44

583 18 4
                                    

after the operation...

By,

Hi by! Sabi ng doctor mo successful ang extraction ng tumor sa ulo mo. Ang weird nga nung babaeng Stavros, tinawag nyang beautiful tumor iyon. Sabi nya pa pasalamat daw ako sa kapatid nya kung hindi daw sya pinakiusapan ng lalaking iyon ay hindi nya daw gagawin ito. By bigla kong naisip kung gaano ako kawalang silbi kumpara sa mga kaya nyang gawin para sayo. Naisip ko tuloy, sana pala hinayaan na lamang kita sa kanya noon. Na sana hindi na lamang kita inagaw... Siguro masaya ka kapiling nya... At siguro hindi ka magkakaganito.

Ito na ata yung karma ko... Hindi ko kasi naisip na aabot sa ganito ang sobrang pagmamahal ko sayo by... Na sobrang nakakasira na. Sorry by... Mahal na mahal kita...

-PJ

---
Day 1

By,

Natatakot ako by... Kaming lahat. Hindi ka pa kasi gumigising . 24 hours na ang lumilipas mula ng operasyon mo pero sabi ng doctor normal lamang iyon dahil hindi pa handa ang katawan mo. Ang sabi nya after 48 hours daw gigising ka na...may gagawin lamang daw ilalagay lamang silang aparato sayo para magising ka. At sabi nila na may okay naman ang brain activity mo. Hindi ko man maintindihan pero alam kong magandang balita iyon base sa pagkakasabi ng doctor mo.

By, gumising ka agad ha? Yung mga bata kasi hinahanap ka na daw sabi nina mama. Hindi ko pa kasi sila nakikita. Ayaw kitang iwanan dito baka bigla na lang may masamang mangyari sayo pagbalik ko. Ayoko ng ganun by... Please gumising ka agad. Mahal na mahal kita...

-PJ

--
Day 2

By,

Natatakot ako... Kami... Dahil kanina ay sinubukan kang gisingin ng doctor pero hindi ka nagising. Sabi nito na magsasagawa sila ng test sayo pero normal naman daw na may ganitong case. Kaso by, sobrang takot ako ngayon. Paano kung hindi ka magising? By wag ganoon ha? Paano ang mga bata? Sino mag-aalaga sa kanila? Dahil kung mahihimbing ka ng tuluyan... Sinisiguro kong susundan kita by... Kaya para sa mga bata... Wag kang bibitaw... Mahal na mahal kita...

Hotbreaker's Series 6: Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon