34

737 13 0
                                    

"H-hello... Angelique?" Hindi ko alam ngunit tila nilukob ako ng kaba habang sinasagot ang tawag mula sa teacher ng triplets.

Halos tatlong buwan na ang nakakaraan simula ng pasukan... At ngayon lamang tumawag si Angelique sa gitna ng klase nila... Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ni PJ para daanan ang mga bata para maglunch kami ng sabay-sabay tulad ng ipinangako namin sa kanila kanina.

"Hello, Yuki... Nakiusap kasi ang mga anak ninyo para tanungin kayo kung nasaan na daw kayo? Sabi nyo daw kasi susunduin nyo sila for lunch?" Magiliw na tanong nito mula sa kabilang linya.

"Teacher, si nanay po iyan? Asaan na daw po sila ni tatay? -Shan

"Bunso ... Hushhh... Kausap pa ni teacher si nanay... Wag ka tumalon baka matumba ka... " - Frin

"P-pwede ko po silang makausap , teacher?" -Erion

Tila nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang mga boses nila... Okay lang sila...

"Kakausapin ka daw nitong si Erion. Yuki
" Ani Angelique.

"Hello... N-nay...matagal pa po kayo?"  Tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ang tinig ni Erion ... Alam kong may mali ... Alam kong nahihirapan ito sa paghinga

"ERION... ANAK... " Napatingin sa akin si PJ na puno ng pag-aalala. Nagtatanong kung anong nangyayari at ramdam ang tensyon sa loob nv sasakyan...lalo na ng mas bilisan nito ang pagpapatakbo...
"LISTEN TO NANAY... R-remember our breathing exercise? We w-will do it...  BREATH IN ... BREATH OUT... Brea---"

"Okay lang po ako nay... Hiningal lang po ako kasi po I jumped... Don't worry po... Asaan na po kayo ni tatay? Gusto ko na pong kumain e. Di po ba sabi nyo pwede po akong kumain ng kahit anong gusto ko today dahil positive po yung result nung treatment sa akin?" Anito sa masayang tinig.

Nakahinga naman ako ng maluwag... Tama ito... Sabi ni Doc Hendrick sa amin na positive ang responds ni Erion sa treatment nito. Nagpa-iwan muna ito rito sa Pilipinas para kay Erion... Sabi nito ay naaalala niya ang sarili sa kalagayan ng anak ko ... Hendrick is one of the best doctors now a days. He specialized in different department...  Ibig sabihin ... Magaling talaga ito... Genius.

"Y-yes... Anak... Wag mong pinakakaba ng ganoon ulit si nanay huh? Atsaka bakit ka tumalon? Hindi ba't bawal muna sayo ang mapagod? Anak naman..." Naiiyak kong sermon rito.

"Sorry po nay... Di na po mauulit. Promise!" Anito

Tinapos ko na ang tawag ng makitang malapit na kami sa paaralan nila.

"What happened?" Tanong na nagaalala ni PJ

"I... I got worried... Hinihingal kasi sya kanina ... Kaya pala nagtatatalon daw kaya napagod lang... Damn... I'm so worried... 'by... Hindi ko ata kakayanin pa pag may mangyaring masama sa mga bata... At sayo ..." Umiiyak kong amin dito... He immediately pulled over the car and park it on the street side ...then he collected me in his tight hug.

Hotbreaker's Series 6: Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon