. Ganoon sila kauhaw para patayin ako.

"Oneechan!"

Sabay kaming napalingon ni Atarah kay Tito Jackal. Nagkakamot ito ng tiyan at halatang kakagising lang. Katulad ni Atarah, marami rin siyang benda sa katawan. Mas maraming sugat ang tinamo niya kesa sa kaibigan ko pero ewan ko ba kung bakit tila ang lakas-lakas pa rin niya. Para siyang walang sugat na iniinda kung kumikos. Ang tibay din ng isang ito.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon