Page 30

4.8K 151 2
                                    

BREANA~

Walang pasok ngayong araw nandito muna ako sa bahay tinamad akong lumabas ngayon.

"Hey, punta tayo ng mall baby." Aya ni mommy sa akin nandito na sila ni daddy sa bahay.

"Wala akong ganang lumabas Mom, sorry." Paglalambing ko.

"Aw, bakit naman?" Nakayakap kasi ako sa kanya ngayon.

"Wala lang next time nalang Mom ha,"

"Okay, wait lang bakit manong?" Tanong ni Mommy sa guard na mukhang may sasabihin.

"May naghahanap sa kay ma'am Breana ho, Madame."

"Really? Sino daw? Papasukin mo." Tumango lang ito at ako naman nakakunot ang noo ko..

Nasa salas kami ngayon ni mom at si dad nandon sa kanyang library.

Susubo sana ako ng cookies pero hindi ko natuloy dahil bigla nalang lumakas ang boses ni Mommy.

"Oh! Who are you?" Mom asked to Z.

Oo si Zimmon nandito sa bahay na may dalang bulaklak at chocolates, waaah! Kuminang ang mata ko dahil dala niya ang paborito ko.

Hindi ko na pinansin sila dahil naka focus ang mata ko sa chocolates na dala ni Z.

"Hello, Good morning Ma'am." Magalang na pagbati ni Z.

"Hello rin, wow sino ka?"

"Ahh- I'm Zimmon Drake Cruz.."

"Cruz? Hmm familiar... Okay so napadalaw ka ata iho, upo ka." Tina-asan ako ng kilay ni Mommy.

Naku po, wala palang alam ang parents ko dito.

"So? Boyfriend kaba ng anak ko?"

"Hindi pa po manliligaw palang."

Pahamak talaga si Z, may pangiti-ngiti pa siya naks.

"Sinong manliligaw?" Napatingin kami kay dad na pababa ng hagdan, hala ang seryoso ng mukha niya huhu.

"Hon, tignan mo itong gwapo dito manliligaw daw ng anak natin." Sabi ni Mommy kay Dad.

"Good morning S-sir." Kinakabahang bati ni Z, tumango lang kanya si Dad.

"Halika muna anak." Seryosong tawag ni dad sa akin, tinignan ko lang si Z at sinenyasan na wait lang.

"Ano po 'yon dad?" Curious kong tanong.

"May gusto ka ba don?"

Nakakahiya pero kailangan kong sabihin ang totoo.

"O-po dad." Nahihiya kong sabi.

"Alam kong wala na kaming time ng mommy mo anak pero pinapasundan kita lagi at sabi sa akin nililigawan ka raw ng ex mo, totoo ba?"

"Uh--yes dad."

"Dalaga kana talaga anak, pero seryoso sinong mas matimbang sa puso mo?"

"Hindi ko po alam dad." Nakayuko na ako.

"Halika nga dito." Lumapit ako sa kanya at niyakap niya ako. "Sundin mo lang ang nandyan sa puso mo, okay?" Tinapik niya lang ang aking ulo.

Bumalik na ulit kami sa salas ngayon naman si Z ang kinausap ni dad. Kinakabahan tuloy ako, nag kwentuhan lang kami ni Mommy hanggang sa dumating na sila dad sa pwesto namin kanina.

"Mabait naman itong si Zimmon anak." Bigla nalang sabi ni dad, at alam niyo ba ang mukha ni Z?

Ayon nag pogi points para bang proud na proud sya s kanyang sarili. Inirapan ko nalang.

Matapos ang kaganapan dito sa bahay umalis na si Z at ako naman kinain ko 'yong dala niyang chocolates.

Mabuti naman at magaan ang loob nila mommy sa kay Z.

Dito na rin siya nag lunch, haist ngayon ay hapon na. Madaling umalis si Z dahil tinawagan sya ni Dale ata.

Gabi na rin at tapos na kaming kumain kaya ako dinalaw na ng antok.

Makatulog na nga...

-

Hi sa'yo! Haha hindi muna ako mag u-update 😂😂
Salamat sa mga alam na haha! Dejk.

Ongoing pa kasi ito, sige bye :)

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now