19

825 21 0
                                    

Hindi ko alam kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko maging ang bilis nito dahil sa kaba at takot na hatid ng sitwasyon ko ngayon... kung kailan unti unti ng nagiging maayos bakit nangyari ito... napansin ko ang pamumutla ni Lovely dahil sa reaction at galit sa mukha ni PJ ngayon... hindi nito alam kung ano ang isasagot dito... huminga ako ng malalim...sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko... hindi ako dapat kabahan... hindi naman ako gumagawa ng kasalanan... wala akong ginawang mali... ngunit hindi ko magawa dahil sa mariing paghawak ni PJ sa aking kaliwang kamay... na tila doon ibinubuhos ang frustrations nya...

"S-si Sir Ybarra po... tinatanong n-nya po yung contact nu--"

"AT HINDI MO IYON IBINIGAY HINDI BA?" puno ng pagbabantang tanong ni PJ dito kasabay ang pagigik ko dahil mas hinigpitan nya ang hawak dito ngunit hindi nito ako pinansin.

"H-hindi po..sir... b-bilin po iyon ni Ma'am sa akin na huwag ipapaalam kahit kanino ang contact number nya.. lalo na po kay sir Yba---"

Tila kumalma ito sa narinig dahil lumuwag ang hawak nito sa kamay ko... at tumango ngunit bakas sa mukha nito ang galit sa narinig... damn Toffer... why do you have to ruin everything now?

"H-how did he know your line, Lovely?" kinakabahan kong tanong.kay Lovely nakita kong napatingin sa akin si PJ.

"And why are you asking her that question, wife?" tanong ni PJ sa akin

"H-he said ... he can do anything as he pleases... he can get whatever he wanted ...since he is a Stavros!" nauutal na sagot ni Lovely.

"PUTANGINA! NEVER ENTERTAIN THAT FUCKER LOVELY! OR ELSE I WILL FUCKING FIRE YOU!" sabay hila sa akin ni PJ at padabog na ipinasok sa loob ng kotse nya...

Nang makapasok ito sa sasakyan ay pinasibad nya ito ng mabilis na ikinakaba ko... he is furious... fucking furious... and it scares me..

"P-PJ... slow down..." kinakabahan kong sabi sa kanya ngunit tila wala itong naririnig mas binilisan nya pa ang pagpapatakbo niyon.. "PJ ... ano ba... baka maaksidente tayo... I want to live for the kids... for our kids!" humahagulgol kong sigaw sa kanya na tila gumising rito at napapreno ito...napatingin siya sa akin na tila hindi nya din alam kung anong nangyari sa kanya...
"B-bata pa ang mga anak natin... g-gusto ko pang makita silang lumaki... p-please... " sambit ko habang umiiyak.

Narinig ko ang pagsuntok nito sa steer wheel ng sasakyan at pagmumura nito ... "SIMULA NGAYON... HINDI KA MAAARING UMALIS NG BAHAY NG HINDI AKO KASAMA O NG HINDI KO NALALAMAN! PUTANGINA... HINDI KO KAYO HAHAYAANG MAGKITA AT MAGING MASAYA NG GAGONG PUTANGINANG YBARRA NA IYON! TANDAAN MO YAN SABRINA! AKIN KA LANG!" he said like a monster.

His words pierced in my heart and wrecked my soul...

Napapikit na lamang ako at tahimik na umiyak...

You deserve every pain...Sabrina... you deserve to be punished for ruining this good man's life.

----
Naging malamig ang pakikitungo sa akin ni PJ ng pagdating namin sa bahay ng mga magulang nya. Binantaan ako nito ng mag-ayos ng sarili at ayaw nyang mag-alala ang mga anak namin... tahimik lamang ako at sumasagot lamang tuwing tinatanong ako ng mga magulang nya tungkol sa mga bata...nagpapasalamat ako na hindi nila ako tinanong tungko lsa nangyari sa nakaraan namin... si PJ naman ay itinuon ang pansin sa pag-aasikaso sa mga bata. Matapos ang tanghalian ay nag-aya ng umuwi si PJ at wala namang nagawa ang dalawang matandang Gernome dahil hindi mabali ang desisyon nito. Sa loob ng sasakyan ay ang mga bata lamang ang naririnig.

Isang linggo ang dumaan na malamig ang pakikitungo sa akin n PJ... hindi na muna ako lumabas ng bahay para hindi na ito magalit... ngayong araw ay naghanda ako sa pagpasok ko sa trabaho. Nakiusap sa akin si kuya Sebastian kung pwede ko siyang tulungan sa DME, dahl gusto nyang tutukan ang pagbubuntis ni Colei sapagkat maselan iyon. Pumayag ako at sinabi dito na ako na muna ang bahala sa operation ng DME, pero hindi ito pumayag dahil kailangan din ako ng triplets.

Hotbreaker's Series 6: Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon