CHAPTER THIRTY SEVEN
NOAH CRANE's POV
Marami akong pinagpapasalamat na bagay sa buhay ko. Una, ang pagkakaroon ko ng mga gwapo at mapagmahal na kapatid, pangalawa ay ang pagkakaroon ko ng pakboy na Dada, sunod ay ang pagdating ni Josiah na sobrang cute sa pamilya namin, tapos ay si Timog na sobrang cool at ganda at panghuli ay ang pagiging gwapo at macho ko.
Sabi ng mga friends ko ay blessing daw ang tawag dito kaya naman naguumapaw ang blessings sa buhay ko. Sobra akong natutuwa dahil doon.
"Kaps, ang cute ni Josiah, 'di ba?"
Lumingon ako kay Psalm. Nakahalumbaba ito sa mga tuhod niya habang nakatitig kay Josiah na naglalaro kasama si Peter at Isaiah. Naglalaro sila ng mga bula galing dito sa batya na pinaglalabhan ko ng mga damit namin. Sabado ngayon, ibig sabihin ay laba day.
Kasalukuyan kong kinukuskos ang brief ni Psalm nang silipin ko ang mga kapatid kong naglalaro. High-tech ang mga labi ko dahil kaagad akong napangiti nang malaki nang makita sila.
"Oo naman! Tignan mo, oh! Ang saya-saya niya!"
Kwinento sa amin ni Dada ang tungkol kay Josiah. Maging ang mga nangyari sakanila sa Japan at ang pagtulong sakanila ni Daddy President na malusutan ang problema kay Chikaku. Sobrang bad niya dahil sinasaktan niya si Josiah. Mabuti nalang niligtas siya ni Dada at ni Timog.
Sobra akong naawa sa kapatid ko. Ang dami niyang pinagdaanan na hirap. Buong buhay ko, sa pagsinok lang ako nahihirapan. Nabuhay at lumaki akong masaya, sabi ni Dada nakangiti at peace sign daw ako nang isilang ako ng Mama ko. Si Josiah ay umiiyak nang ipanganak siya. Nakakaawa 'di ba? Hays, nalulungkot ako para sakanya pero dahil safe na siya at nasa piling na namin siya, masaya na ako para sakanya.
Tumatakbong lumapit sa amin si Isaiah. Punong puno ng bula ng sabon ang ulo nito. Napakakulit niya talaga. Nakalabas na pala siya sa ospital. Magaling na ito at nawala na 'yung takot. Masigla na ito muli at maliksi.
"Kaps! Kaps!"
"Isaiah, 'wag kang tumakbo, mapapagod ka!" awat ko sakanya. Lumapit ito sa akin. Pawis na pawis siya, hays! "Halika nga! Punasan ko ang pawis mo!"
Tinaas ko ang laylayan ng duster na suot ko. Nakatapis ito sa dibdib ko, sabi ni Dada ganito raw ang sinusuot ng mga naglalaba kaya ganito rin ang sinuot ko. Hehe, ang cute, kaso wala akong dudu.
"Hay naku naman, Isaiah! Sinabi ko nang 'wag ka masyadong magpapawis 'di ba? Basa na tuloy ang damit mo, hubarin mo na 'yan para malabhan ko!" Hinila ko pataas ang basang damit niya at hinalo iyon sa mga nilalabhan ko.
"Sorry, Kaps, nadagdagan tuloy ang lalabhan mo" ngumuso siya.
Ginulo ko ang buhok nito. "Okay lang" ngumiti ako. "Wala ka ng maruming damit sa loob?"
Umiling siya. "Wala na!"
Tumingin ako kay Peter. Nakikipaglaro pa rin ito kay Josiah na parang walang kapaguran. Kanina pa sila naglalaro.
"Peter! Tama na 'yan! Magsaing ka na!" tawag ko sa pangalawang gwapo sa pamilya namin.
Ngumuso siya at kahit masakit sa loob na itigil ang paglalaro kasama si Josiah ay sumunod siya sa utos ko.
"Limang tako ng bigas, ha?"
"Pero Kaps wala ng bigas" nagkamot siya ng ulo.
"Umutang ka muna sa tindahan. Ipalista mo sa pangalan ni Dada."
Tumango siya at nagpaalam kay Josiah. Nakangusong lumapit naman sa amin si bunso. Sanay na akong tawagin siyang bunso, okay din naman ito kay Isaiah, minsan nga nakikita ko ang pagiging Kuya niya kay Josiah.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.2 ✓
Humor[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.