Page 6

8.8K 241 1
                                    

(Third Person)

Matapos ang eksenang nangyari sa parking lot naiinis parin si Breana dahil parati nalang yung lalaki ang makasalamuha niya ng di sinasadya.








Inalis na rin niya sa kanyang isipan at hindi na rin niya i-kinuwento kay Carleen dahil hindi naman importante.










Makalipas ang ilang araw naka-uwi na rin ang kanyang parents sa kanilang bahay.








At si Carleen hindi niya rin nakalimutan ang petsang 16 na sabi ni Breana i-kukwento niya ang kanyang buhay kung bakit naging yelo siya bigla.








"Bebs, ito na talaga ang araw na sinabi mo sa akin." Excited na sambit ni Carleen sa kaibigan.







"Wag kang mag-alala hindi ko nakalimutan yon at tumutupad ako sa usapan."








"In fairness hindi ka na tipid sumagot hahaha." Natawa rin si Breana.









Tapos na ang kanilang klase at napag-isipan nila na pumunta ng rooftop at don niya isasabi kay Carleen ang lahat.











Habang naglalakad sila hindi nila namalayan na may sumusunod sa kanila.










Nang makarating sila sa rooftop don na mistulang nag iba si Breana. Nagulat nalang bigla si Carleen dahil bigla nalang may lumabas na luha sa mata ni Breana.










"Naku bebs, bakit ka umiyak?" Nag alalang tanong ni Carleen.











Laking buntong hininga ang binitawan ni Breana at nagpasyahan niya na simulan na ang pagkwento.










"Alam mo bebs, hindi naman talaga ako ganito eh, ako yong babaeng sweet, masayahin at mapagmahal. 2nd yr high school ako non may nakilala akong isang lalaki at nagkilala kami pareho lang ang school na pinapasukan namin 4th yr siya noon. Habang tumatagal nakilala namin ang isa-isa't at hindi ko namalayan mahal ko na siya. Sabi niya sa akin matagal na raw niya akong gusto noon pa man. At sa petsang ito naging kami, masaya kami bilang couple umabot kami ng one year. Isang araw bigla nalang siyang nagbago ng pakikitungo sa akin hindi ko 'yon pinansin. Hanggang sa monthsary namin dahil open ang relationship naming dalawa pumunta ako sa bahay nila at alam mo ba sinabihan ako ng isa sa kasambahay nila na pumunta na pala siya ng ibang bansa at iniwan ako ng hindi ko alam ang dahilan." Umiyak lang ng umiyak si Breana at nakikinig lang si Carleen sabay hagod sa likod ng kanyang kaibigan.













Nagpatuloy parin si Breana kahit matagal na rin niyang ikinikimkim sa kanyang puso ang sakit at pait ng kanyang naranasan.
















"Hindi ko na siya makontak at ako iyak lang ng iyak wala akong pinagsabihan kung anong nangyari......Lumipas ang ilang araw, buwan at taon naging iba na ang ugali ko hanggang sa naging cold na nga ako. Wala akong paki-alam sa lahat maliban lang sa parents ko at unti-unting nakalimutan ko siya maraming nanligaw pero walang isa sa kanila ang sinagot ko."












"Huhuhu naku bebs hindi ko keri yang pinagdaanan mo. Ganyan talaga ang buhay minsan masaya madalas masakit, gago yong lalaking ng iwan sayo. Pwede bang ngumiti kana palagi bebs sayang maganda ka panaman."














"Wag kang mag-alala bebs unting-unti ko rin ipapakita sayo yong dating ako."








Nagkakayakapan lang ang dalawang magkaibigan at nagpasyahan ng umuwi.






**

DALE~







Nasaan naba si Zimmon palagi nalang nawawala takte!








Nandito kaming dalawa ni Raver sa tambayan namin.








"Hoooy dre, asan na naman si Zimmon?" Tanong ko sa kasama ko.








"Hindi ko alam pero may duda ako." Kumunot bigla ang noo ko.







"At ano naman yan?"








"Kahapon nakita ko siyang may sinusundan yong bakla at yong magandang babae lang pala, baka ganon din siguro ang ginawa niya ngayon bro. Naku baka tinamaan na yata ang kaibigan natin hahaha."











"Problema yan dre dapat malaman natin ang pangalan ng babaeng yon hahaha."









Napangisi nalang bigla itong ugok ano kaya ang pwedeng gawin? Hmmm...










"Kailangan natin obserbahan ang kaibigan natin bro." Tumango lang ako at nakipag apir naman itong si Raver. Tangna talaga.












Naloko na talaga mabuti pa kaming dalawa lapitan ng mga chikababes hahaha.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now