Chapter 11: Landlord

16.6K 891 560
                                    

Mahabang update bilang pasasalamat sa patuloy niyong pagbasa nito :)

Love lots and keep smiling :)

CHAPTER ELEVEN

SOUTHERN'S POV

Nanghihina ako. Gusto kong tumakbo papalayo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Na-ugat ako sa kinatatayuan at para akong timang na umiiyak habang nakatitig sakanya.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang, unti-unti ako nitong pinapatay kaya nanghihina ako. Akala ko noong iniwan niya kami ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko pero hindi pa pala, eto 'yon. Mas malala ang epekto nito sa akin. Mas nanunuot 'yong sakit.

May sinabi siya sa bata bago nagmamadaling tumakbo papunta sa direksyon ko. My feet immediately move. Tumalikod ako at tumakbo papalayo kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"South!" tawag niya pero hindi ako huminto.

Masarap sana sa pakiramdam na marinig muli na banggitin niya ang pangalan ko pero hindi, eh. Parang gusto kong isumpa kaagad ang pangalan ko dahil binanggit niya ito.

"Anak! Sandali!"

Anak? Gago, anak mo ba ako? Nagpaka Nanay ka ba?

Gusto kong sabihin ang mga 'yan pero mas nanaig ang kagustuhan kong lumayo sakanya.

Kahit malabo ang mga mata ko dahil sa luha ay nagawa ko paring makarating sa sasakyan. Nanginginig ang mga kamay na inabot ko ang pinto pero bago ko pa ito mabuksan ay may malakas na humigit sa braso ko. Kaagad akong kinain ng galit.

"Ano ba?!" Malakas kong binawi ang braso ko. I faced her and I immediately regretted it. Kitang kita ko ngayon ang malungkot at nagsusumamo niyang mga mata.

"South, anak..."

Napatiim bagang ako at nag-iwas ng tingin. Sunud-sunod ang pagtulo ng mga luha ko pero wala na akong pakialam kung nakikita niya ito ngayon. Damn, kailan nga ba 'yong huling umiyak ako dahil sakanya? Noong iniwan niya kami? When was that? 3 years ago?

Iniwan niya kami, nagalit ba ako? Hindi. Tangina, hindi. Mahal na mahal ko siya at palagi akong umaasa na babalikan niya kami. Tinanggap ko lahat ng pananakot sa akin ni Daddy noon na mas lalong hindi ko na siya makikita kapag hindi ko sinunod ang mga utos niya. I did everything to see her again. Kahit sa sarili kong Ama nagpakahina ako dahil sakanya. Sabik na sabik akong makapiling siya pero mukhang hindi naman ganoon ang nararamdaman niya sa amin.

Ang sakit lang talaga. Tatlong taon akong naghintay. Tatlong taon na sobrang lungkot ng buhay ko dahil wala siya. Tatlong taon akong nanabik kaya ng may pagkataon na makita ko siya, I immediately grab that chance. Ngayong nakita ko na siya at kaharap, bakit parang gusto kong pagsisihan ngayon na pumunta ako dito?

"Anak ko..." Sinubukan niya along hawakan muli pero winaksi ko lang ang kamay niya. "South..."

Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan siya.

"You know, I regretted coming here" I said and bit my lower lip to stop myself from sobbing.

Napayuko ito at halatang nalungkot. Napatiim bagang ako at suminghot.

"Dapat pala hinintay ko na lang na magpakita ka," mapakla akong natawa ng maalala ang mga sinabi ni Nanang. "Buti pa si Nanang hinarap mo. Kainggit. Tatlong taon kitang hinintay, alam mo 'yon? Ang gago lang kasi dahil nandito ka lang pala pero hindi ka man lang nagpapakita o nagpaparamdam sa amin." Pinunasan ko muli ang tumulong luha sa pisngi ko.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon