CHAPTER THIRTY
SOUTHERN'S POV
Pinasadaan ko nang tingin ang buong kabahayanan na tinitirhan ni Tito Jackal. I was stunned seeing a Japanese traditional house. Kung hindi ako nagkakamali, this is a gasshō-zukuri-styled minka house. It is a vernacular house constructed in any one of several traditional Japanese building styles. I've seen a house like this in a movies.
The thatched roofs have transverse layers of straw, bamboo poles and planks of wood. Ganoon din sa haligi, pintuan at bintana. Napaka traditional ang itsura nito, kung titignang mabuti parang noong sinaunang panahon pa ang bahay na ito.
I shiver when a cold air blew my hair. Inipit ko sa tenga ang nakaharang na buhok sa mukha ko. I hugged myself as I looked at Tito Jackal carrying his sleeping son. Nakatulog si Josiah sa byahe. Inaantok na rin ako pero pinipigilan ko lang ang sarili na matulog sa sasakyan. I didn't know that Kawachi is very far from Tokyo. Tapos sa dulong bahagi pa ng probinsya nakatira si Tito. It really took us hours to get here. Mag-aalas dose na ng gabi.
"Get inside, South. Malamig dito sa labas baka magkasakit ka" sabi ni Tito. I followed him when he entered the house.
Tito Jackal removed his shoes in the entryway. Ito ang tinatawag nilang Genkan, one of the Japanese characteristics. He placed his shoes in a geta box and used a slipper before stepping to the raised floor. Ginaya ko ang ginawa niya. Tinanggal ko rin ang sapatos ko at sinuot ang isang tsinelas. Sa bahay ni Vape, walang ganitong ritual sa pagpasok sa bahay niya. We'll stepped on his house with our shoes on. Kaya ngayong gagawin ko ito ay nakakaramdam ako ng paninibago. I actually like the idea of removing the shoes before entering the house. Sa ganoong paraan kasi ay mapapanatili mo rin ang kalinisan ng bahay mo.
Pagpasok ko sa loob ay kaagad bumungad sa akin ang isang Irori. A built-in hearth where above of the ash-filled hearth hang a kettle suspended from the ceiling by an adjustable hearth hook made of wood, metal and bamboo. Alam ko ito dahil may ganito rin sa bahay ni Vape. Sa Irori kami madalas mag-usap-usap at kumain.
Tito Jackal went inside a room to place Josiah in there. Habang hinihintay ko siyang bumalik ay inabala ko ang mga mata sa pagtingin sa paligid. It's so cozy in here. Walang masyadong gamit na naka-display. May mga paintings sa dingding, dalawang samurai at mga pamaymay na mukhang matagal nang nakasabit doon. Very old-fashioned.
Malamig sa labas but I feel warm here inside. Siguro dahil na rin sa Irori. Hindi nagtagal ay bumalik na si Tito Jackal. He looked at me and smile.
"Masarap akong gumawa ng tea. Gusto mo matikman?"
Tumango ako. "Bago mo ako painumin ng tea. Pwede ba akong matulog muna? Seriously, I need to sleep. Kakarating ko lang ng Japan kaninang madaling araw" inaantok na sabi ko.
Namimigat na ang mga balikat ko. I feel so exhausted and tired. Parang ang haba ng araw na ito para sa akin. Being with a Crane is really draining me.
He chuckled. Tuwang tuwa pa ito na pagod na ako. Kung alam lang niya na nakakaubos ng energy ang pagsama sa anak niya.
"Okay, then. Matulog ka na muna, bukas nalang tayo mag-usap."
He offered me a room to stay. Dala-dala ang maleta ko na pumasok ako sa kwartong walang kama. Tanging makapal na banig at comforter lang ang nandoon. May dalawang kabinet na gawa sa kawayan at isang mababang lamesa na may nakasinding lampara. The yellowish bright of lamp illuminated the small room. Ito lang ang tanging ilaw na meron dito.
"Feel at home, South! Don't worry, walang momo rito pero may engkanto, hehe! Oyasuminasai!" Parang tyanak na tumawa si Tito Jackal bago sinara ang sliding door na kahoy.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.2 ✓
Humor[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.