Page 40

4.8K 132 1
                                    

BREANA~

Two months na ang nakalipas at sa wakas nandito na rin ako sa aking sariling restaurant pinamadali ni Daddy ang pag-aayos nito kaya hindi nagtagal natapos na rin. Hindi malayo ang restaurant mga 45 minutes dito patungong bahay lang yan ang distansya.

Rock Gal napangiti nalang ako sa isip ko dahil sa pangalan ng aking restaurant, actually maluwag ito may stage sa gitna dahil kasama sa aking plano ang may banda, para rin itong bar meron kaming liquor din dito oh diba bongga!

Hindi naman sa nagmamayabang pero malakas ang restaurant ko maraming customers ang pumunta rito dahil sa masarap na pagkain masarap din daw ang ambiance dito.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas, at medyo nagkagulo pa ." Sabi ni Emily na isa sa waitress dito.

"Sino daw?" Tanong ko, nandito ako sa aking maliit na office.

"Hindi ko kilala Ma'am, sunod nalang kayo." Tumayo na ako at sumunod kay Emily.

Napangiti ako ng makita si Carl at Amor dito na magkasama, kinawayan ko silang dalawa.

"Hello guys." Nakipag-beso ako sa kanila.

"Sorry talaga Bren ngayon lang kami nakapunta rito, ang ganda pala." Wika ni Amor.

"Tumpak! Napakaganda nga dito bebs, ikaw na talaga." Sabi naman ni bakla.

Tinawag ko si Emily at lumapit rin siya ka agad.

"Sabihin mo sa kay Chef Macky na magluto siya ng pinaka masarap na foods, okay?"

"Yes ma'am." Magalang nitong sabi.

"Oy bebs, gwapo ba 'yang Chef Macky--- aray naman ang sakit." Siniko kasi siya ni Amor napatawa nalang ako.

"Tignan natin mamaya bebs don sa kitchen area pagkatapos niyong kumain, don't worry libre kayo--- ngayon lang."

"Haha! Yun oh!"

"Wooow! Ang sarap ng foods bebs." Ani Carl.

"Oo nga Bren." Pagsang-ayon naman ni Amor.

"Tara tayo na kayo dyan puntahan natin ang Chef dito, actually dalawa sila minsan tumutulong ako sa pagluluto."

Pumasok na kami sa kitchen area at busy ang mga tauhan ko rito.

"Bebs and Amor, ito si Macky at si Florence."

"Hi." Sabay sabi sa dalawang chef.

"Bakit ang gwapo nila bebs?" Bulong ni bak-- Carl sa akin natawa nalang ako dahil sa mukha ni Amor na nagkasalubong pa talaga ang dalawa niyang kilay.

"Ewan ko bebs."

Lumabas na kami don at hindi nagtagal umalis rin ang dalawa dahil meron daw silang pupuntahan.

-

Alas 10 na ng gabi nagsiuwian na ang mga tauhan ko dito sa restaurant, ako nalang ang mag-isa ang natira.

Lumabas na ako sa restaurant pero bago pa yon isinisigurado ko muna na maayos ang aking pagsarado.

Pumunta na ako sa parking lot at medyo madilim rito sa may parte ko kaya kumalabog ang puso ko ng may narinig akong yapak na paparating dito sa pwesto ko.

Isa lang ang nasa-isip ko 'baka holdaper to' dali-dali kong kinuha ang susi ko sa bag ng biglang malaglag ito at nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil pinulot sa taong hindi ko kilala dahil naka suot itong jacket na may hood.

Inilahad niya ang susi sa akin at nagdalawang isip ako na kunin pero sa huli kinuha ko rin ito.

"Kumusta?" Nang marinig ko syang nagsalita ay para bang isa syang multo dahil tumindig ang aking balahibo sa batok.

Nang ma realized ko ang kanyang tinig hindi ako pwedeng magkamali siya ito sa aking harapan, ibinaba niya ang hood at dito ko nakumpirma na ang lalaking ilang taon ko ng kinalimutan ay nandito sa harapan ko, kung noon ay gwapo siya ngayon ay naging matured na ang kanyang pangangatawan at gwapo pa rin.

Kinakabahan man ay pinilit kong maging matapang at pinakita na walang ekspresyon na kahit ano sa aking mukha.

Binuksan ko nalang ang kotse ko at papasok na sana ako ng hilain niya ang isa kong braso para matigil ako sa pagpasok, itinabig ko ito pero masyado siyang malakas dahilan na nakahawak pa rin siya.

Hindi ko napigilan ang pagsampal sa kanya, bakit? Sino ba siya para hawakan ako?

"Bitawan mo ako." Malamig kong saad.

"No." Matigas niyang sabi.

Nagpumiglas ako ngunit isinandal niya lang ako sa kotse at nakakulong ako sa dalawa niyang kamay, mygaad!

"Ano bang gusto mo?" Galit kong sabi.

"Please pakinggan mo muna ako." Halos pabulong niyang sabi, wala akong reaksyon sa kanya nananatiling ang mata ko ay nakatanaw sa gilid.

Dahil siguro sa pagod pinapabayaan ko muna siya hanggang sa nagsalita siya.

"Sorry dahil nasaktan kita lahat ng yon ay may rason kung bakit ko 'yon ginawa, gusto lang kitang ma-protektahan... Sasabihin ko rin sa 'yo ang lahat, sige na umuwi kana pasensya kung nagulat kita," iniwan na niya ako pero may binulong siya na hindi ko maayos marinig.

"Ingat love."

Damn you Cruz! Binuhay ko na ang makina ng sasakyan and then nagsimula na akong magmaneho pa uwi ng bahay.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now