Page 34

4.7K 117 5
                                    

BREANA~

Totoo na ba talaga na kami na? Hala malandi na ba ako? Anong sa tingin mo?

Pagkatapos ang nangyari sa rooftop dumiritso kami sa kanilang HQ nadatnan namin sila na may sariling mga mundo si bebs at Dale naghaharotan at si Chloe at Raver nag babangayan napailing lamang ako.

"Hey!" Tawag sa kanila ni Z.

"Hello fafa, hala bakit kayo nagka holding hands ni bebs?"

"Guys listen, Me and Louise---"

"OMG! Kayo na?" Wala na hindi pa natapos magsalita ay sumingit bigla si Bebs. Tumango lang kami habang nakangiti.

"Kuya!!!! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may nililigawan ka, huhuhu... Omg! Hello Ate." Niyakap pa talaga ako nitong hmm brat?

"Yo congrats sa inyo." Sabay sabi ni Dale at Raver.

"Mag-ayos kayo lalabas tayo ngayon at ililibre ko kayo bilis."

"Yes ayos!"

"Waaah, gorabels na tayo mga ating.. Aray kinagat ako ng langgamabels huhu.." Napatawa nalang ako kay bebs.

Nandito kami sa isang fast food chain at yong mukha nila parang pinagbagsakan ng malaking bato ako kasi ang nagsabi kay Z na dito nalang kami kakain.

"Akala ko pa naman sa isang restaurant tayo." Bulong ni Dale.

"Ang OA mo fafa ang sarap kaya dito." Sabi naman ni bebs.

"Ikaw nalang ang mag-oorder Carleen." Tumayo na si bebs.

"Damn, bakit ba kasi ang ganda mo?" Biglang bulong ni Z sa tainga ko.

"Huh!?"

"Kanina pa sila nakatingin sa 'yo ang mga lalaki tsk." Niyakap ko nalang siya.

"Nandito pa kami yohoooo." Dale.

"Kuya Drake you're so malandi." Irap na pagkasabi ni Chloe.

"Shut up brat!"

"Inggit ka lang." Sabi ni Raver kay Chloe.

"Whatever."

Dumating na rin sa wakas ang pagkain namin at nagsimula na kaming kumain, minsan sinusubuan pa ako ni Z.

Okay parang OA na ang pagkatamis nito.

Medyo madilim na kaya nagpasyahan na naming umuwi hindi na ako nag pahatid kay Z dahil kailangan niyang mag drive sa kanyang sasakyan lalo't nasa iisang bubong lang sila ng kanyang pinsang brat.

Nagpa-alam na kami sa isa't-isa.

"Take care okay? Iloveyou." Hinalikan ako sa noo ni Z.

"Ikaw rin Love you too."

Nagkanya-kanya na kaming nagsi-alisan hanggang sa makarating ako sa village

Pero may nakita akong sasakyan na medyo malapit sa bahay namin, ipinagkibit-balikat ko nalamang ito.

Iginarahe ko na ang aking sasakyan at pagkapasok ko isang malakas na halakhak ang aking narinig.

Kumunot naman ang aking noo, baka may bisita sila Mommy?

"Hello Mom." Nakipag beso ako kay mommy.

"Oy baby may bisita tayo halika punta tayo sa garden." Sumunod lamang ako kay Mommy.

"Nandito na 'yong anak mo Hon." Sabi ni Mommy sa kay Dad dalawang lalaki ang kausap niya ngayon at nakatalikod ito sa amin.

"Pre, ito na pala ang unica hija ko. Halika anak." Lumapit ako kay Dad at nginitian ko ang dalawang bisita parang mag-ama ito dahil sa tingin ko pareho lang kami ng gap nitong lalaki.

"Kay ganda naman ng anak mo pre, bagay sa anak kong si Jerome." Hindi ko alam kong nagbibiro lang ba siya or ano feeling ko may hinding magandang pangyayari.

"Oy anak magpakilala ka naman diyan sa magandang binibini, alam mo ba iha ngayong second sem papasok siya sa Cruz University sabi ng Daddy mo eh don ka raw nag-aaral."

"Opo." Sagot ko tumayo si Jerome ata nag pakilala sa akin nakipag shake hands siya at napilitan ko itong kunin.

"Uh-mm Dad punta muna ako sa kwarto ha," Galang kong sabi umalis na ako don lumingon muna ako saglit ng titig na titig sa akin si Jerome napa ngiti nalang ako ng pilit.

Awkward.

-

A/N:
Mygaad ang sakit ng mata at ulo ko kapag mag t-type ako tapos pinapagalitan ako ni mader dahil daw nababaliw na ako saka ka "watapad-watapad" kuno hahaha. Baka daw bukas mawalan na ako ng paningin, juiceko wag naman sana haha!

Mr. Campus King Meets Ms. ColdWhere stories live. Discover now