Page 26

5K 136 2
                                    

BREANA~

Muntik na akong ma disgrasya ng dahil sa katangahan ko, aish! Napakamot nalang ako sa aking ulo kahit wala naman akong kuto.

Ano na ba ang nangyari sa akin? Yung pader na binuo ko unti-unting nawawasak na. Ang tahimik ng buhay ko ngayon marami ng kagagahan urgh!

Yung nangyari kanina ewan ko nalang sa dalawang yon.

"Manang paki kuha nga ng pineapple juice yung maraming ice." Utos ko kay manang inuhuhaw kasi ako.

"Ito na iha." Inilapag ni manang sa lamesa. Isinandal ko ang aking likod sa sofa.

"Ma'am may naghahanap po sa inyo." Sabi ni manong.

"Sino daw?" Tanong ko nito sabay inom ng juice.

"Lalaki ho, yong nakapunta na dito."

"Sige papasukin mo." Tumango lang 'to.

Sino naman kaya? Kinuha ko ang remote control sa tabi ko t binuhay ang TV. Inilipat ko ang channel sa cartoon network at ang palabas ay Johnny Bravo napangisi nalang ako. Habang naka harap ako sa tv meron akong narinig na tumikhim kaya nilingon ko 'to at nagulat ako dahil si Lemuel pala ang nandito.

"Uh-hmmm Hi."

"Napadaan ka yata?" Suminyas ako sa kanya na umupo. Bale naka-upo siya sa kabilang sofa hindi naman malayo ang pagitan namin.

"Sorry pala kanina sa nangyari." Hingi niyang paumanhin.

"Okay lang pwede bang malaman ko ang side mo sa nangyari?" Tumango lang ito.

"Sana wag kang magalit sa akin, nong time na 'yon sinundan ko kayo. Tapos nong papunta ng CR yong kasama mo ang totoo niyan eh binangga ko talaga ang kanyang balikat. Sorry talaga,"

Bigla nalang kumulo ang dugo ko hindi ko malaman sa ano man dahilan.

"Bakit naman mo yon ginawa?" Mahinahong tanong ko kahit na nag-umpisa na akong magalit.

"Because I'm jealous, kapag kasi mag kasama kayo nasasaktan ako."

Damn.

"Kanina sinadya mo rin ba?" Mabilis siyang umiling.

"No, timing lang talaga na nakita ko yong bakla mong kaibigan at ayun nilapitan ko kayo."

"Okay."

"I'm sorry okay? Pero sagutin mo muna ang tanong ko totoo ba na nangliligaw siya sa'yo?" Kinakabahan ako sa tanong niya.

"Y-yes-----"

"Alright gets ko na, kung nililigawan ka niya pwes hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya. Liligawan rin kita." Seryoso niyang pagkasabi.

Nagkarerahan na ang puso ko.

"Sige na take a rest, una na ako." Umalis na siya at ako naiwan na tulala.

Lord bakit ba napasok ako sa ganitong sitwasyon?

Nasapo nalang ako sa aking noo.

Gosh, si Rapunzel naba ako?

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now