Page 20

5.9K 143 3
                                    

BREANA~

Ang daming nangyari ngayong araw, nandito na ako sa bahay as usual wala parin sila Mommy.

Aakyat na sana ako sa kwarto ng bigla akong tinawag ni Manang.

"Bakit po?" Magalang kong tanong sa kanya.

"Iha, may nag door bell kasi sa labas sabi ng guard lalaki daw at mag-isa lang daw ito." Sagot niya.

"Ah, ganon po ba? Sige lalabas muna ako." Tipid kong sabi sabay ngiti.

Pagkabukas ko sa gate ay tumumbad sa akin si Lemuel na may dalang bouquet na flowers.

Ang gwapo niya sa totoo lang lalo na sa kanyang suot bagay na bagay.

"Good evening Ms.Beautiful, for you." Sabay bigay niya sa akin ng bulaklak. Tinanggap ko agad ito at inamoy.

"Thank you, napadaan ka yata rito?" Taas kilay kong tanong.

He chuckled.

"Bawal ba ang bumisita rito?"

I rolled my eyes.

"Hali ka dito pasok ka muna kakahiya naman sayo kung sa labas ka lang." Sarcastic kong sabi.

Sa may garden kami ngayon ni Lemuel.

"Nag dinner kana ba?" Tanong ko.

"E-eh yun na nga gusto ko kasing mag dinner tayo sa labas okay lang ba?" Nahihiyang sabi niya sabay kamot sa kanyang ulo. May kuto ba siya?

"Alright sige wait lang mag bihis muna ako. Sa sala kalang muna maghintay.. Manang paki bigyan ng juice ang bisita." Pumunta na ako sa kwarto at binilisan ko ang pag ligo nakakahiya naman sa naghintay.

Dito ako dinala ni Lemuel sa mamahaling restaurant. Kanina sa sasakyan pa niya ako tinitignan, ano kayang problema baka may dumi ako sa mukha?

"Hey, ano yang titig na yan huh!? Kanina ko pa napapansin may dumi ba ako sa mukha?"

"You're so beautiful." Diretso niyang sabi, urgh! Pula na yata ang pisngi ko.

"Mas na ngayon dahil sa pag blushed ng pisngi mo." Dagdag pa niya.

"Ewan ko sa'yo." Pagmamataray ko.

Nagsimula na kaming kumain, mabuti at hindi masyadong awkward dito.

"Sorry talaga Yana sa nagawa ko." Nakita ko sa kanyang mga mata ang sincere na pagka sabi niya.

"It's okay, past is past." I smiled.

"So, may boyfriend kana ba?" Diretso niyang tanong.

"Wala naman."

"Tell me may chance paba ako sayo?" Bumilis ang tibok ng puso ko ano ba 'to? Hindi ako agad makasalita ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'to at tinignan ko si Lemuel.

"Sagutin mo muna baka importante." Hindi na ako tumayo sa upuan ko.

"Hello." Sagot ko sa kabilang linya.

"...... Ang s-sakit" sasagot pa sana ako ng bigla nalang 'tong nawala. Tinignan ko ang aking cellphone at si Zimmon naman pala ang tumawag. Ano ang sabi niya hindi ko kasi maintindihan. Tsk.

"Hey, you okay?" Nabalik ako sa huwisyo ng magsalita si Lemuel.

"Yeah, I'm fine sorry." Nahihiyang saad ko.

"Nah, it's okay so sino 'yon?"

"A-ah a-ano friend ko." Nauutal kong sagot, mygaaad bakit ako nauutal?

"Ah I see, so uulitin ko Yana may chance paba ako sayo?" Nagtatalo ang isip at puso ko para bang nalilito ako sa ngayon paano ba 'to.

"Pag-isipan ko muna Lemuel."

"Okay I understand, basta I still love you okay?" I nod.

Pagkatapos naming kumain hinatid niya ako papunta sa bahay. Hindi kami masyadong nag-uusap dito sa sasakyan dahil parang wala ako sa sarili nong tumawag kanina si Z.

Pinag buksan niya ako ng pinto at bumaba na ako.

"Thank you sa dinner at flowers na rin Lemuel, paano ba yan ingat sa pag-uwi." Nabigla ako ng hinalikan niya ang aking pisngi.

"You're always welcome beautiful. Bye, Good night." Natulala lang ako ng umalis na siya sa harapan ko.

Pumasok na ulit ako sa bahay at diretsong pumunta sa kwarto. Nag bihis natapos na ako sa pagbihis sumampa na ako sa kama at hindi ko namalayan nakatulog na ako.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now