Dedicated to everyone who patiently waiting for the updates. I salute you all Badass readers!
CHAPTER FIFTY SIX
ISAIAH CRANE's POVSa t'wing tatalikod at magsusulat si Teacher K sa blackboard ay sisilip ako sa bintana para kompirmahin kung nakaalis na ang sasakyan namin. Hindi ko maiwasang mapanguso nang makita na nandoon pa rin ito, nakaharang sa harap ng school namin. Tinawagan ko na si Peter pero hindi pa rin sila gumagalaw para umalis. Masyado pang maaga para sunduin ako, hindi pa nga kami tapos sa feeding program e. Excited sila masyadong umuwi porket wala si Dada.
Vibrate ng cellphone ko ang kumuha sa atensyon ko, lihim kong sinilip ito para makita na lowbat na pala ako. Nakalimutan ko palang mag-charge. Ngumuso ako bago tinago ito sa loob ng bag ko.
Nagkalat ang mga crayons, colorpencils, sketchbook at balat ng lollipop sa lamesa ko. Habang nakikinig sa pagkwe-kweto ni Teacher tungkol sa alamat ng unggoy ay biglang may kumatok sa pintuan ng classroom namin dahilan kung bakit nahinto si Teacher K.
"Sandali lang kids okay?" ngumiti siya sa aming lahat bago nagtungo sa pintuan.
Kalabit sa likod ko ang nagpalingon sa akin, nakabusangot na mukha ni Gyro ang nakita ko habang hawak niya ang naputol na lapis.
"May I borrow your pencil?" medyo may pagkasungit sa tono niya pero napangiti pa rin ako. Ang cute talaga ni Gyro pero sa t'wing sinasabi ko iyon sakanya ay nagagalit siya. Hindi niya tanggap na cute siya, hindi pa kasi niya nare-realize iyon.
"Sure!"
"Isaiah?"
Napatingin ako kay Teacher K nang tawagin niya ako. Nasa pintuan pa rin siya kaharap ang isang lalaki na hindi ko kilala. Pansin ko lang na nakangiti siya sa akin pero imbes na gantihan siya ng ngiti ay nangunot ang noo ko. Kalahati ng katawan nito ay nakapasok sa loob ng classroom namin dahilan para matignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakaitim siyang damit, pants at sapatos. Malaki ang
butas ng mga tenga niya na parang nabinat sa itim na hikaw. Pansin ko ang mga tattoo niya sa leeg at braso, may hikaw pa siya sa isang butas ng ilong at kahit nakangiti siya ay nanlilisik ang mga mata niya. Napalunok ako kasabay ng takot na naramdaman ko. May kakaiba akong nararamdaman sakanya na hindi ko matukoy.Naalala ko ang binanggit ni Genesis sa amin tungkol sa ganitong pakiramdam. "If your instinct tells you not to trust someone, don't trust them" aniya.
"Ano 'yong instinct kaps?" tanong ni Josiah. Curious ang singkit na mga mata nito katulad ko. Napagdesisyonan ni Dada noon na papasukin din sa school si bunso namin, iyon nga lang ginusto niyang pumasok sa school na pinapasukan ni East at West. Naging friends na rin kasi sila kaya ayaw na niyang humiwalay sa mga ito at kahit nakakalungkot na hindi namin siya makakasama sa iisang school, bumabawi naman siya sa t'wing nakakauwi sa bahay.
"Instinct is a natural ability. Something we know without learning it. It occurs here our behavior, thinking and feelings. For example, when you see me raging mad what are you gonna do?" tinignan kami ni Genesis ng isa-isa.
"Uhm, tumakbo at magtago.." sagot ko habang nanginginig ang mga tuhod ko. Iniisip ko palang na galit siya gusto ko ng umihi sa pants ko.
"Exactly."
Habang nakatingin ako sa lalaki ay unang kutob ko ay h'wag siyang pagkatiwalaan. Nararamdaman ko na mapanganib siya, masama ang dulot niya sa akin at sa buong mundo. Malakas ang instinct ko, ibig sabihin ba nito ay isa talaga akong Power Ranger?
"Isaiah, pinapasundo ka raw ni South" hindi siguradong sabi ni Teacher K. Bumaling siya sa lalaki ng nagtataka. "Is this urgent? The class will gonna end soon--"
BINABASA MO ANG
The Badass Babysitter Vol.2 ✓
Humor[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.