12

782 17 0
                                    

"Sorry talaga sweetheart... Ang laki na ng pagkukulang ko sayo, alam kong malaki na ang tampo mo sa akin... Gagawin ko ang lahat para makabawi sayo... " ginagap pa nito ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya mula sa pagkakatingin ko sa di kalayuang mesa kung saan naroroon sina PJ, Colei at Kean...

I felt sad and bit incomplete... Lalo na at nakita ko ang isang bungkos na sunflower na may calla lilies ... Na syang paborito kong bulaklak... Alam kong para sa akin iyon...at tila espesyal ang araw na ito dapat sa amin ni PJ... Pero heto ako...

Pilit na ngiti ang iginawad ko kay Toffer... "A-ano yun?"

Nakita ko ang pagdaan ng disappointment sa mukha nito at mabilis na napalitan ng pagaalala...

"Are you okay? Pansin ko na parang wala ka sa sarili mo?" Lumapit pa ito sa akin at chineck ang aking temperature sa aking noo at leeg kaya napatingin ako kina PJ at nakita ko ang matalim na tinging ipinupukol nito sa amin...  "Aren't you feeling well? Gusto mo dalhin na kita sa hospital? Damn ! We sh---"

Agad kong inalis ang kamay nito... Saying... "N-no... Toffer... Okay lang ako... Pagod lang talaga siguro ako... Dahil madami kaming tinatapos sa school..." pagdadahilan ko praying na maniwala ito sa akin.

Tiningnan ako nito natila may iniisip ... Kaya naman napaiwas ako ng tingin at kinuha ang kubyerto ko at ipinagpatuloy ang pagkain ... Just to avoid his gaze...and intentionally clear my throat para maibsan ang awkwardness sa paligid.

Bumalik naman ito sa upuan nya at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain... Napasulyap naman ako kina PJ at nakita ang pagngisi nito na tila may nakakatuwang nangyayari ... Damn !

Agad kong tiningnan si Toffer nang tumikhim ito... "So... I think... Hindi ito ang tamang oras para pagusapan natin ang nangyari ... I know you are not in condition ... Ihahatid na lamang kita sa inyo after nating kumain para makapagpahinga ka na din...okay?" aniya sa akin sa pilit na pinasisiglang tinig nito.

Nakaramdam akong guilt dahil doon... Alam kong I should not be acting like this when I am with him... For Pete's sake... He is my boyfriend!

Ngumiti ako sa kanya... Isang pilit na ngiti... At hinawakan ko ang kamay nya... "We'll talk about it later... Hon... After our dinner... Let's enjoy our food first okay?" malambing kong sabi rito agad kong nakita ang pagsaya ng mga mata nito... At ngumiti ito sa akin ... "Right! Let's enjoy our dinner... Sweetheart... And please eat some more... Ayokong pumayat ka!" anito sa masiglang tinig habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko na nakapagpangiti sa akin .

"Baka tumaba naman ako nyan..." I joked to him .

"Like I care bout your figure... I love you with or without curves!" anito

"I-I love you..." Napatingin ako kay PJ nang sambitin ko iyon sa di ko malamang dahilan.

Damn it! Focus to Toffer...

We enjoy our dinner and I let him do the talking... Kinwento nya ang lahat ng mga nangyari sa kanya sa loob ng isang buwan ...  Nakapunta siya sa 4 bansa para sa Stavros Empire... He even won  a case recently... He is a sucker in court! Kaya naging busy ito nitong nakaraang buwan... He even mention how he misses me when he was away... Like he wanted to book a flight back to me...

----

"Ikaw... Sweetheart... Kumusta ka? I heard nothing about you for a month... I can't blame you though .. Malaki ang kasalanan ko sayo..."

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan nya at dito ipinakpatuloy ang paguusap namin...

Nakaramdam ako ng bigay sa dibdib ko... How can I tell him na nagenjoy ako at ni minsan ay hindi ko siya naisip o naalala man lang dahil pinupunan ng iba ang kawalan niya?

"Sweetheart?" untag nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya

"Okay lang naman ako... Busy sa school ... And naging busy din ako sa pagaadjust dahil lumipat na ko sa condo unit na iniregalo sa akin nina papa at mama noong debut ko...remember?" maingat kong sabi rito na dahilan kaya napapreno ito at napatingin sa akin ... Kasunod niyon ang malakas na busina mula sa likuran at mabilis na pagovertake ng mga sasakyan ...

"You what?!" anito sa akin

Kinabahan ako sa inakto nya.

"Lumipat na ako sa unit ko a month ago... Actually mama and papa were pro--"

"Bakit hindi ko alam to?! Bakit hindi mo man lang binanggit sa akin yun? You didn't bother to ask my opinion about it?" tila hindi makapaniwalang tanong nito sa akin at may bahid ng disgusto ang tinig

Uminit ang ulo ko dahil doon pero kinakalma ko ang aking sarili... Ayokong magkagalit kami dahil malaki din ang kasalanan ko rito...

"You were busy that time... Ayokong abalahin ka." sagot ko sa mababang tinig.

"But that is an important matter Sabrina! Hindi mo man lang ako tinanong kung payag ba ako na magsarili ka na... Damn it! " singhal nito.

"Kung mainit ang ulo mo. Please. Wag muna tayong magusap... " malamig kong sabi rito.

"Damn it Sabrina! I don't think na kaya mo nang magsarili! Tapos nagmamagaling ka pa na lumip---"

"Stop the car..Cristoffer!" sigaw ko na dahilan nang pagpreno nito. Agad agad kong tinanggal ang seatbelt at bumaba bitbit ang mga gamit ko.

"What the hell Sabrina?! Sumakay ka ulit dito! Anong ginagawa mo?!" singhal nito sa akin pero di ako nakinig.

Pigil ang iyak akong humarap dito...

"Go away Cristoffer Ybarra! Just leave me alone kung ayaw mong tuluyan akong magalit sayo!" singhal ko at dali daling nagabang nang taxi... 

"Ano ba?! Sumakay ka na ulit dito Sabrina! Don't test my patience!" singhal nito.

"Fuck your patience Cristoffer! Wala akong oras para sa mga walang tiwala sa aking tulad mo! " nanginginig ko sa galit na sabi rito. Damn him!

.Pero huminto ang isang pamilyar na pamilyar na kotse sa harapan ko... Nang bumukas ang bintana at nakumpirma na tama ang hinala ko...

"Get in...baby."

Dali dali akong sumakay roon na dahilan kaya hindi ako nahabol ni Toffer ng bumaba ito... Agad pinaharurot ni PJ ang sasakyan niya...palayo sa lugar na iyon...

"Take me away from him ...PJ. please."

Ngumisi ito sa akin na tila iyon lang ang hinihintay nitong sabihin ko...

"By all means... My love."

Hotbreaker's Series 6: Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon