Enjoy!
CHAPTER FORTY TWO
SOUTHERN's POV
"Let's have a vacation."
"Saan naman?"
Rucc thought for a while. "Probably Paris or LA?"
"I've been there for how many times already. Doon naman sa hindi pa natin napupuntahan" Coby suggested.
Pinapakinggan ko lang ang usapan nila habang inuubos ang strawberry Ice Cream na dala nila. Nagtataka nga ako kung bakit sila may dalang pagkain para sa akin. Knowing them, lalagnatin sila ng ilang araw kapag pinag-gastusan ako. I'm sure they are up to something. Wala akong nakikitang rason para bigyan nila ako nito.
"Hmm, New Zealand?"
"I've been there eight times" sagot ni Coby.
"How about Africa? North Pole or South Pole?"
"Twelve times na akong pumunta doon. Sawa na ako sa yelo."
"Edi sa disyerto naman para maiba?"
"Sahara, Arabian, Gobi, Kalahari, Great Victoria, Patagonian, Syrian desert, name it all and I've been there in so many times" bagot na bagot na sagot ni Coby.
"Kung ganoon saan tayo magbabakasyon? I need to freshen up kahit one week lang. Masakit pala sa ulo ang magstay ng isang gabi sa kulungan. Hindi ko maintindihan, maimpluwensya at makapangyarihan ang mga magulang natin pero papaano nila naatim na matulog tayo sa kulungan? They can easily use their power but they choose to ignore us. Tayong mga sariling kadugo nila ay hinayaan lang nilang makulong" naiiling at dismayadong sabi ni Rucc.
Oo, nakalabas na kami sa kulungan. Gaya ng pangako ni North, isang gabi lang kami sa loob. Good thing she controls the media or else, my name would be the headline of the news again. Kung dati ay gusto kong nangyayari iyon pero ngayon ay ayaw ko na. Mahirap na at baka ma discover ako sa Hollywood. Wala akong balak maging artista.
"It's not their choice. It just that, someone who is powerful than them controls them. Hindi ko sinasabi na si Mr. President iyon ha pero parang ganoon na nga" tingin ng inosente sa akin ni Coby.
Binaba ko ang Ice Cream cup ko at tumingin sakanila. "Magpasalamat nalang kayo at hindi tayo nakulong panghabang buhay" sabi ko.
"Pero kahit na! Mga anak parin nila tayo! Tama bang pabayaan nila tayo sa loob ng kulungan?"
Huminga ako nang malalim. "We violated the government rules. Tama lang na parusahan tayo." Sumubo muli ako sa Ice Cream ko.
"Kaya nga nandiyan sila para tulungan tayo, 'di ba?"
"Bakit ba hindi ka nalang mag move on? Chill pre, okay?" pagpapakalma ko kay Coby na mukhang naiinis na naman sa pagkakakulong namin.
"Paano ako kakalma kung---aish! Oo na nga! Kakalma na!" aniya nang bigyan ko siya ng nagbabantang tingin.
"It is unusual for you to stay calm, master. Parang chill ka lang diyan. Aren't you mad at your father?" tanong ni Rucc sa akin.
I shrugged my shoulders and scoop the last ice cream on my cup. Dinilaan ko ang labi ko pagkatapos kong ilapag muli ang cup sa lamesa.
"Hindi. Ginawa niya lang naman ang tama kaya wala akong karapatang magalit sakanya" mala-anghel kong saad na nagpanganga sakanila.
"South, ikaw ba 'yan?"
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.2 ✓
Humor[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.