33

1.2K 29 1
                                    

5 years later...

"Good morning 'by!" Kasabay nang yakap nito mula sa likuran ko habang nagluluto ako ng breakfast namin... Napangiti ako at hinarap siya upang batiin ...

"Good mor---" ngunit pinutol nya iyon sa pamamagitan ng isang matamis na halik sa labi.

"Ay! Bold!" Naitulak ko palayo si PJ nang narinig ang tila nagulat na sabi ni Shan.
Namumulang tiningnan ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita kong tinatakpan ni Erion ang mga mata nina Shan at Frin habang siya ay nakapikit ngunit sumisilip naman ng pasimple...sinamaan ko naman ng tingin ang magaling kong asawa na nakangisi lamang sa akin na tila walang ginawang kalokohan... Nakasuot ito ng kanyang Tailor suit at handa nang pumasok sa trabaho... Bumalik na kasi sa kanya ang pamamahala sa Gernome Group matapos nyang paghirapan ang posisyon iyon mula sa simula... Nakita ko kung gaanong hirap ang dinanas nito noon para maibalik ang tiwala ng board at sa wakas ay siya na ang CEO ng kumpanya ... Ako naman ay tumutulong kay kuya sa dela Marced Empire at sa pagpapatakbo ng Lutong Bahay ni Juan chain of restau... Habang focus ako sa paggabay sa mga bata at sa pagaalaga sa aking asawa...

Ang triplets naman ay kasalukuyang nag-aaral sa isang exclusive school na pag-aari ni Kean... 4th Grader na ang mga ito... At kaklase si Solana at Basty na kambal na anak nina Colei at kuya. Ngayon ang first day of school nila kaya maaga palang ay inasikaso ko na ang kailangan nila...naging maayos ang takbo ng buhay namin bilang mag-asawa at pamilya namin ni PJ. Inayos namin ang lahat ...napatawad na din namin si Atty. Brenda at sinabihan itong hanggang abogado na lamang siya ng kumpanya ...at hindi hihigit pa roon... Si Toffer naman ay wala akong nabalitaan mula rito... Though noon huling pag-uusap naming tatlo nila PJ limang taon na ang lumilipas ay ininis na naman nya ang asawa ko kaya hindi masyadong naging maganda ang resulta... Pikon naman kasi si PJ e...

"Good morning, kids!" Masayang bati ni PJ sa mga bata na agad naman nagtakbuhan patungo sa kanya upang hagkan at batiin ito... Ganun din ang ginawa nila sa akin ... Matapos niyon ay sinabihan ko na silang magsi-upo at kakain na kami ng breakfast dahil baka malate pa sila...

"Nay!Tay! Sasabay po ako kina Basty at Kronos mamayang uwian. Dadaan muna po kasi kami sa bahay nina 'mmy Colei." Paalam ni Erion .

"Ako po, tay, nay, dadaan po muna sa bookstore ... May bagong labas po kasing libro si Dr. Hades tungkol sa human anatomy. Don't worry po, sasamahan po ako nina Aeiou at Solana..." Paalam ni Frin na lalong ikinataas ng kilay ko ... Tiningnan ko naman si Shan at tila nagtataka ito ...

"Nay..."

Kinunutan ko ito ng noo...humarap ito sa ama na tila walang alam sa nangyayari"..tay...sunduin nyo po ako mamaya... Baka magbeastmode si nanay" bulong biro nito na ikinatawa ng ama at mga kapatid.

Sinamaan ko naman ng tingin si PJ at sinenyasang kausapin ang mga anak ukol sa pinagpapaalam ng nga ito. Huminga ito nang malalim bago binalingan ang mga bata.

"Erion, you have to be home at exactly 6pm...Ipapasundo kita sa driver...alam mo naman di ba anak?" Ani PJ kay Erion na sumaludo rito na labis kong kinababahala... Dahil naaalala ko ang pangarap nito noon...bakas sa mukha ni Erion ang katatagan sa kabila ng pinagdaraanan ng murang katawan nito...

"Sir! Yes! Sir!" Anito na tila isang sundalo.

Ngumiti naman si PJ at binalingan si Frin ." Frin... Do you want tatay at Shan accompany you on buying that book?"

Nakita kong tila nag-alinlangan ito... Alam ko na gustong gusto nito ang makasama ang mga kaibigan at pinsan.

Huminga ng malalim si PJ at tumingin sa akin... Tila humihingi ng pahintulot... Tumango naman ako. "okay... Sweetheart... You can go with your friends but I'll pick you up at exactly 5:30pm... Dadaanan na natin noon si Erion... Bago natin sunduin si nanay sa office nila... and While waiting... Shan and tatay will have a date!" Masayang anito na nakapagpasaya ng mga bata kaya napangiti ako sa mga ito ... Nang mabaling ang tingin ko kay PJ ay nakangiti ito ng puno ng pagmamahal sa akin ang he mouthed...

"I love you so much 'by"

Kaya naman napangiti ako lalo... At sinagot... "Mas mahal kita... By"


Matapos namin magbreakfast ay tumulak na kami paalis... Ihahatid muna namin ang mga bata sa school bago ako idaan ni PJ sa dela Marced main dahil mayroon magaganap na shareholders' meeting para sa napipintong pagpasok namin sa European business world. It was a big move for everyone since malaki ang expected return of investments and risk ng planong ito na pamumunuan ni kuya At Colei.


"Erion..."

"Yes nay, I won't forget my medicine po.I'll look after my sisters like a real soldier po tay." Sabi nito na tila alam ang sasabihin ko at nakangiting humalik sa amin ng ama bago bumaba para alalayan ang mga kapatid

Si Erion ay nagmemaintain ng gamot nito dahil noong 5y/o na ang mga ito  ay nakitaan ito ng butas sa kanyang puso if hindi ito magsara ng tuluyan ay ooperahan siya pag nasa tamang edad na ito. That was the darkest time of my life... Bilang ina ay hindi naging madali ang lahat sa akin... Erion was too young for that.... At age of 7 ay sinabi ng doctor na nagsara na ang butas na nakapagpasaya sa akin ... But last month... Erion gor hospitalized again dahil nahirapan itong huminga... Only to find out that that hole isn't really went closed ... Na nagkaroon ng pagkakamali ang doctor nito...kaya naman sa galit ni PJ ay kamuntikan na nya g pinatanggal ang lisensya ng doctor ... But I stopped him doing that... Dahil iyon ang hiling ni Erion... Ayaw nito na gawin ng ama iyon...  Now... He is under the care of Serene ... My husband's cousin. Serene will work with Doc. Alizia,Doc. Levi, Doc Ace and Doc  Hendrick... nakilala ko na sila the same month... And I must say that they are doing their best for my son. Ang ayaw lang ni PJ na parte ng lahat ay katotohanang head of security ng pinsan nya ay si Kuya Ymar... Ang kuya ni Toffer. Kaya banas na banas ito kahit wala namang ginagawang masama ang tao sa kanya.

"Frin, kindly mo---"

"Yes, nanay... I-momonitor ko po ang foods nila and meds ni Erion. I'll make sure po na hindi kakain ng maraming sweets si Shan para hindi po maghyper." Nakangiting ani Frin na nakapagpangiti sa akin
..

"And..." Ani PJ

"I won't let anyone hurt us po... And I'll make sure that no one from us will caused trouble...tay." sabay halik at paalam sa amin nito. Frin will always be our eldest.


"Shan ..."

"Opo nay! I won't eat  too much sweets and I'll try not to be malikot po so that I won't cause any trouble." Nakapout na sabi ng bunso namin na nakapagpangiti sa amin.


"Love... Alway---"


"Always, follow ate Frin and Kuya Erion because they will mean no harm for me. Opo. I'll bear that in my mind. I love you both po ..see you later tay. Nay! " Sabay halik sa amin at inalalayan pa ito pababa ng mga kapatid. Ibinaba ko pa ang window at kumaway sa mga ito na nakangiting kinawayan kami pabalik bago pumasok sa paaralan nila...nang mawala na sila sa aking paningin ay unti unti nang binalot ng kaba ang puso ko... Hindi ako komportable na nasa labas si Erion...



Naramdaman ko ang paggagap ng aking asawa sa kaing kamay kaya napatingin ako rito. Nakangiti ito na tila nakauunawa sa aking nararamdaman. "He is strong, 'by. Alam kong walang mangyayaring masama sa kanya. Hindi ba't sabi ni Doc. Ace at Doc Hendrick na okay lang sa regular school? Basta hindi lang sya maeenggaged sa nakakapagod na activities... Alam iyon ng mga teachers. Nya...lalo na at si Angelique ang teacher nila. Kaya wag ka ng mag-alala okay? Tiwala lang tayo sa sundalo natin? He will definitely survive this battle!" He said na kahit papaano nakapagpagaan ng pakiramdam ko.


Tama...

Erion will survive this one...

Our lil soldier will definitely win this battle...

Hotbreaker's Series 6: Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon