Page 38

4.6K 123 2
                                    

BREANA~

Napapansin ko na ng biglang nagbago si Z, I don't know what happened to him. Para bang meron siyang itinatago sa akin hindi ko lang matukoy kung ano.

"Bebs, are you okay?" Pati si bebs napapansin niya rin na parang waka ako sa sking sarili.

"I don't know bebs." Napabuntong hininga nalang ako ng malalim sa kanya.

Ilang linggo na ang nakalipas simula ng pumunta kami ng mall. Kinakabahan tuloy ako ngayon, urgh!

Ngayon ang araw ng ika-7th monthsary namin nakakatawa dahil naki-uso lang din kami sa kaganapan bilang magkasintahan.

Sanay na akong may pa surpresa sa akin si Z kaya dapat maging masaya ako ngayong araw, pero hindi eh dahil ilang oras wala parin akong natanggap na mensahe galing sa kanya. I sighed again, damn this feeling tsk.

Dumating ang gabi wala akong nakitang Z, hanggang kinabukasanabigat ang pakiramdam ko. Tinignan ko ang aking cellphone ngunit maskig isang text lang galing sa kanya ay wala rin. Sinubukan ko siyang tawagin pero hindi ko siya ma-contact urgh! Gusto kong manuntok ng tao ngayon

Nagbihis muna ako at saka kinuha ulit ang cellphone tapos tinawagan ko si Chloe sa kanya nalang ako magtatanong nito. Nakailang ring palang bago niya ito sinagot.

"Hello Ate?" Sabi niya sa kabilang linya.

"Hello, nandyan ba si Zimmon?" Kinakabahang tanong ko rito.

"Uhhh-mmm... Ate wait lang ha baba ko lang muna bye."

Seriously? Ano ba talaga ang nangyari?

Sumama nalang ako kay bebs na pumuntang mall dahil may bibilhin raw siya. Habang naglalakad kaming dalawa may nakita akong pamilyar na pigura sa hindi kalayuan, babae at lalaki na magkasama.

Bigla akong kinakabahan sa aking nakita sana mali ako sana .

"Bebs, maganda ba ito?"

"Errr... Hoooy bebs." Napabalik ako sa reyalidad ng kinurot ako ni Bebs ang bastos nitong bakla.

"Huh!?" Sabi ko nalang.

"Ikaw bebs ha, napapansin ko na wala ka parati sa sarili mo. Tsk-tsk, sabi ko maganda ba ito?" Pinakita niya sa akin ang damit na kanyang tinukoy.

"Hmm.. Okay lang, teka ikaw ba ang susuot niyan?" Nakataas kilay kong tanong.

"Secret haahaha.. Joke lang ibibigay ko kay Amor" Nagkamabutihan na kaya itong dalawa?

"Ikaw bebs ha, baka bukas naging lalaki kana." Pang-aasar ko.

"Kalerkeeeyyy ka talaga bebs, No way! Sayang ang beauty aketch huh!" Pag-aarte niya.

"Tara na dahil ginugutom na ako." Pumunta kami sa cashier at binayaran niya ang kanyang binili.

"Mag dyowa ba sila?"

"Parang hindi tignan mo oh pakembot-kembot kung maglakad."

Lalabas na sana kami sa boutique ng may sinabi muna si bakla.

"Hoy kaloka talaga kayo, babae ako no!" Inirapan niya ang mga sales ladies .

Hinampas ko siya sa balikat nagpakamaldita naman itong baklita. Naglalakad lang kami para pumunta ng restaurant.

"Ohmygeee!" Napatakip bigla ng kanyang bibig si bebs.

"What?"

"Bebs, tara na baka atakihin ka dito." Hihilahin niya sana ang braso ko ngunit pumalag ako at tumingin sa gilid at bigla nalang nanlambot ang dalawa kong tuhod tapos parang dinudurog ang puso ko na makita siyang may kasamang ibang babae.

Nagtama ang paningin naming dalawa at umawang ang kanyang bibig pero iniwas lamang niya na makita ako/kami bago bumalik paharap sa babaeng kasama niya.

Wala na akong magawa kusa nalang hinila ko si bakla palabas ng mall, ang sakit ng naramdaman ko para bang bumalik sa akin lahat nong iniwan ako ni Lemuel ganon yong naramdaman ko ngayon.

"Ilabas mo lang yan bebs, puta talaga yong nakita natin." Hindi ko na pinansin ang tono ni bebs bigla nalang naging lalaki ang kanyang pananalita.

Pumasok ako sa kanyang sasakyan don ko inilabas ang luha kong napakamahal.

Ngayon naintindihan ko na, akala ko sa wattpad or libro lang ang ganitong eksena pati parin pala sa totoong buhay.

"Bar tayo bebs," sabi ko.

"Pero bebs bak----"

"Please." Bumuntong hininga nalang siya.

Shit lang talaga!

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now