Page 14

6.8K 170 2
                                    

BREANA~




Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya ang kinalabasan para akong zombie.









Inayos ko ang aking hitsura at nagpasyahan ng pumasok sa school.











Nang makarating ako sa class room namin wala pa si bakla malamang nakipaglandian pa 'yon just kidding.









Natapos nalang ang klase walang Carleen akong nakita, ano kayang nangyari don?












Kinuha ko ang aking cellphone at nag tipa ng mensahe sa kanya.







Oy, ba't hindi ka pumasok?

Sent!









Makalipas ang minuto biglang nag vibrate ang phone ko akala ko si bakla. Kumunot ang noo ko ng isa lamang itong unregistered number.








'Sorry'







Sino naman 'to? Tsk. Hindi ko nalang pinansin.








Pumunta na ako sa bench ng makasalubong ko si Zimmon.







"Hi Louise." Bati niya sa 'kin.








Siya lang talaga ang tumatawag sa second name ko. Kinikilabutan tuloy ako sa tuwing naririnig ko ang boses niya kapag siya na ang tatawag ng name ko.








"Hello." Tipid akong ngumiti.







"Nag-iisa ka yata, asan si Carleen?" Tanong niya bigla.







"Hindi ko rin alam eh." Tinanguan lang niya ako.







"Siya nga pala hindi kaba busy ngayon?"






"Why?" I asked.








"Tara punta tayo ng mall wala na kasi akong klase ngayon, ikaw ba meron pa ba?"









"Wala na din, sige tara." Hindi ko alam na kusa lang akong sumama sa kanya. Mabait naman itong si Zimmon kaya okay nalang din.









"Siya nga pala asan si Raver at Dale?" Tanong ko sa kanya.








"Ewan ko sa kanila baka naghahanap 'yon ng mga babae." Pabiro niyang sagot kaya tumango lang ako.











Nandito na kami sa mall hindi ako komportable para bang may nakasunod sa amin, ipinag-kibit balikat ko nalang 'to.










"May problema ba?"






"Ha? Wala naman."







Dahil lunch time na pumasok kami sa mamahaling restaurant, umorder na kami at magsimula ng kumain. Sabi niya siya nalang daw ang magbayad.










Para kaming mag couple dito nakakahiya meron pa namang ilan ang tumitingin.










"Naiilang kaba sa akin?"









"Medyo, hindi kasi ako sanay eh." Nahihiyang sabi ko.








"Haha ano ka ba parehas lang tayo noh, wait pwede bang maghintay kalang muna dito saglit? Nai-ihi kasi ako hehe."






"Oh sige."




Nagmamadali siyang umalis, kinuha ko ang phone ko at maglalaro nalang muna ako.

-

ZIMMON~




Nakita ko si Breana na mag-isa at sakto namang wala ang dalawa kong kaibigan. Kaya pinuntahan ko siya sa bench.







Medyo kinakabahan parin ako sa tuwing lalapitan ko siya, nakakabakla nga eh.







Niyaya ko siyang mag mall at sinuswerte nga naman ng pumayag siya. Para sa akin date 'to.







Pagkarating namin sa mall parang hindi siya mapakali kaya tinanong ko sa kanya kung may problema ba pero wala naman daw. Hanggang sa pumasok kami sa isang restaurant at syempre hindi pwede sa akin na siya ang magbabayad kaya dapat ako ang magbayad sa kinain namin buti hindi siya pumalag pa.









Tangina nakaramdam ako na parang gusto kong mag CR kaya sinabi ko sa kanya na hihintayin lamang niya ako ng sandali at mabuti rin na okay lang sa kanya.










Hindi naman malayo ang CR dito kaya nagmamadali akong lumakad ayoko na paghihintayin siya ng matagal.

Papasok na sana ako ng may biglang bumunggo sa balikat ko.






Damn!






"Hoy gago ka ba?" Sigaw ko sa kanya pero nakita ko lang na inismiran ako.









Putang baliw sino kaya 'yon? Urgh! Maka-ihi na nga.








Nang tapos na ako pumunta na ako sa pwesto ni Louise pero hindi ko siya nakita. Asan kaya 'yon?







Damn.





Nakahinga ako ng maluwag pumasok lang pala siya sa may boutique mga babae nga naman.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now