Chapter 8: Nanang & Tatang

21.5K 1K 1.2K
                                    

CHAPTER EIGHT

_

NOAH CRANE's POV.

"Sino ang tatawagin kapag hindi alam kung saan ang pupuntahan?"

"THE MAP! THE MAP!"

"I'm the Map! I'm the Map---"

"Tama na muna 'yan. Kakain na tayo!"

Sabay-sabay kaming napangusong magkakapatid ng biglang patayin ni Timog ang TV. Nabitin pa sa ere ang pagkembot ko sana sa kanta ni Map pero hindi iyon natuloy dahil kay Timog.

"South, pwedeng tapusin muna namin ang pinapanood namin? Sasamahan lang namin ni Dora sa paglalakbay niya papunta sa Music Mountain," sabi ni Psalm.

Tumaas ang isang kilay ni Timog. "Dora o pagkain?"

Humaba lalo ang nguso namin.

"Do--" Pinandilatan niya kami ng mga mata. "Pagkain.."

"Halina kayo. Masamang pinaghihintay ang grasya," aniya at pumunta na sa kusina.

Napabuntong hininga kami at nakangusong sumunod sakanya. Kapag talaga utos niya ay hindi pwedeng suwayin dahil lahat kami ay malalagot. Nakakatakot pa naman si Timog kapag nagagalit.

"South, anong ulam?" tanong ni Psalm.

"Tuyo."

"Tuyo na naman?" Sumimangot ako.

"Pasalamat ka may pagkain parin tayo."

Ngumuso ako at naupo na sa pwesto ko. Nagsi-upuan narin ang mga kapatid ko. Maging si Baby Tiger ay pumwesto sa tabi ng plato ni Isaiah.

"South, 11:00 am ang uwian namin ngayon. May lakad daw kasi si Teacher K kaya maaga niya kaming papauwiin" sabi ni Isaiah.

Natigil si Timog sa paglalagay ng kanin sa plato ni Genesis. "Susunduin na lang kita. Break time naman namin ang oras na 'yon, eh."

"What? I thought we will have lunch together?" singit ni Genesis.

"Saka na tayo mag-lunch."

Sumimangot si Genesis. "No! Sabay tayong mag lu-lunch ngayon!"

"Sinong susundo sa akin? Ikaw, Noah?" Baling sa akin ni Isaiah.

Umiling ako matapos kong lunukin ang ulo ng Tuyo. "May duty ako sa library. Hindi ako pwedeng umalis."

Isa sa pinangako namin kay Timog ay ang maging active kami sa school. Hindi lang ang pagpasok ang kailangan naming gawin kundi ang sumali rin sa mga school activities o kaya 'yung tinatawag nilang School Club. Sumali ako sa Book club at isa sa obligasyon ko doon ay ang magbantay ng Library tuwing break time namin.

"Peter?"

Umiling si Kaps. "I-e-examine namin mamaya ang kulangot sa Laboratory."

Science Club naman ang sinalihan ni Peter.

"Psalm?"

"Magvo-volunteer ako mamaya sa canteen na magserve ng mga pagkain."

Canteen Club naman kay Psalm.

"Ikaw na lang kaya Genesis?"

"I'm the President of King Society. And besides, I have a Bebe time with my girlfriend later" sagot ni Genesis at tumingin kay Timog.

Ngumuso si Isaiah at malungkot na pinakain si Baby Tiger.

"Sino na lang ang susundo sa akin? Sino na lang ang magmamahal sa akin? Wala ng may gusto pa kay Isaiah..." Ma-drama nitong sabi.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon