Sorry for the late update. Pasensya na po talaga kung naghintay kayo...
CHAPTER TWENTY FOUR
NORTHERN's POV
Seeing my sister lying on the hospital bed is like a knife stabbing me thousand times in the heart. I could not look at her that long it's breaking me.
"She's so stubborn" I said and wipe away the tears that fell on my cheeks. "If she's awake, I'll probably hit her hard on the head. Ang tigas ng ulo niya. Alam na ngang may tama siya ayaw pa niyang agapan kaagad. Look what happened to her!" patuloy ko sa pangangaral sa katigasan ng ulo ni South.
"Northern, calm down. Your complaints won't do anything to her" mahinahong sabi ni Daddy. He's seating on the couch near South's hospital bed.
She's still unconscious. Maraming nawalang dugo sakanya dahil hindi kaagad naagapan ang sugat niya. Kung baka nagtagal pa nga ito ay baka patay na ito ngayon.
She looked so pale and sick. Walang kabuhay-buhay ang mukha nitong natutulog. Hindi kami ni Daddy ang ka-match niya sa dugo kaya medyo natagalan pa kanina ang paggamot sakanya. Good thing Mom immediately came rush to the hospital when I told her that South was shot. Ito ang nag-donate ng dugo sakanya.
Ang awkward lang ng mga pangyayari dahil hindi sila nagkikibuan ni Daddy.
"It still! Ang tigas parin ng ulo niya!" I insisted. Sumimangot ako pero may pumatak na namang luha sa mga mata ko kaya kaagad ko iyong pinunasan.
"She's in love" sabi ni Daddy na parang iyon ang rason ng katigasan ng ulo ni South. He's staring at her. I could see the worries and sadness on his eyes. He lean forward and fix her cover.
Naantig ako nang makita ang pagaasikaso ni Daddy sakanya. He really cares for her. Noon pa man ay todo na ang pag-aalala ni Daddy sakanya kahit iyong mga panahong hindi maganda ang takbo ng relasyon nila. Hindi ipinapakita ni Daddy pero pasikreto itong gumagawa ng paraan para masiguradong palaging maayos si South. He loves her. He loves all of his children.
Kaagad bumaling sa pinto ang paningin ko nang may kumatok at pumasok sa loob. Napaayos ako nang makita si Mommy.
"Mommy!" Lumapit ako sakanya at inaalalayan ito. She looked so weak. May bandage ito sa braso, senyales na nakuhanan siya ng dugo.
She smile weakly at me. Sunod ay tumingin siya kay Daddy na wala man lang pakialam sakanya. He's busy staring at my sister. I saw shadows of sadness on Mom's eyes. She averted her eyes and look at my sister.
"How is she?" namamaos na tanong niya.
Sumulyap ako saglit kay South na mahimbing na natutulog.
"She's getting better, Mom. Sabi ng Doctor ay kailangang niyang magpahinga ng maayos para mas mabilis siyang gumaling" sagot ko.
"When will she wake up?"
I shook my head. "Iyon po ang hindi pa namin sigurado."
Humakbang siya papalapit kay South. I immediately alarmed because Dad was there.
Mabilis kong kinuha ang isang silya at nilagay sa kabilang gilid ni South. Doon umupo si Mommy pero mukhang maling move ang ginawa ko dahil magkaharap na sila ngayon ni Daddy. South is in between of them.
"Uhm.." I swallowed the lump in my throat.
This is so awkward. As in.
Tahimik silang pareho habang nakatitig kay South na natutulog. No one dares to speak. Hindi sila nagsasalita pero nararamdaman kong nagpapakiramdaman silang dalawa. Ilang sandali lang ay si Mommy na rin ang unang bumasag sa katahimikan.
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.2 ✓
Humor[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.