18

861 23 4
                                    

Halos isang buwan na ang nakakalipas mula ng makasundo ng mga bata ang kanilang ama. Definitely they are inseparable… and PJ always see to it that everyday he will have time for our kids. Dito na rin ito umuuwi at natutulog. Araw-araw ay katabi nito ang mga bata… liban kay Erion na laging tumatabi sa akin tulad ng nakasanayan niya. Every weekends ay isinasama nya ang mga bata sa pamamasyal… at automatically I’ll go with them dahil  kailangan kong personal na asikasuhin ang needs ng mga ito…Yung sa amin naman ni PJ, we are civil. Hindi na nya ako sinisigawan at hindi na rin nya ako nasasaktan pisikal. Parang nagkaroon kami ng silent truce para sa mga bata yet hindi ko masasabing nagiging maayos na ang lahat… dahil nag-uusap lang kami pag involve ang mga bata.

Napangiti ako nang maramdaman ang paggalaw ng kama at ang pagdamba sa akin ng tatlong maliliit na katawan ng bata …

“Nanay! Wake up!Wake up!” ani Shan na excited na tumatalon.

“SHAN!!! BAKA MAHULOG KA!” dinig Kong saway nina Erion at Frin sa kapatid kaya naman napabangon ako at niyakap ang mga ito.

“NANAY!” tuwang tuwa nilang sabi at yumakap pabalik sa akin.

“Good morning angels and soldier!” masayang bati ko sa kanila.

“Good morning nanay!” anang mga ito at pinugpog ako ng mga halik sa mukha na ikinatawa ko.

“Nanay, ninang Bel called po... she instruct me to to tell you to call her po!” ani Frin. “Tulog pa po kasi kayo kaya po ako na nag-answer ng call since si ninang Bel naman po iyon.” paliwanag nito.

“Okay! Thank you ate Frin!” malambing kong sabi dito. “Bakit ang aga nyo atang nagising ngayon?” madalas kasi ay tinatanghali silang gumising lalo na kung wala silang tutorial session na hinire ni PJ para sa kanila.

“Tatay made a promise last night po kasi e… he said na papasyal po tayo ngayon sa bahay ng lola and lolo po namin.!” ani Shan.

Nakaramdam ako ng kaba sa narinig. Simula ng umalis ako para takasan ang lahat ay hindi ko pa nakakaharap ang in-laws ko.

. “G-ganoon ba? Asaan si tatay nyo?”

“Nasa kitchen po… nagpreprepare po ng breakfast po natin!” ani Erion na habang nakayakap sa leeg ko.

Napakunot ang noo ko… this is the first time he cook for the kids. Usually ako ang incharge sa kitchen. Ano kayang nakain nya?
Nagkibit balikat na lamang ako at tumingin sa tatlo… “Soldier…angels… let’s go to your room na and paliliguan ko na kayo…” anyaya ko sa kanila.

Pinipilit kong alisin sa isipan ko ang posibilidad na magkikita kamng muli nina mama at papa.

“We can do it na po nanay!” anang mga ito at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

“Hey! Don’t run! Baka madapa kayo!” saway ko sa mga ito na tumawa lamang. Naiiling akong bumangon at kinuha ang phone ko upang tawagan si Bel.

Ilang sandali pa ay sumagot ito…

“Hello,Bel?”

“Yuki! Kumusta?” anito na tila excited na excited.

“Bel… Frin told me to call you… may sasabihin ka daw?”

“John and I will be hosting a simple get together dito sa bahay… we will be announcing something important! And your attendance is a must!” anito sa seryosong tinig

“Woah… stop right there… are you gonna push thru your wedding?” excited kong tanong

“Tomorrow!” she said na nakapagpatawa sa akin.

Hotbreaker's Series 6: Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon