32

868 22 0
                                    

Nagising ako dahil sa nahihirapan akong huminga sa bigat ng nakadaghan sa akin... At nang makita ko kung ano at sino iyon ay napangiti ako...

I could stare at his sleeping face forever... But I have to prepare our breakfast and for sure any minute from now, the kids will be awake and look for us... Kaya dahan dahan kong inalis ang pagkakapulupot ng kamay nya sa aking at nang magtagumapay ako ay dahan dahan akong naupo upang isunod ang paa nitong nakapatong sa akin... Actually nakaipit ako sa pagitan ng mga binti nito... Which by the way ugali na talaga nya noon pa man... Unti-unti ko sanang tatanggaling iyon nang humigpit iyon at may humila sa aking pabalik sa pagkakahiga at niyakap ako ng mahigpit ... Isinubsob nito ang mukha ko sa kanyang bare chest... Na ikinainit ng mukha ko ng husto...

Tumingala ako upang makita kung dilat na ito ngunit nakapikit pa rin ito ngunit may pigil na ngiti sa mga labi... Kaya alam kong gising ito. "PJ... Bangon na tayo... Yung mga bata... Gigising na sila nyan... Uuy... PJ"

Hinigpitan nito ang yakap sa akin..."five minutes... 'by... Please..." Anito sa naglalambing na tinig kaya naman napangiti ako..

"PJ... Kailangan ko pang magluto ng breakfast natin... At aasikasuhin ko pa ang mga bata... Ui... P--"

Sa gulat ko ay ipinantay niya ang mukha nya sa akin at hinuli ang mga mata ko...

"'by... 'by ang itawag mo sa akin... Please... 'by... I kinda miss you calling me that...please by...huh? Please?" Anito sa sa seryoso ngunit may lambing na tinig.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon...at ang pamilyar na pakiramdam ang namayanin sa akin ngayon... Ang napakasarap na pakiramdam na matagal ko ng hindi nararamdaman...

Napakagat ako sa ilalim ng mga labi ko at Pigil ang pagiyak na tinawag ito sa paraang gusto nya... ," 'By... " Garalgal ang tinig kong tawag rito.

Napangiti naman ito sa akin ng may adoration sa mga mata at napapikit ako ng hagkan nito ang mga luhang umalpas sa aking mga mata... "Thank you by... Thank you for this chance... Thank you for fighting for us... I love you... By... I love you so much..." Anito

"M-mahal din kita by... Mahal na mahal..." Buong puso kong tugon at naramdaman ko na lamang nang sakupin ng mga labi nito ang mga akin... .

Mabagal... Nananantya... Nanunuya...

Magaan niyang kinagat ang aking pangibabang labi kaya napasinghap ako... Naramdaman ko ang mmapaglarong tangka ng dila nito sa pagpasok sa akin bibig pero naitulak ko siya ng bigla kong narinig ang biglang pagbukas ng pinto at inuluwal nito ang aming tatlong anghel na patakbong pinuntahan kami...

Mainit ang mukhanv tumingin ako kay PJ na nakatingin sa akin na may mapaglarong ngiti sa nga labi... He even lick his lower lip and bite it...na ikinaiwas ko ng tingin... Damn... That's my weakness.

Napunta sa mga bata ang atensyon namin ng energetic silang tinawag kami.
"NANAY!" /"TATAY" kumandon sa akin si Erion, habang si Shan at Frin naman ay sa ama nila kumandong...

"Tatay... Namiss po namin ikaw." Malambing na sabi ni Shan sa ama habang dinudutdut nito ang mukha ni PJ na tila hindi makapaniwalang pinagmamasdan ang mga anak..

"Namiss din kayo ni tatay, Shan..." Malambing na sagot nito .

"Tatay, saan po kayo galing kahapon? Kasi po hinahanap po namin kayo kay nanay, ang sabi nya may importante po kayong pinuntahan...saan po yun tay?" Inosenteng tanong ni Frin na ang pinagdidiskitahan ay ang mga daliri ng ama.

Napatingin ako kay Erion ng maramdaman kong napukaw ang atensyon nito sa tanong ng ate Frin nya... Seryoso itong naghihintay ng isasagot ng ama... Kaya napangiti ako dahil doon... He really looked like his father afterall...lalo na kapag ganitong seryoso ito ...

Hotbreaker's Series 6: Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon