35

465 14 0
                                    

Sa mga sumunod na araw ay naging kakaiba ang kilos ni PJ. Naging aborido ito at laging may malalim na iniisip. Hindi naman sya nagkulang ng atensyon, pagmamahal at panahon para sa amin ng mga bata pero nag-aalala pa rin ako para rito. It was unlikely him na hindi sumabay sa amin ng dinner dahil he see to it na before 7pm ay nasa bahay na ito pero nitong mga nakaraang araw ay palagi itong late umuwi... Tinanong ko naman siya kung anong problema, pero ang sagot nito ay madami lamang kailangan tapusing trabaho and I understand it.

Bumisita naman ako sa OB ko kahapon dahil Nakaramdam rin ako ng hilo nitong nakakaraang mga araw...at medyo nagiging sensitive ang pang-amoy ko... Delayed din ako ng isang buwan na hindi naman nangyayari sa akin liban nung pinagbuntis ko ang triplets... Sobrang galak ang naramdaman ko ng sabihin nito na nagdadalang tao ako... She mention too that I have to be careful since  medyo mahina ang kapit ng bata na ikinabahala ko ng lubos kaya naman sinusunod ko lahat ng payo ng doctor. Plano kong sabihin kay PJ ngayon ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil kagabi ay hindi ko na sya namalayang umuwi at paggising ko naman ay wala na sya sa tabi ko na ikinalungkot ko...

Kaya ngayong araw na ito pagkahatid ko sa mga bata sa school ay umuwi akong muli sa bahay namin at naisipang ipagluto ko siya ng lunch niya. I want to surprise him and have lunch with him at his office. Matagal-tagal ko na ring hindi nagagawa ito kanya. Babawi ako ngayon sa kanya dahil lagi na lamang siya ang umaasikaso sa akin ...at sa mga bata.

Matapos kong maihanda ang lunch nito ay nagtungo ako sa kanyang opisina. Pagpasok ko sa building ng kumpanya nito ay biglang naging awkward ang atmosphere. Hindi ko alam kung ako lang ba o mayroon talagang kakaiba. Ikinibit balikat ko na lang ang nararamdaman ko tsaka sumakay sa elevator. Napangiti ako habang naghihintay na bumukas ang pinto ng elevator sa floor kung saan ang opisina ni PJ. I'm sure, masusurpresa siya sa aking dala-dala... maging sa anghel namin sa sinapupunan ko. Marahan kong hinaplos iyon . Pagbukas ng elevator ay dali-dali akong lumabas, ngunit medyo nakaramdam ako ng hilo kaya huminto muna ako at kumapit sa pader. Naramdaman kong may lumapit sa aking pamilyar na bulto at inalalayan akong makaupo sa isang waiting area...

"Damn, Sabrina... What is happening to you?" Napamulagat ako nang marinig ang pamilyar na malamig na boses na iyon. Halos napapasong napalayo ako rito.

"T-Toffer ... A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko rito na tila lumipad ang sama ng pakiramdam ko dahil sa kagustuhan kong lumayo rito. Ayokong magkasira kami ni PJ.

"I have a business meeting with your husband. I saw you, you are about to---"

"I'm fine. T-thank you. But I have to go. M-my husband is waiting f-for me. " Dali dali kong kinuha ang mga dala ko at naglakad patungo sa opisina ng aking asawa. Nakita kong tila nagulat ang assistant nito nang batiin ko sya at dire-diretyo na ako sa loob sa kabila ng tila pagpigil nito... Na pinagsisihan ko ng lubusan dahil nakita ko ang aking asawa... Halos nakahiga sa couch ng opisina nya at nasa itaas nito ang isang pamilyar na babae... Hubad ang pang-itaas at walang habas na nakikupaghalikan sa asawa ko...

Naibagsak ko ng tuluyan ang mga dala dala ko dahil sa gulat at sakit na nararamdaman...

"Sabrina... Nakalimutan mo ang---FUCK!" Naramdaman ko na lamang ang paglapit takip ng mga mata ko ni Toffer ngunit bago iyon ay nakita ko kung paano itinulak palayo ni PJ si Atty. Brenda... ngunit bakit hindi nabawasan ang nararamdaman kong sakit...

Bakit PJ? G-ginagantihan mo ba ako?

Naramdaman ko ang paghilas sa akin ni PJ ngunit tulala akong lumuluha habang nakatayo lamang roon... Dinarama ang sakit ng pagkawasak ng puso ko... Tinatanong kung saan pa ba ako nagkulang... B-bakit nya ito nagawa sa akin?

"FUCK! BY, IT IS N-NOT WHAT Y-YOU THINK... Damn! " Natatarantang paliwanag nito ngunit nanatili lamang ako sa aking estado. Ang sakit... Sobrang sakit... Ang bigat sa dibdib...napara bang nanunuot sa buto...

"P-PJ... B-BAKIT... M-mahal naman kita... G-ginawa ko ang lahat... Ginawa ko naman ang la--"

"Hush... Mahal na mahal din kita... S-sorry... Sorry... Hindi ko sinasadya... A-akala ko ikaw siya... N-nalasing lang ako... D-dito ako nakatulog... A-akala ko i-ikaw siya... Sorry, by... Please ... Patawarin mo a-ako... Hindi ko sinasadya"

Handa naman akong patawarin sya... Handa ako... Mahal na mahal ko sya... Handa akong kalimutan sana ito ngunit ang mga sumunod kong narinig mula sa babaeng nagdulot nito ang wumasak sa natitira kong pagmamahal kay PJ....

"You enjoyed every bit of it, PJ... Anong sinasabi mong hindi mo sinasadya? Hindi ba't we did it lot of times when she's gone?"

"OH SHUT UP BRENDA! YOU FUCKING SHUT UP! ". Dumagundong ang galit na sigaw ni PJ at muling lumambot ng bumaling sa akin... Nakaluhod ito sa harap ko at tila nagmamakaawa... "Please ... By... Patawaring m-mo ako... H-hindi ko k-kaya kung mawawala ka ... Kayo ng mga bata... K-kayo na lang ang m-mayroon ako... By... Please ..,"

"Tell me the truth PJ..." Halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses... Pumikit ako upang ipunin ang natitirang lakas para itanong iyon... Naramdaman ko ang gumuguhit na sakit sa aking kaibuturan... Hang in there...baby...nanay will fight... Hang in there..."tell me... Totoo ba ang sinabi nya? Totoo ba iyon?!" Bigla itong umiwas ng tingin sa akin na labis na dumurog sa aking pagkatao... Ang sakit... Sobrang sakit...

Tatalikod na sana ako ngunit bigla akong niyakap nito sa aking mga paa... Ang bigat bigat sa pakiramdam...sobrang bigat...

"P-please... Forgive me... N-nakikiusap ako... Parang awa mu na ... Mahal na mahal kita... Please ... Ayusin natin ito... P-please .." he plead ngunit pinilit kong kumawala rito...

"J-just... Let me go now.... PJ... S-sobrang sakit. Please... Let me g-go..." Then nararamdaman ko ang kirot sa aking puson.

Please baby, fight... Nanay will be alright... Please... Hang in there...

"Peol Jay... Let your wife  rest first pare... She is not feeling well" singit ni Toffer ngunit tila minasama ni PJ iyon dahil tumayo ito at sinuntok si Toffer na agad namang gumanti.

"YOU FUCKER! BAKIT NANDITO KA NA NAMAN?! BAKIT MO BA SINUSUNDAN ANG ASAWA KO? PUTANGINA! KASALANAN MONG LAHAT ITO! "Galit na galit na sabi nito.

"FUCK! YOU HURT YOUR WIFE HERE! WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA! I LET HER GO ALREADY! HINAYAAN KO SYA SAYONG PUTANGINA KA! PERO ANO ITONG GINAWA MO? SINAKTAN MO SYANG GAGO KA!" sigaw ni Toffer.

"TAMA NA! ANO BA?! TAMA NA!" At nasalo ko ang aking sinapupunan nang sumikdo ang nanonoot na sakit mula roon... And in my horror... I saw blood on my palm... "N-no... No...my baby... No.... PJ... P-PJ... ANG ANAK NATIN NO---". And everythings went black.


Please baby, don't leave nanay... You're my hope... You're my salvation ... Wag mo akong iwan....



---
Nameless: The next chapter will be more of Cristoffer Ybarra's

Hotbreaker's Series 6: Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon