Page 41

4.8K 133 1
                                    

BREANA~

DAMN! Ngayon lang ako nakahinga ng maluwag na nandito ako sa bahay, saan kaya siya kumuha ng lakas na loob para magpakita sa akin?!

Galit na galit ako urgh! Pero may parte sa utak ko na pakinggan ang kanyang eksplinasyon.

What should I do now?

Hayst, nagmamadali akong nagbihis at sumampa agad sa kama.

Kinabukasan alas otso ng umaga  akong umalis sa bahay para pumunta sa Rock Gal sabado pala ngayon, maraming customers kapag weekend.

Binati ako ng mga empleyado ko dito at tanging ngiti ko lang ang baling ko sa kanila, pumasok na ako sa aking office at umupo sa swivel chair.

Tinignan ko ang mga listahan para sa mga supply ng ingredients ng biglang tumunog ang phone ko.

Nakakunot ang noo ko dahil may isang unknown number ang nag text sa akin.

From: *******9462

Magkita tayo sa coffeshop ngayon malapit sa restaurant mo, hihintayin kita.
-Z.

What the!? Saan naman niya nakuha ang number ko?

Bahala ka sa buhay mo! Ibinalik ko ang aking ginagawa pero dahil sa konsenya ko na kanina pa bumubulong ng 'puntahan mo na' lintek talaga!

Padabog akong tumayo at kinuha ko muna ang aking pouch, inayos ko muna ang aking suot bago lumabas dito.

Nilapitan ko Aira ang aking manager dito.

"Ikaw na ang bahala dito may pupuntahan lang ako." Tapik ko sa kanyang balikat, ngumiti lang ito at tumango.

Nakarating na ako sa sinabi niyang coffeeshop at may lumapit sa akin na waiter at sumunod ako sa kanya kung saan naghihinatay ang gago sa akin.

"Thanks." Simpleng sabi ko sa waiter.

Umupo na ako at humarap sa oh-so-serious-asshole.

Ibang-iba na talaga ang kanyang hitsura ngayon.

"Staring is rude." He chuckled.

Shit! Nakatingin pala ako sa kanya, ohmy! Calm down sabi ko sa aking isipan. Pinatili kong blanko ang aking magandang mukha.

Napansin ko lang para na akong astig ngayon, haha!

"Tssk." Sabi ko nalang.

May hot chocolate na pala sa harapan ko mabuti naman at napag-isipan niya dalawa ang kanyang ino-rder.

"Thanks pala na pumunta ka dito." Sabi niya sabay simsim sa kape.

"Bilisan mo diyan kung ano man yang sasabihin mo, dahil busy akong tao." Pagmamataray ko.

Pero tinawanan lang niya ako, gago ba siya?

I rolled my eyes.

Huminga muna siya ng malalim saka nagsalita.

"Naalala mo ba nong nakita mo ako sa mall na may kasamang ibang babae? Siya si Nathalie anak ng kaibigan ni dad, para madali at maintindihan mo kung bakit nalang bigla akong nakipag break sayo kasi, may gusto siya sa akin na akala mo'y daig pa sa kanya ang obsessed na babae. Sinabihan ko siya ng may girlfriend ako pero wala siyang paki-alam at ang malupit nag imbistiga pa siya at nalaman niya tayo pa kaya pinagbantaan niya akong kung hindi kita hihiwalayan ipapatay ka raw niya. Nagalit ako sa kanya sinunod ko ang ginawa niya para lang sa kapakanan mo walang magawa si Dad dahil apo siya ng isang Mafia, ano bang laban ko don diba? Hanggang sa nakahinga na ako ng maluwag dahil ikakasal daw siya sa anak rin ng mafia at sa wakas malaya na ako sa kabaliwan non

"Hindi naging kami dahil ikaw lang talaga ang mahal ko nagsinungaling rin ako sa 'yo na hindi kita mahal parang sinaksak ang puso ko sa salitang yon, para akong isang kriminal na kinulong lang kahit wala akong sala, nasaktan ako ng sobra nong umalis ka pero ginawa ko ang lahat para makita kita, tatlong araw sa isang buwan ako laging nagmamasid sayo sa malayo, pinigilan ko lang ang sarili ko dahil sa tingin ko masaya ka naman na wala ako. Kaya ngayon naglakas-loob akong magpakita sa 'yo pero fuck nakakabakla kapag nandyan ka sa harap ko." Mataas na sabi niya, ang hindi ko inasahan parehas kami na may tumulong luha sa aming mga mata. Lakas ng tibok ng puso ko, nagbalik sa akin ang nangyari ilan taon na ang nakalipas.

"Sorry talaga Louise sa pagiging duwag ko sana mapatawad mo ako love hanggang ngayon ikaw parin ang babaeng mahal na mahal ko."

Wala akong masabi sa ngayon kaya pinahid ko ang luha sa aking pisngi gamit ang gamay ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko lalo't naintindihan ko na lahat...

"Mag salita ka naman oh." Nakatingin lang ako sa kanya.

"Yan lang ba ang sasabihin mo?" Sa wakas nakapagsalita rin ako.

"Bigyan kita ng panahon para makapag-isip, ang masasabi ko lang gusto ko akin ka lang ulit." Seryoso niyang sabi.

Tumayo na ako dahil hindi ko na kayang marinig pa ang sasabihin niya.

"Wait, sobrang ganda mo na ngayon na halos gusto kong suntukin ang mga lalaking titingin sa 'yo." Pahabol niyang sabi, shit!

Bago pa niya makita ang mukha ko na sa ngayon ay kulay pula na nagmamadali akong lumabas.

Huminga ako ng malalim sabay hawak ko sa aking dibdib.

Urgh, ewan ko nalang sayo Cruz!

Hindi ko namalayan na napangiti akong nakabalik sa restaurant.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now