Chapter 44: Heat

14.5K 826 1.2K
                                    

Sorry for the long wait. Magiging mabilis na ang update ngayon, promise 😁

CHAPTER FORTY FOUR

SOUTHERN's POV

"Planning to merge a company? Or are you planning to make Philippines and Greece as one country?"

Seeing my mom here is the least thing I expected. Huling tagpo namin ay noong pumunta pa ako ng Sigma. Iyon na rin ang kahuli-huliang pagkakataon na nakausap ko siya.

Papaano niya kaya nalaman na nandirito kami? Oh right, I almost forgot, she's keeping her eyes on me. Syempre, anak niya ako at kailangan niya ako sa organisasyon niyang bulok kaya mainit ang mga mata niya sa akin. She's watching me, finding my weakness she can use against me.

"Did you invite him, Gideon?" baling ni Princess Tatiana kay Daddy. Walang nababakasang emosyon sa mga mata nito.

"No."

"Then why is she here?"

Dad shrugged his shoulders. Nagtagis ang bagang ni Mommy. She looked at him dangerously.

"Clearly, you are not invited here Annunciata. Would you mind if I ask you to leave? You are disturbing us."

Mom laughed sarcastically. Kinampay niya sa ere ang isang kamay nitong kapansinpansin ang violet na kulay ng kuko. Kaonti nalang ay parang gusto na niyang sabunutan ang Prinsesa sa inis niya.

"This is my country. Don't you dare piss me off  Your Highness. I have my spy to shoot you on the head."

Nabilaukan si Tito Jackal sa iniinom na juice. Samantalang nagtagis naman ang bagang ko sa banta niya. Really, huh?

"Go call your spy. We'll see if he is still alive" Dad muttered calmly.

Nabalot ng tensyon ang buong silid. Seryoso silang lahat, nagpapakiramdaman kung sino ang unang bibitaw at susuko. Dad may looked composed on his seat but I know he is raging mad inside. That proves his tight grip on his cup of coffee.

Mom gritted her teeth. She shoot dagger look on him. Kulang nalang din ay barilin niya si Daddy sa inis.

"You ruthless beast! You killed my men!"

"No, I didn't. My men did so."

"Ganoon din iyon! Ikaw din ang pumatay sakanila!"

"They are transferring drugs from here to China. That is illegal. You know how much I hate illegal businesses, darling" he looked at her using his stern look.

Mom swallowed hard. Umiwas siya ng tingin at nagtiim bagang.

"Hanggang ngayon ay pakielamero ka pa rin."

"Hanggang ngayon ay matigas pa rin ang ulo mo. You never change, Annunciata. You never listen to me." Wala mang emosyon ay ramdam ko pa rin ang pag-aalala at pagbabanta sa boses ni Daddy. Kahit itago niya ay alam kong may halaga pa rin si Mommy sakanya. I could feel it.

"Can you just leave, Annunciata? You are ruining our moment" putol ng Prinsesa sa tensyon na namamagitan sa dalawa.

"I won't leave, besides, my husband and daughter  was here. Hindi kompleto kung wala ang ina, hindi ba South?" She looked at me.

I remain emotionless. Nginitian niya ako ngunit hindi ko iyon magawang suklian. She really changed. A lot. And that disappoints me.

"Uhm, gusto mo ng tea, Anni?" Tito Jackal offered at her.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon