Page 49

5.3K 118 0
                                    

ZIMMON~

Alam kong masama ang magsinungaling pero kasi ayoko ng pakawalan si Louise gusto ko akin lang siya habang buhay, nakakabading tuloy!

Bago ko sinimulan ang plano ko nakipag-usap muna ako sa kay Daddy na gusto ko ng pakasalan si Louise pumayag naman ito tapos saka ako nakipagkita sa parents ni Louise na hindi niya alam. Kinausap ko sila at ng hingi ng blessings, masaya ako dahil walang problema sa pagpapakasal ko kay Louise.

Ilang araw non sinabihan ko si Louise na may business trip ako sa ibang bansa kahit na hindi totoo buti nalang napaniwala agad siya.

Araw-araw tiniis kong hindi sya replyan sa mga message niya sa akin dahil part sa plan ko talaga ang hindi magparamdam sa kanya, alam ng lahat parents ni Louise kaibigan niya at pati na rin sa mga kaibigan ko. Tinulungan pa nga nila ako kahit may kanya-kanya silang ginagawa sa buhay nila.

Ang tanging ginawa ko nalamang ay nagmamasid sa kanya, sa hindi ko inaasahan bigla nalang may nag snatch sa cellphone ko. Hahabulin ko sana 'yong magnanakaw kaso tinutukan ako ng baril at babae pa sya, sumuko nalang ako nong time na 'yon pambihira! Kaya sinabi ko sa kila Dale na ini-snatch ang cellphone ko.

Busy ako sa mga plinano ko dahil alam nyo na mas excited pa ako kahit na walang ka alam-alam si Louise, damn! I missed her. I want to kiss her, konting tiis nalang sabi ko sa sarili ko.

At ang mas nagpapasaya sa akin ay nong nalaman kong buntis siya fuck! Para akong nasa cloud nine nang mga oras na 'yon. Sinundan ko kasi sila ni Carl at medyo kinabahan ako na sa hospital ang tungo nila, ng marinig ko ang sinabi ng doctor na buntis siya gusto ko agad lapitan sya kaso baka mapalpak ang plano ko.

Kaya ilang buwan akong hindi nagpakita sa kanya parang pinapatay ako sa sobrang pagka miss sa kanya. At nong sinabi sa akin ni Dale na nagkita sila ni Louise sa mall at nong inaya ko na mag inuman kaming tatlo ni Dale at Raver napag desisyonan ko na makipagkita sa kanya at sinabwat ko ang mga tauhan niya sa Rock Gal at parents niya at pati na rin sa pamilya ko.

May isang babae akong inutusan na pumunta sa restaurant ni Louise para sabihin  na gagamitin ang kanyang restaurant para sa isang okasyon at siya na ang bahalang mag kumbinsido don.

Bigla nalang nag ring ang bago kong phone, si Lila pala yong inutusan ko ang tumawag.

"Hello." Sabi ko sa kabilang linya.

"Sir, pumayag po siya at mamaya daw ay mag de-decorate sila sa restaurant." Ani Lila.

"Okay, that's good. Thanks, kunin mo bukas ang bayad ko sa 'yo."

"Okay Sir," pagkatapos non binaba ko na ang cellphone at nilagay sa bulsa ko.

Hindi na ako makapag-hintay kaya tinawagan ko si Louise at sabihin sa kanya na ninakaw ang phone ko. Baka kasi pag mag proposed ako sa kanya baka ayawan ako mahirap na mapahiya.

Damn.

-

BREANA~

Nandito na ako sa office ko at may ginagawa ng biglang may kumatok sa pinto, binuksan ko 'to.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo." Bungad na sabi ni Aira sa akin, lumabas na ako ng office at sumama sa kanya.

"Ayon po siya Ma'am." Turo niya sa babaeng maikli ang buhok. Ng nakita niya kami lumapit ito sa akin dahil nagpaalam munang umalis si Aira.

"Hm, ikaw po ba si Ms.Mendoza ang may-ari dito?" Magalang nyang sabi.

"Yes, ako nga. Anong sa atin?"

"Kung okay lang ba na dito ang venue sa restaurant niyo ang ganda kasi, bukas mag po-propose ang kaibigan ko eh, kaya napili namin na dito gagawin kung okay lang po." Nakangiti niyang saad.

"Really? Oh sya sige walang problema, magpapa decorate ako mamaya din." Sabi ko, masaya naman siya dahil pumayag ako.

"Salama po talaga, magkano po ang bayad?"

"Naku wag na, pero sa pagkain hindi libre ha," Natatawa kong sabi.

"Oo naman, sige po bukas aasahan namin yan ha. Sige alis na ako at pupuntahan ko ang ang aking pinsan, tama nga sya ang bait niyo." Umalis na siya at hindi ko masyadong narinig ang huli nyang sinabi.

Pagkarating ko sa office bigla nalang nag ring ang phone ko, may tumawag kumunot ang noo ko dahil unknown number ito.

"Hello, sino 'to?" Medyo tahimik sa kabilang linya, narinig ko na bumuntong hininga 'to.

"I miss you My love." Para akong bomba na isang kalabit nalang sasabog na 'to, shit! What? Did he say My Love?

"Z-Zimmon?" Kinakabahan kong sabi.

"Yes, ako nga." He chuckled.

Bigla nalang nag-init ang ulo ko ngayon lang sya tumawag matapos kong makarinig ng ungol. Urg, humanda ka sa akin!

"Wow, ha! May gana kapang tumawag sa akin. Ano masaya kaba sa babaeng kinama mo?" Singhal ko, pero tumawa lang ang walang hiya.

"Chillax My love, let me explain okay? Ang cellphone ko ay ninakaw sa babaeng mukhang adik tapos kukunin ko sana kaso tinutukan ako ng baril. Sorry kung ngayon lang ako tumawag, miss na kita ng sobra." Bigla nalang nawala ang galit ko dahil sa totoo lang nabuhayan ako ng loob na tumawag sya sa akin.

"I miss you too." Humagulhol kong sabi napaiyak nalang ako, ganito siguro ang buntis no?

"Ssshh.... I'm so sorry, don't worry uuwi na rin ako, okay? Take care I love you."

"I love you too." Tapos wala na binaba na niya ang tawag, nakahinga ako ng maluwag pero dang, isu-surprise ko nalang siya pagdating niya dito na maging Daddy na siya.

Hindi na ako makapaghintay pa, ugh Zimmon Drake humanda ka sa akin bugbugin kita.

Lumabas ako ng office at nilapitan si Aira, sinabi ko sa kanya na dapat mag decorate dito sa loob ng Rock Gal mamaya kasama ang mga trabahante dito tumango lamang siya.

Ilang oras natapos din silang mag decorate sinabihan ko rin sila Jullia na kailangan tumugtog sila bukas para romantic ang mangyayari.

Nagsiuwian na sila at ganon din ako, naka-uwi ako sa bahay ng alas 9 na ng gabi, dumiritso ako sa kwarto at nagbihis at pagkatapos humiga ako sa kama at natulog.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now