Chapter 27: Farewell

15.9K 694 570
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN

SOUTHERN'S POV

"Nakapag-empake ka na ba?" tanong niya ng hindi nakatingin sa akin. He's busy with his laptop. Abala siya sa kung ano man ang ginagawa niya roon.

"Kailangan pa ba?" Sinandal ko ang likod ko sa backrest ng couch na kina-uupuan ko.

Saglit siyang nag-angat ng tingin sa akin. With his brows frown, he looked like he's about to scold me.

"Of course, what do you think? I'll let you borrow my clothes?"

I tsked. "Sa tingin mo ba gagawin ko 'yon?"

"Why are you answering my questions with another question?" Natunugan ko ang inis sa boses nito kaya napanguso ako.

"Bakit ang init ata ng ulo mo?"

He frustratedly took a deep breath. Umiwas siya ng tingin at binalik muli ang attention sa screen ng laptop niya.

Kanina ko pa napapansin ang pagkakunot ng noo nito na tila may kinaiinisan itong bagay. Magmula nang nandito ako rito sa Condo niya ay wala na ito sa mood, o baka kanina pa siya wala sa mood. Hindi ko matukoy. Sa lahat ng mga kaibigan ko, si Vape ang hindi ko kabisado ang emotion. I'm having a hard time reading what on his mind kaya minsan ay nahihirapan akong pakisamahan ito dahil hindi ko alam kung ano ang mga iniisip niya. He's a mystery and I can't solve him.

"Seriously, Vape, anong problema mo?" seryosong tanong ko. "Bad mood? Saan? Ayaw mo bang nandito ako?"

Sinandal niya ang likod sa upuan at bumaling sa akin ng may seryosong mukha. Kung ibang tao lang siguro ang kaharap niya, baka kanina pa iyon kumaripas ng takbo paalis. He's scary in a good and bad way. Pero kahit ganoon hindi parin maipagkakaila na gwapo si Vape. With his strong features, palagi siyang napapagkamalaang badboy model. Gwapo ang Hapon na ito pero mas gwapo parin sa paningin ko si Genesis.

"What are you doing here? Dapat nagpapahinga ka. Your wound is not yet totally healed" kunot noong aniya. Hindi nito sinagot ang mga katanungan ko.

"Nakakagalaw na ako ng maayos. Bakit ba kayo masyadong nag-aalala sa akin? This is just a gun shot. Parang kagat lang ng langgam ang sakit. Actually, wala nga akong maramdamang sakit e, bobo 'yung bumaril sa akin. Dapat sa puso niya ako tinamaan kung gusto niya akong mamatay" pakli ko.

Mukhang mas lalong uminit ang ulo niya sa naging sagot ko. He clenched his jaw and point his finger at the door.

"Get out."

Wala sa oras na napa-straight ang likod ko. "Vape.."

"Lumayas ka sa teritoryo ko, Benedicto" mariing aniya.

Lumabi ako at masama siyang tinignan. "Hindi ka mabiro," humalukipkip ako at pinirmi ang sarili sa upuan.

"Hindi nakakatuwa 'yang mga sinasabi mo."

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Nakakainis ka na! Pumunta lang naman ako rito dahil nababagot ako sa bahay. Wala ang mga Crane, mag-isa lang ako roon," naiinis na ako sa taong 'to. Kung bad mood siya, h'wag niya akong idamay sa init ng ulo niya. Dapat nga matuwa pa siya dahil nandito ako. Sinu-swerte kaya ang mga taong binibisita ko.

"So, you came here because you're bored? Ano ako? Pampalipas ng oras mo? Kung wala sila, ako ang gusto mo?"

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Bigla akong nawalan ng mga salitang ibabato sakanya. Seryoso ba ang lalaking 'to?

Bigla siyang umiwas ng tingin at tumikhim. "Wala ako sa mood. Umalis ka nalang kung wala kang kailangan" malamig na aniya. Hinawakan nito ang lapis at parang wala sa sarili na nagsulat sa papel.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon