Chapter 5: Haup Beast

23.4K 924 487
                                    

CHAPTER FIVE

ISAIAH CRANE POV.

"Tiiiiit Baaaaaa!"

"Tweet tweet tweet!"

^_____^

Ang cute talaga ng Baby ko, hehehe.

"Isaiah, tapos nang kumain si Baby Tiger?" Napatingin ako kay Peter na kakapasok lang sa kusina. Humihikab ito at halatang kakagising lang.

"Oo, tapos na kanina." Ngumiti ako.

Lumapit siya kay Baby Tiger at hinaplos ang ulo niya gamit ang isang daliri nito.

"Good morning, Baby Tiger. Busog ka na ba?" tanong niya rito.

"Tweet tweet!" Tumango ang sisiw.

Umupo si Peter at humalumbaba sa lamesa. "Kaps, parang hindi ko kayang hindi makita si Baby Tiger" nakangusong sabi nito. Nakatitig siya sa sisiw na parang ayaw niya itong mawala sa paningin niya.

"Peter, kailangan mong kayanin. Hindi sa lahat ng oras ay kasama mo si Baby Tiger." Tinapik ko siya sa balikat.

Huminga ito nang malalim at naiiyak na kumain na lang. Samantalang nilagay ko naman ang Dora na lunch box ko sa bagpack ko. Maging ang tubig ko. Nang matapos kong maayos ang mga kailangan ko sa school ay napangiti ako.

Ayan, handa na akong pumasok, hehe!

"Mooorning!"

Napatingin ako kay Noah na humihikab na pumasok sa kusina. Sa likod naman nito ay si Psalm na kakagising lang din. Nagtatanggal ito ng muta niya sa mata.

"Good morning, mga gwapo kong kapatid!" Ngumiti ako.

"Sabihin mong sasaksakan ako ng gwapo, Isaiah" sabi ni Noah.

Ngumuso ako. Palagi na lang niya akong inuutusan sa umaga na sabihin kong sasaksakan siya ng gwapo. Hays, pero sige na nga.

"Saksakan ka ng gwapo, Noah!"

Lumaki ang ngiti nito at ginulo ang buhok ko. "Ganyan nga, Kaps. Huwag na 'wag mong kakalimutang ipaalala sa akin t'wing umaga 'yan, ha? Alam mo kasi, sa sobrang ka-gwapuhan ko nakakalimutan ko na minsan" aniya.

Ngumiwi ako. Maging si Baby Tiger ay napangiwi rin. Pansin ko rin na bahagya siyang tinangay nang hangin kaya mabilis ko itong hinawakan para hindi liparin. Grabe naman ang hangin na 'yon.

"Wala ng pagkain?" tanong ni Psalm.

Tumingin ako sa lamesa. Marami pa naman, ah. Meron pang natira na limang Tuyo. Kinain ko na 'yung isa kanina, kinakain naman ni Peter ang isa.

"Ang dami, Kaps."

"Kulang sa akin 'yan."

"Psalm, tig-i-isa tayo ng ulam. Bawal ang sobra, magkakasakit ka sa bato" sabi ni Peter.

Saglit akong napaisip. Anong ibig sabihin ni Peter 'dun? Paanong magkakasakit ang bato e, wala namang buhay ang bato. Sabi ni Teacher K. tanging mga may buhay lang ang nakakaramdam ng sakit. Hindi ba 'yon alam ni Peter? Tinuturo 'yon sa Science.

Ngumuso si Psalm at natatakam na tumingin sa mga Tuyo sa plato.

"Saka kina South at Genesis na 'yang dalawa diyan, Psalm. Huwag mong kakainin kung ayaw mo pang mamatay" sabi rin ni Noah. Tumango ako bilang pag-sang-ayon sa sinabi niya.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon