Page 24

5.3K 149 6
                                    

BREANA~

Seryoso talaga si Z sa kanyang pangliligaw kuno pero sa totoo lang kinikilig ako.

Gosh, oo na a-amin ako na gusto ko rin si Z. Hindi maiwasan ng ibang studyanteng ang mapatingin sa amin lalo't may dala akong bulaklak.

Alam mo na mga tao ngayon may kanya-kanyang opinion bawat isa kung ano ang nakita nila 'yon agad ang paniniwalaan.

Hindi na ako magtataka kung isang araw may mang-aaway sa akin, duh!? Ang anak ng may-ari ng school na pinapasukan ko ay nangliligaw lang naman.

Mabilis ang oras kaya oras na ng uwian sinabi ko ang lahat kay bakla. Mas na una pa kasi akong naka-abot sa school late lang siya ng ilang minuto.

Alas 4 palang ng hapon, kinuha ko na ang bag ko at isinukbit ko sa aking balikat.

Lalabas na sana kami ni bakla ng tumumbad sa amin si Z. Kaya pala may ibang babaeng kinikilig.

"Hi fafa." As usual sino pa nga ba ang ganyan? Haha.

"Hello, uuwi na kayo?" Tanong niya sa amin pero sa akin lang siya nakatingin.

"Ewan ko dito sa isa sabi niya mag mall daw muna kami." Saad ko.

"Ay oo fafa gusto ko mag mall muna kami, sama ka?" Sabat ni baklita.

"Why not? Wala naman akong gagawin ngayon."

"Saan nga pala sila Dale fafa?"

"Ewan ko sa kanila baka naghahanap ng bagong ulam haha."

"Hahaha kaloka ka talaga fafa." May pahampas-hampas pa talaga si baklita, tsk.

Nag kanya-kanya kaming sakay sa aming sasakyan, magkatabi lang din ang aming mga sasakyan dito sa parking lot. Bumaba na ako sa car at ganon din ang dalawa.

Pumasok na kami ng mall nagpasyahan naming kumain muna sa fast food chain.

Nong una nag presinta si Z na siya nalang daw ang mag bayad pero tinanggihan agad namin. Nakakahiya naman sa kanya.

Nagsisimula na kaming kumain ng biglang nabilaukan si bebs. Magkatabi kasi kami ni Z sa upuan tapos kaharap namin si bebs.

"OMG!" Yan lang ang kanyang sinabi ng biglang may dumating na lalaki dito sa aming pwesto.

"L-Lemuel?" Sabi ko.

"Oh Hi Yana, wala na kasing space eh. Kung okay lang sa inyo pwede bang dito lang muna ako?" What? Nakaramdam agad ako ng awkward kasi tahimik lang ang katabi ko.

Tinigna ko muna ang paligid at tama siya puno na nga ito. Tumango nalang ako sa kanya, at dahil magkilala na sila ni bebs magkatabi sila ngayon.

"So boyfriend mo?" Nakakunot-noo na tanong ni Lemuel. Sasagot sana ako ng inuna na agad ni Z.

"SOON." Diing sabi ni Z, what? Siniko ko agad siya pero nginitian lang niya ako.

"Talaga lang huh!?" Tonong sarcastic ni Lemuel.

Kakayanin ko pa ba itong sitwasyon namin ngayon? Para akong nasa isang relasyon na nangaliwa yan ang feeling ko ngayon.

Nababaliw na yata ako.

What now?

Sinipa ko si bebs sa ilalim binigyan ko siya ng ikaw-na-bahala-look .

Sana ma gets niya agad.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now