Page 15

6.7K 168 6
                                    

LEMUEL~



Hindi ako papayag na may ibang kasamang lalaki si Yana kaya ngayon ay nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang may kasamang iba. Sinundan ko dito sila sa mall alam kong nabalisa siya base sa kanyang mukha.











Papunta sana ako ng CR ng makita ko 'yong lalaking kasama niya kaya ang ginawa ko ay binunggo ko ang kanyang balikat.









"Hoy gago kaba?" Sigaw niya sa akin nilingon ko siya at inismiran.







Alam kung may gusto siya sa aking Yana  ramdam ko 'yon bilang lalaki.








Gago na kung gago basta gagawin ko talaga ang lahat wag lang siyang mapunta sa iba akin ay akin.








Flashback

Masaya talaga akong nakikita siya tuwing papasok ng school kompleto na ang araw ko kapag nakikita ko ang maganda niyang ngiti.










Hanggang sa magkilala kami at naglakas loob akong sabihin sa kanya na gusto ko siya at parehas lang kaming dalawa ng naramdaman. Hindi nagtagal naging kami, parang ako na ang pinaka swerteng lalaki sa mundo. Pinakilala ko siya sa aking pamilya ganon din ang ginawa niya na ipakilala rin ako sa family niya. Buti nalang boto sila sa amin basta hindi lang pabayaan ang aming pag-aaral at dapat may limitasyon.









Tumagal ang aming relasyon, dumating ang araw ng biglang nag bago ang lahat alam kong nasasaktan na siya dahil iba na ang pakikitungo ko sa kanya. Wala naman akong iba siya lang talaga ang gusto ko. Mahal na mahal ko eh.







"Anak, tumawag sa akin ang tita mo sabi niya don ka daw sa amerika mag-aaral ng kolehiyo." Dahil sa sinabi ni mama don ko napagtanto na nalilito ako hindi ko kayang lumayo sa kanya, hindi naman kami mahirap sakto lang ang buhay namin.









"Bata pa kayo anak hindi mo pa alam kung ano talaga ang pag-ibig kung kayo ang para sa isa't-isa ang tadhana na ang bahala sa inyo."









Patawarin mo sana ako Yana sabi ko sa aking sarili.









Umalis ako sa amin ng walang sinasabi sa kanya pinutol ko ang lahat ng kumunikasyon.







Sana tama ang naging disesyon ko.






Ilang taon akong malungkot sobra na talaga ang pagka miss ko sa kanya pero pinigilan ko ang aking sarili.









Nakatapos ako ng kolehiyo pero may kulang talaga kaya nagpasyahan kong umuwi sa Pilipinas at don ako dumiretso sa condo na kaibigan ko.








Sinabi niya sa akin ang lahat ang tungkol sa kay Yana.





Kaya heto ako ngayon palaging nakasunod sa kanya. Takte pag-ibig nga naman.

-

BREANA~

Patay low battery na pala ang phone ko aish, tumayo ako at pumasok sa malapit ng botique ang daming magagandang damit tinitignan ko lang wala akong planong bumili ngayon hindi dahil sa naghihirap ako kundi alam kong babaha lang ng damit ang aking closet.









Hala, naku naman nakalimutan ko si Zimmon tumalikod na sana ako ng makita ko siyang pumasok dito.








"Sorry talaga Z," Paumanhin ko sa kanya.







"Okay lang buti at nahanap kita dito, wala ka bang bibilhin?"









"Wala na."









"Gusto mo bang umuwi na?" Nag-alalang tanong niya. Hays ina-antok pa naman ako parang gusto ko ng umuwi.









"Kung okay lang sa'yo?" Sabi ko.










"Oo naman tara na." Nagsisimula na kaming maglakad, oo nga pala hindi ko dala ang sasakyan ko nagpahatid lang ako sa kay manong kanina. Kaya ngayon inihatid ako ni Z sa bahay.









"Salamat Z, ingat sa pag-uwi."











"No probs, Z talaga ha? Sounds good. Hehe okay bye Louise." Tinignan ko muna ang pag-alis niya hanggang sa tuluyang mawala na siya sa paningin ko.












Nakakapagod talaga ngayong araw.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now