Chapter 28: Luggage

14.2K 807 608
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

PETER CRANE'S POV

Wala akong imik habang naka-sandal sa pader. Nakahakukipkip ang mga braso ko sa dibdib at may masamang tingin sa bisita namin. Ano bang ginagawa niya rito? Nakakainis naman, late na tuloy kami sa school hindi na kami makapasok ngayon dahil hindi pa siya umaalis. Kapag nalaman ni Timog na nag-absent na naman kami, tiyak na magagalit siya.

"Walang nagbago sa bahay, ganoon parin katulad nang dati" komento ni Summer habang nililibot ang paningin sa loob ng bahay.

Nakangiti siya at halatang natutuwa sa mga nakikita. Para siyang nasa Zoo at namamangha sa mga hayop na nakikita. Pero teka, zoo ang bahay namin? Kung ganoon ay kami ang mga hayop? Napanguso ako. Ibig sabihin ay hayop nga kami, kapag nagagalit din kasi si Timog ay tinatawag niya kaming mga hayop.

"Peter, bakit ka nakanguso?" bulong ni Psalm. Nakasandal din siya sa pader katulad ko.

"Kaps, mga hayop pala tayo" sagot ko.

"Ha? Talaga? Kung ganoon anong hayop ako?"

"Hmm, baka ikaw ang gorilla?" Hindi ako sigurado. Medyo may hawig kasi ng kalabaw at unggoy si Psalm kaya baka siya ang gorilla.

Umiling siya. "Ayoko ng gorilla, ako nalang ang cat para cute."

Tumango ako. "Okay, ikaw ang cat. Sino naman ako?"

Nilagay nito ang isang daliri sa baba at tumingin sa itaas na parang nag-iisip.

"Hmm, ikaw naman ang ipis" aniya makalipas ng ilang sandali.

"Bakit ipis?"

"Magkamukha kayo. Mukha kang ipis, Peter."

Ngumuso ako. Mukha ba talaga akong ipis? I-che-check ko nga mamaya. Kukunin ko ang isang alaga ni Isaiah na ipis at itatabi ko sa mukha ko para magkaalamanan na talaga kung mukha ba akong ipis.

Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi at pinisil pisil iyon. Kung ako ang ipis sino kaya sa mga kapatid ko ang butiki, daga at garapata? Napatingin ako kay Noah, Genesis at Isaiah. Hmmm, si Genesis ang daga. Si Isaiah naman ang butiki dahil cute at si Noah ang garapata. Hihihi, Zoo nga talaga ang bahay namin.

Pero teka, si Timog pa pala! Ano kayang klaseng hayop siya? Tiger o Lion? Pero mas bagay sakanya ang gagamba. Kung saan-saan kasi siya pumupunta, hihi. At si Summer? Hindi siya belong sa mundo namin.

"It's been years. I really missed staying here. I'm gonna use again my old room!" excited na sabi ni Summer.

Napatingin ako sa dalawang malaking maleta nito na nasa sahig, halatang punong puno ang mga iyon ng gamit. Talaga bang dito ulit siya titira?

Sabi niya na siya ulit ang babysitter namin. Dito ulit siya titira kasama namin pero wala namang sinabi si Dada tungkol sakanya e. Basta basta nalang siyang pumupunta rito.

"Hindi mo pwedeng gamitin ang kwarto ni South" nakangusong sabi ni Isaiah. Nasa sofa ito at nakayakap sa ulo ni Dora na throw pillow. Masama ang tingin niya kay Summer at halatang hindi niya rin nagugustuhan na nandito siya.

Ang ngiti sa mukha ni Summer ay unti-unting nawala. Bigla siyang nalungkot kaya napayuko siya.

"Kung gano'n, ang kwarto ko ang ginagamit ni South.." wala sa sarili itong natawa. Nag-angat muli ito ng tingin. Bumalik na muli ang ngiti sa mukha niya. "Pwede naman siguro akong bumalik sa kwarto ko kahit ginagamit na iyon 'di ba? Atsaka, wala naman si South kaya sa tingin ko ay pwede akong matulog doon, since kwarto ko naman talaga 'yon" nakangiti siya pero ramdam ko ang diin sa mga salita na sinasabi niya.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon