15

788 15 0
                                    

"Ready?" napatingin ako sa pinagmulan ng boses ni PJ. Nakangiti ito sa akin ngunit napalitan iyon ng tila pag-alala ng makita ang pangamba at kalungkutan sa aking mukha...agad ako nitong nilapitan at umupo sa tabi ko sa kama ng silid na tinutulugan ko rito sa ancestral house nila, at inakbayan ako

"I know, baby ayaw mo pang umuwi...but you have to... May pasok ka pa at magaalala na talaga sayo ang parents mo...baka akala nila ay tuluyan na kitang itinanan...which is I like by the way!" agad kong hinampas ang dibdib niya sa biro nito para pagtakpan ang pamumula ng mukha ko.

Tumawa naman ito ng nakakaloko at niyakap ako ng mahigpit... Natahimik ako dahil doon...

"We have to go home...baby. We have to make things right... Ayokong magkasala ka ng tuluyan ng dahil sa kin... Sabrina..." anito sa akin na nakapaghatid ng kakaibang init sa puso ko...

"Pj..."

"I'll help you to make things right... If you really accept what we have... I will talk to him... Let's talk to him... Gusto kong maging tama ang kung anong mayroon tayo ngayon... Baby... Ayokong manatili sa dilim...at maging sekreto mo lamang... " he said with determination

Napalunok ko sa ainabi nito... Alam kong pinahihirapan ko siya sa sitwasyon namin... It might sounds unfair and unjust but... I want to give PJ a chance...

---
Napabalik ako sa kasalukuyan ng biglang pabalibag na bumukas at sumara ang pintuan ng aking silid... Hindi ito ang masters bed room... I refused to use that room...I settled myself on a guest room... Nang makaalis si PJ sa araw na iwanan nya ako sa dating silid namin ay nagdesisyon akong lumipat ng silid dahil ayokong bahiran ng masasakit na ala-ala ang silid naming iyon...

Napadaing ako nang biglang mahigpit na hawakan ako sa magkabilang balikat ni PJ...alam kong magpapasa iyon... Nakita ko ang galit na galit na ekspresyon nito... Na tila ba makakapatay iyon... Kaya lalo akong natakot... Ano ba ang nagawa ko ngayon?

"ANONG KASINUNGALINGAN ANG SINABI MO SA MGA ANAK KO ?! BAKIT HINDI NILA AKO MATANGGAP TANGGAP?!" napaigtad ako dahil sa sigaw nito sa kin Na puno ng sakit at galit...

"P-PJ...w-wala akong sinabi sa k-anil--"

"SINUNGALING! TANGINA! HINDING HINDI MO NA AKO MAPAPANIWALA SA MGA KASINUNGALINGAN MO! TANDAAN MO ITO SABRINA! PAGBABAYARAN MO NG MALAKI ANG PANGGAGAGO AT PANLOLOKO MO SA AKIN! KAYO NG LALAKI MO!" anito at pasadlak akong itinulak sa kama at tinalikuran!

Hindi ko na napigilan ang mga luhang dumaloy mula sa aking mga mata...
Ang sakit na nararamdaman ko sa pisikal ay walang wala sa nararamdaman kong sakit emosyonal at mental...

Humarap itong muli sa akin at dahil doon ay nakaramdam ako ng kaba dahil akala ko ay sasaktan na naman nya ako...

"...at bakit hindi ka manatili sa masters bedroom?! Hindi ba ang sabi ko ay doon ka ?! Tangina! Hindi mo ba ako kayang pakinggan at sundin?!" singhal na naman nito

Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng pagpunas ng mga luha ko...

"O-okay na ako dito." garalgal ang tinig kong sabi... " Nakakahi---"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang hilahin nito ang kaliwang kamay ko ... Magkalapit kami sa isa't isa...

"WALA AKONG PAKIALAM KUNG OKAY KA O HINDI! PAG SINABI KONG DOON KA MAKUKWARTO DOON KA!" Nanggigigil nitong sabi sa akin at pinagmasdan ako na tila may iniisip... Ngumisi ito ng puno ng panguuyam... "NGAYON KA PA BA MAHIHIYA?! EH DI BA NUNG SUMAMA KA SA LALAKI MO AY HINDI KA MAN LANG NAHIYA ?!"

Tila nabingi akong muli dahil sa tinuran nito sa kin... Pumikit ako upang damhin ang talas ng mga salitang ibinabaon nya sa aking pagkatao... Kung sanang hinayaan nya akong magpaliwanag sa kanya... Kung sanang pakikinggan nya ako...

"Patawar--"

"PATAWARIN KA?! HINDING HINDI KITA MAPAPATAWAD SABRINA! HINDING HINDI!" Anito at walang pagiingat nya akong itinulak kaya nahulog ako sa sahig at naramdaman ko ang nanunuot na sakit sa aking tagiliran... At kaliwang braso...

Tinalikuran ako nito at walang sabing iniwan sa silid... Pabalibag pa nitong isinara ang pintuan...

Napapikit nalamang ako at dinama ang sakit...

You deserve it...Yuki Sabrina...

You deserve his revenge...

Hotbreaker's Series 6: Right Kind Of WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon