Page 43

4.9K 131 2
                                    

(Third Person)

May kumatok sa pintuan ng opisina ni Breana at ito ay si Aira nakalimang katok na ang dalaga ngunit hindi parin binubuksan ang pinto. May kailangan kasi itong sabihin dahil may naghahanap sa kanilang boss.

Kumatok siya ulit at sa wakas ay binuksan rin ng kanyang boss. Naka-idlip kasi si Breana at akala niya ay gunu-guni lang niya ang kumatok kaya iminulat niya ang kanyang mata at meron nanaman syang narinig na katok. Tumingin muna siya sa kanyang salamin na nakapatong sa kanyang table, saka niya binuksan ang pinto.

Tumambad sa kanya si Aira at ang dalaga ay nahihiyang tumingin sa kanyang boss.

"Ano 'yon Aira?" Bungad na tanong ni Breana, lumabas na ito sa kanyang opisina at malapit sa pinto ang pwesto ng dalawa.

Nahihiya man ay pilit parin ngumiti ni Aira.
"May naghahanap po Ma'am babae po 'to." Sabi sa isip ni Breana 'palagi nalang may naghahanap sa akin'

"Okay."




"Chloe?" Sabi ni Breana sa babaeng kaharap niya hindi na kasi namukhaan agad dahil sobrang dalaga na talaga kahit dalawang taon ang age gap nila.

"OhMygee! Ate is that you? Lalo kang gumanda." Masayang tugon ni Chloe, nagkayakapan ang dalawa.

Umupo muna sila sa pang customers na pwesto. Hindi mapigilan ng dalaga ang kanyang nakikita sa stage dahil panay ang tingin niya sa lalaking nakahawak ng gitara, naiilang tuloy siya kaya binaling nalang kay Breana ang kanyang atensyon.

"How are you naba ate?" Pagtatanong ng dalaga. Ngumiti naman ito sa kanya at sinagot.

"Ayos lang, ikaw kumusta kana brat?"

"Ate talaga, hindi na ako brat no! Pero okay lang si Me, I'm still maganda padin haha." Natawa na lang din ang dalaga.

Tinawag niya muna ang isang waiter at maghanda ng pagkain para kay Chloe at sa kanya naman ay chocolate shake dahil busog pa 'to. Sinabihan rin niya si Chloe na libre nalang masaya naman ang dalaga.

"So how's the food?" Tanong ni Breana.

"Sobrang sarap ate!" Masiglang sabi ni Chloe, napangiti nalang si Breana.

"Nga pala ate sinabi naba sa 'yo lahat ni kuya?" Seryosong sabi ni Chloe.

"Oo." Tipid na sagot ni Breana.

"Sorry talaga ate wala kasi kaming magagawa eh, that bitch kasi sobrang feelingira hindi naman maganda! Mabuti nalang talaga at naipakasal sa anak ng mafia akala niya gusto siya ni kuya, like duh!? Ikaw lang kaya ang nag-iisang love ni kuya, alam mo ba ate palaging umiiyak si kuya minsan kasi naririnig ko siya sa kanyang kwarto na palaging binabanggit ang name mo. Hindi na ako magtataka ate if one day magpapakamatay yon dahil sa 'yo hahaha just kidding." Mahabang sabi ni Chloe, hindi alam ni Breana kung ano ang maramdaman niya dahil bigla nalang tumibok na malakas ang puso niya.

"Kaya ate, nakikita ko dyan sa maganda mong face na gusto mo padin si kuya kaya if I were you sundin ko ang nagpapasaya sa akin." Dagdag pa niya, akala mo kung makapagsalita si Chloe ay parang mas matanda pa siya kay Breana.

"Ikaw talaga, sige na ubusin mo na 'yan kanina kapa tinitignan ni Junel oh." Ang tinutukoy niya ay ang isang membro ng banda.

Hindi nagtagal dahil malapit na ang gabi umuwi na si Chloe at marami rin silang pinagkwentuhan.

-

BREANA~

MASAYA ako dahil nakapunta rito si Chloe kahit kailan hindi na talaga magbabago ang brat na 'yon.

Hawak ko ngayon ang cellphone ko dahil nag i-instagram ako ngayon, ng lumabas sa screen ang pangalan ni Carl ba't kaya to tumawag?

"Oh? Bakit?"

"Bebs mag leave ka muna ng tatlong araw punta tayo sa batangas mag beach tayo, wag ka ng papalag dyan sige na bye. Bukas makalawa tayo aalis."

Pambihira talaga 'yong bruho.

Gusto ko rin kasi ang mag relax sasabihin ko muna kay Mommy na siya muna ang bahala dito total wala rin naman yong ginawa sa bahay.

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now