Page 47

5.2K 116 4
                                    

BREANA~

Araw-araw ang sama ng pakiramdam ko para bang bigla nalang mawawala ang gana kapag may gagawin ako, gusto ko nalang humiga buong magdamag.

Tumakbo agad ako patungong CR kasi nasusuka na naman ako ugh! Ayan tuloy naputol na naman ang tulog ko kainis.

Ang mas nakakainis 'yong sumusuka ka tapos walang lalabas laway lang ang meron. Tinignan ko ang mukha sa salamin namumutla na naman ako.

Matapos kong magbihis dumiritso agad ako sa kusina para uminom ng tubig pagkatapos dumiritso agad ako papunta sa restaurant.

"Good morning ma'am." Bati nilang lahat sa akin tinanguan ko lang sila, dumiritso agad ako sa office ko at umupo sa swivel chair.

Naalala ko na naman ang last na nandito si Z, mag dadalawang buwan na simula ng pumunta sya sa ibang bansa dahil sa business daw.

At ang masaklap walang paramdam ang lalaking 'yon, kumukulo talaga ang dugo ko. Hindi man lang mag-abalang mag text sa akin, gaano ba sya ka busy don? Ugh! Pinilig ko ang aking ulo sumandal muna ako sa upuan.

Gusto kong kumain ng nilagang itlog ngayon tsk. Lumabas muna ako sa office at tinawag ko si Aira.

"Yes ma'am?"

"Paki sabi sa kay chef magluto ng nilagang itlog mga sampu tapos magdala ng asin ha, maghihintay ako don sa office." Tumango lamang 'to at pumasok na ulit ako sa office.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag type ng message kila bakla na miss ko tuloy sya.

Ako:

Punta ka dito sa Rock Gal bebs, samahan mo si Amor.

Sent!

Mabuti nalang nag reply ka agad na pupunta daw sila dito. Narinig ko na may kumatok sa pinto.

"Come in." I said.

"Ito na po ma'am." Sabi ni Emily at nilapag sa table ko ang aking pinaluto kanina, nagpapasalamat ako at umalis din sya pagkatapos.

Takam na takam ako sa itlog at sinimulan ko itong balatan, nilagyan ko ng kunting asin at isinubo ko ito.

Ilang minuto lang ay naubos ko agad at uminom rin ako ng tubig. Nabusog na ako sa nilagang itlog, weird lang kasi ngayon lang akong kumain ng marami nito. Nag toothbrush ako sandali baka magka bad breath ako nito ng dahil sa kinain kong nilagang itlog.

Maya-maya't dumating si bebs at mag-isa lang 'to. Nag beso-beso kaming dalawa.

"Ba't hindi mo kasama si Amor?" Tanong ko sa kanya, nandito kami sa office ko.

"Tinamad daw sya at gusto nyang mag bonding daw tayo." Sabi nya, nakaka miss talaga itong isa.

"Bebs, pwedeng mag pabakla-bakla ka muna ngayon?" Sabi ko, tumaas naman ang kilay niya.

"OMG! Bebs, anong nangyari sa feslak mo bakit yong kulay puti ng mata mo ay iba? Are you sick?" Bigla nalang nyang sabi sa pabaklang tono.

"Huh!? Sure ka? Wala namang iba sa akin a. Tapos wala naman akong sakit ano ka ba!" Sabi ko pero ang ginawa ng Carl na 'to ay nilapit nya ang kanyang mukha sa mukha ko tapos para bang may sinusuri.

"Lumayo ka nga Carl." Singhal ko sa kanya pero ang isa ay umiiling lang.

"Tsk-tsk! Bebs, parang may something talaga eh. Dinalaw kaba ngayon ng regla mo?" Huh? Baliw na ba 'to? Pero naisip ko simula ng may mangyari sa amin ni Z ay hindi na ako dinatnan ng regla. Don't tell me? Gaaad!

"Hm, wala pa bebs." Alinlangan kong sabi.

"Gooosh!! Sinasabi ko na ba eh, may symptoms ka bang naramdam like nagsusuka ganern?"

"Oo every morning tapos wala namang lumalabas pag nagsusuka ako." Kibit balikat kong sabi. Bigla nalang nag panic ang isang 'to.

"Ermengerd, punta tayo sa hospital ngayon din bebs! Tayo ka na dyan faster!!" Wala na akong nagawa dahil kusa nalang kaming lumabas sa Rock Gal tapos dumiritso sa malapit na hospital.

-

"Ms.Mendoza, base sa sinabi mo kanina na bigla kanalang nagsusuka well congrats, you're pregnant." Halos nanginginig akong nakipag shake hands sa Doctor dahil sa kanyang sinabi.

"Beeeeeeebbbssss!! Congrats!" Niyakap ako ni Carl, lumabas na kami ng hospital na lutang parin ako sa nangyari.

Nakarating agad kami sa Rock Gal at dumiritso sa office.

"Paano 'to bebs?" Nag-alala kong tanong sa kanya.

"Duh! Syempre alagaan mo ang sarili mo dahil dyan sa baby mo, pero sabi mo nga hindi nagparamdam si Zimmon sa 'yo. Well, subukan mong tawagan or mag message ka sa kanya yun lang and then tell your parents that you're preggy, okay? Sige na mag takeout ako ng foods ha, libre dapat haha! Oh sya punta muna akong kitchen at makipaglandian kay Macky, just kidding. Bye bebs dito ka lang ha, take care." Tanging tango lang ang ginawa ko.

Nang mag-isa lang ako sa office hinawakan ko ang aking tiyan, hindi parin ma-proseso sa utak ko na buntis ako.

I should be happy right?

Pero paano?

Nanginginig kong kinuha ang cellphone ko and then I dialed his  number . Himala dahil nag ring 'to tapos bigla nalang naputol, sinubukan ko ulit tawagan at parang anytime hihimatayin agad ako dahil ibang boses ang narinig ko.

"Hello? Who's this? You're disturbing us... Ahhhh... Shit..--" Nakita ko nalang sa sahig ang cellphone ko dahil ibinato ko 'to sa dingding.

Nakakadiri ang ungol ng babae, tama ba ang tinawagan ko? Bigla nalang nagbagsakan ang mga luha ko na dumaan sa pisngi.

Kaya ba hindi sya nagparamdam sa akin dahil may iba na sya?

Ano na naman 'tong problema? I sighed, pakla nalang akong natawa.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now